C-1-2: Welcome

16 2 0
                                    

***

"Andy, nandito na tayo,"

Bumaba ako sa sasakyan namin at nag paalam na kay mama.

"Si na nak, mag ingat ka ha?"

"Opo ma,"

At tuluyan ng umalis si mama. Phew, excited na akong pumasok sa school. Nang pumasok na ako sa gate, ang una kong nakita sa mga mata ko ay ang mga teachers na nasa gate, nag she--shake hand sila sa mga estudyante dito tsaka napaka astig rin talaga ng gate ng school na'to. mga notes ng music ang design niya.

Ibang iba talaga siya sa dati kong school, kung baga doon ay lagi nila akong inaabang at para lang mangbully, pero dito ay wala na, ang saya-saya ko talaga dito dahil nalampasan ko na ang mga kahirapan kong naranasan ko.

Habang lumalakad ako, ang ibang estudyante ay naka smile saakin, nag ha-hai,.. Ang babait pala ng mga tao dito, grabe higit pa'to sa inaasahan ko.

Nung nasa harapan na ako ng room namin, lahat ng mga mata nila ay naka titig sakin, hmm hindi naman ata nila ako bubully, nagulat ako nung pinalibotan nila ako at sabay sabay silang nag salita.

"Hiii, Welcome to our Mansion!! AKA, Melody Section!!,"
Sabay sabay silang nag salita na para bang special ako. Ang medoly section ay pangalawa sa matataas na section.

Nahihiya tuloy ako dahil sa ginawa nila. May isang babae na hinawakan ang kamay ko at tapos sabi niya na doon raw ako sa harapan dahil special ako. Huh, ako special? Hmm pwede na, ang babait talaga ang mga tao dito. Tapos may lalake naman na lumapit sakin at pinigilan niya yun si girl.

"Teka, doon dapat siya sa second row, mas maganda dun, mahiya kanaman sa bago nating classmate,"
Mukhang mag aaway tong dalawa ahh.

"Excuse me, mas maganda dito sa harapan,"
Sabay snob niya sa lalake.

"Bes, wag kang maniwala jan kay Joshua, gusto ka lang niya talaga maka tabi,"
Agad naman niya ako pinaupo.

"Um bes, ako nga pala si Patricia,"
Sabay smile at nag shake hands kami.

Nung nag simula na ang klase, syempre bagong student kailangan talaga mag intruduce sa sarili. Nung nag salita na ang guro namin, sapag kakaalam ko, siya si Sir Vince Valenzuela, shyt kahit mataas taas na yung edad niya, Gwapo niya parin, Agad ako pinatawag sa guro namin para mag intruduce daw. Sabi ko na.

Syempre nahihiya pa ako sakanila, mahinhin lang yung boses ko.

"Uh, good morning to everyone, I'm Andy Gutcheres,.. And I'm 17 years old.
Babalik na sana ako , pero pinatawag ulit ako.

" uhm, Andy right?"

"Yes po,"

"Bago ka bumalik sa upuan mo, ano bang talent na meron ka?"
Huh? Bakit napatanong yan ni Sir? Shyt wala akong talent.

"Wa--wala po,"
Nanlaki ang mata ng guro namin nung sinabi ko na wala akong talent.

"Pero imposible na wala kang talento, lahat na nag aaral dito ay may talento, so anong talento mo? Wag kang mahiya,"

Kard (University Of Music) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon