Jane's feelings

20 0 0
                                    


Jane's pov

Hello po magandang araw sa inyo hahaha hay sa wakas sinipag din magtype itong si miss a hahaha..oh sya magkuwento na ako ha?..im here sa bahay saturday kasi walang pasok at andito ako nagkukulong sa kwarto ko hehe trip ko eh bakit ba?..tapos biglang pumasok si kuya di man lang kumatok...wala rin syang lakad ngayon eh kinansel nya lahat gusto daw nya magpahinga..

"Hoy jane! Ano yung narinig ko sa mga maids na hinatid ka daw ni justin kagabi?? Oy di ba sinabi ko sayo wag ka magpapagabi sa daan mamaya mapahamak ka pa..saka nanliligaw ba sayo yun si justin?" Dire diretsong sabi ni kuya at nabigla ako sa tanong nya haha ligaw agad?? Di ba pwedeng friends lang muna??

"Kuya naman eh ikaw ang malisyoso mo talaga hinatid lang naman ako saka tinulungan nya ako dun sa mga muntik nang magkid-" ako hindi ko naituloy yunh sasabihin ko kasi ayaw ko na sabihin pa sakanila yung nangyari kasi for sure hihigpitan na naman nito ang security..

"Ano yun jane??" Kunot noong tanong nya sa akin

"Ah wala kuya sabi ko tinulungan nya lang ako dun sa mga lessons ko saka inaya ko sya magmeryenda pa thank you ko na rin sa pag tulong nya" di mapakaling tugon ko sa kanya 

"Hoy princess jane archuleta umayos kang bata ka magsabi ka sakin ng totoo kilala kita pag nagsisinungaling ka!"nako lagot tinawag ako sa buong pangalan ko galit na naman si dracula hayst..

"Sorry na agad kuya kasi kahapon bago ako umuwi may nagtangka magkidnap sakin sabi may atraso daw sakanila ang daddy at ako daw ang sisingilin nila sakto naman dumaan si justin Kaya tinulungan nya ako hehe..night and shining armour nga dating nya kuya kahit nasapak na gwapo pa din hehe.."sagot ko kay kuya while smiling 

" kita mo tong batang to muntik nang makidnap kinikilig pa oy jane umamin ka nga ikaw ba crush lang talaga nararamdaman mo dun kay justin ha? Baka naman mamaya malaman ko in love ka na dun" si kuya david haha talo pa nya pari kung sermonan ako 

" kuya wala naman masama kung mainlove ako di ba? Saka mabait naman si justin ah? Wala naman akong nakikitang hindi maganda sa kanya unless bitter ka kasi di ka makaporma kay hanny haha.."

" sira!! Anong walang masama hoy meron kasi bata ka pa hindi ka pa pwedeng mag boyfriend not until makagraduate ka" si kuya jusko ilang taon pa bago ako mag graduate hay bahala sya..

"Kuya naman eh ilang taon pa bago ako mag graduate baka by that time may jowa na yun si mylabs ko.."sagot ko kay kuya 

"Ito na nga ba sinasabi ko eh in love ka na nga dun no? Hay kapatid ko dalaga na talaga sige hindi ko na pipigilan kung inlove ka na talaga dun kay justin pero,may pero kung sakali na ligawan ka nun wag mo munang sasagutin kailangan makapasok muna sya sa standards ko " si kuya david hay grabe sa pagka overprotective tong kuya ko ah?

"Kuya ikaw ah? Baka mamaya kung anong iniisip mong gawin kay justin babatukan talaga kita" banta ko kay kuya 

" hindi naman bunso pero sure ka ba talaga na mahal mo na sya baka naman kasi mamaya kaya lang ganyan nararamdaman mo dahil magkahawig sila ni bailey yung crush mo na binasted mo noon?" Tanong ni kuya david sa akin sino si bailey?? Soon ikukuwento ko sa inyo haha..

" ewan ko kuya pero minsan naalala ko sa kanya si bailey pero sobra naman silang magkaiba ng ugali oo aaminin ko crush ko pa rin si bailey pero iba yung nararamdaman ko sa kanya kaysa kay justin kay bailey kasi oo crush ko sya pero parang hindi masyado pero si justin may kakaiba akong feelings pag kasama ko sya.."sagot ko habang si kuya nakikinig lang..

"Hmm..maybe nalilito ka lang siguro crush mo si bailey pero mas malalim yung feelings mo para kay justin sana lang ganun din nararamdaman nya para sayo kasi kung hindi at paiiyakin ka lang nya ibibitin ko sya baging!" Kuya said ganyan talaga yan si kuya kahit nung mga bata pa kami ayaw nya na nasasaktan ako di bali sya masaktan wag lang ako..

" ewan ko siguro nga kuya tama ka nalilito lang si heart and mind ko kasi magkaiba sinasabi nila sa puso ko si justin gusto ko pero sa utak ko dapat hintayin ko ang pagbalik ni bailey na hindi naman ako sigurado kung babalik pa nga sya ayaw ko naman umasa minsan na akong umasa sa isang tao pero wala pa akong napala" malungkot na tugon ko kuya..

" hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makalimutan yung tungkol kay ate? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sya pinapatawad?" Si kuya ang ate na sinasabi nya yung pinsan namin na inampon nila mommy at iniwan kami di na bumalik..

" kuya pano mo mapapatawad ang isang taong wala naman pagpapahalaga sa pangakong binitiwan nya? Sinabi nya babalikan nya tayo at umasa ako sa kanya pero 10 years have passed at hindi na sya bumalik.kaya pano ko sya mapapatawad? Sana lang hindi nya katulad si justin kung sakali maging kami in the future"sagot ko kay kuya 

" alam mo kung hindi mo talaga kayang patawarin si ate kate kalimutan mo na lang sya at wag mo na isipin ang isipin mo na lang si justin para ngumiti ka na jan sige ka mamaya sunduin ka nun nagpaalam pa naman yun sa akin na ipapasyal ka nya mamaya" si kuya at..

" whaaaaaatttttttttt????!!!! Kuya bakit ngayon mo lang sinabi?!! Hay maliligo na ako jan ka na!"ako saka nagmamadaling tumayo tas bigla ako pinagtawanan ni kuya

"Hahaha sabi ko na nga na pag si justin ang usapan para kang sinisilaban jan haha pero pwera biro totoo nagpaalam sya sa akin kanina na ipapasyal ka daw pero hindi mamaya kundi bukas kasi sunday wala syang gagawin.." Si kuya david while laughing hay talaga si kuya oh! Daming alam hayst kinabahan tuloy ako 

"Ikaw talaga kuya puro ka kalokohan alam mo namanng natataranta ako pag nanjan sya eh pinagtitripan mo ako kapatid ba talaga kita o hindi? Lagi mo na lang ako pinagtitripan sige ka pag ako naasar di kita itatakbo kay hanny.." Pang aasar ko din sa kanya

"Hay kasi naman bunso wag masyadong halata baka mamaya sabihin ng mga tao na patay  na patay ka kay justin nako hindi maganda yun hayaan mong sya yung maexcite kapag nakikita ka" kuya said tapos niyakap nya ako..

" ikaw talaga kuya alam na alam mo magpapasaya sakin kahit dracula ka hahah" pang aasar ko pa ulit kay kuya

"Syempre kapatid kita kaya alam ko pero bunso wag masyado maiinlove kay justin ha? Kasi ayaw ko na sa bandang huli makikita kitang umiiyak dahil sa kanya baka kung ano pa magawa ko dun mawalan ka pa ng kuyang gwapo hehe" si kuya sabay ngiti dahilan para lumabas yung dimple nyang singlalim ng balon hahaha..

" wag ka mag alala kuya i wont let my emotions take over me and remember what im always saying im already a big girl and can manage my self so kuya no need to worry about me mas intindihin mo kung pano mo pormahan si hanny para pa namang gwardya sibil yun si shawn tulad mo kung bantayan ako hahaha" pang aasar ko kay kuya david 

" sira maligo ka na nga amoy kambing ka na na sampung araw di naliligo bilisan mo kasi may pupuntahan tayo" utos nya sa akin..

" kuya naman kambing talaga?? Hay nako sige na nga maiwan na kita jan wait mo ko ha sapakin kita pag hindi mo ko hinintay hahaha" natatawa kong sabi sabay takbo sa loob ng bath room ko..oh sya guys ligo muna ako amoy kambing na daw ako sabi ng kuya ko eh haha...bye ill see you next time..

A/n: 

Hay sa wakas nakapag update din ako ulit hahaha..wawa naman si jane nagkakagulo ang heart and mind nya parang yung utak ni writer magulo haha oh sya tap the star icon below if you like my update thank you for waiting patiently ill see you on mg next update kung saan may magpapakilig hehe..

Love,

Princess justin :-*

boyfriend..(justin bieber fanfic)Where stories live. Discover now