***
"Mama naman ehh, ang aga aga para gigisingin mo ko," Sabay takip ko ng unan sa ulo.
"Anong ang aga, kanina pa kita tinatawag tapos hindi kapa babangon? Hay nako mag si six-thirty na, bilis bilis bangon," sabay palo niya sa pwet ko.
"Si mama talaga ohh, hindi na ako bata para paluin mo ko sa pwet,"
"Sige na, sige na, maaga pa ako don sa trabaho ko, sige ka iiwan talaga kita pag hindi kapa babangon,"
Agad naman ako bumangon nung narinig ko yung sinabi ni mama na iiwan niya ako, no way ayokong maiwan nalang dito sa bahay na walang kasama. Nag tungo ako sa Cr para maligo. Nung tapos na ako naligo agad naman ako nag tungo sa kwarto ko, sinuot ko yung bagong uniform ko sa bagong school.
"Nak, yung ribbon ng uniform mo, muntik mo na makakimutan,"
Agad kong inabot yung ribbon galing kay mama.Nung nakapag prepare na ako, lumabas ako ng bahay para antayin si mama. Para hindi ako ma bobored sa kinatatayuan, kumanta ako ng isang song na ang title ay Perfect (by Ed Sheeran.)
Nung natapos ko na ang pag kanta sa bandang chorus, naputol yung pagkakanta ko sa sunod na linya dahil nagulat ako na may pumalakpak sa may bandang harapan ng bahay namin at naka bisekleta siya, ngayon ko lang siya nakita at lalolalo na't hindi kami mag kakilala.
"Whoa galing, .. ngayon lang ako nakarinig ng isang magandang boses,"
What? Ano daw, magandang boses? Nag bibiro ba siya? hay nako mga lalake talaga. Pero pamilyar yung uniform na sinusuot niya, hmmm oo nga yun yung uniform ng University of Academic School, or should I say sa dati kong school na parati akong binubully. uhm hindi kaya kasabwat to ni Trixy? Pero imposible dahil mukhang new student naman siya doon. Biglang lumapit saakin yung lalake na parabang magkakilala na kami.
"Uh, Hi Miss, ano po bang pangalan mo?"
Napaatras ako sa sinabi niya at pumasok ako sa loob ng bahay dahil I don't want to talk any stranger.
Five minutes from now lumabas na si mama sa bahay at sumakay na sa kotse namin, sinilip ko muna yung labas ng gate namin dahil baka nandun pa yung lalake, pero wala akong makita na isang tao na nakatingin dito, hay mabuti nalang umalis na yung lalake Phew.
Nung nasa loob na ako ng kotse, syempre mama ko yung nag drive, at habang ako ay nasa back seat. Habang nag mamaneho si mama patungo sa bago kong school, bigla kong naalala yung lalake kanina na sinabihan akong maganda raw boses ko shiitttt, buong buhay ko ni isa wala pa akong narinig niyang salitang yun, at nung nasa University of Academic School pa ako, niisa ay wala rin nag sabi sakin na maganda ang boses ko, at lalong lalo na't wala silang pake sa boses ko,... Hay nako sumakit tuloy ang ulo ko, siguro binibiro niya lang ako or kaya binobola, bahala siya, nag sisinungaling lang yun siya.
"Anak, mag handa kana, malapit na tayo sa bago mong school,"
"Opo ma,"
***
BINABASA MO ANG
Kard (University Of Music) On-Going
Teen Fiction"K A R D" University of Music (School of Music) Once you enter, your life is full of Music. All Rights Reserved ©KenzoGomez24