Chapter 2: Clubs

13 1 0
                                    

"Dedicated to Sheryl Eclipse, dahil sobrang supportive niya talaga sa story ko."

***

"Krinnggg"

"Yes, nag bell na, its time for lunch,"
Sabi nung lalake sa tabi ko, natatawa lang ako dahil tulog na tulog siya sa mga klase namin pero nang lunch na ay napaka agrisibo na niya.

"Andy, sabay kana kumain sakin," Saad sakin ni Patricia. Nag nod naman ako para may kasama din akong kumain. Si Patricia yung unang nakilala ko dito sa room.

Nung nasa cafeteria na kame, sobrang pagod ako sapag lalakad dahil ang layo pala ng Cafeteria nila. Hayy

Pag katapos namin kumain, pumunta kami sa isang building kung saan doon nag kaclub ang mga estudyante, like painting club, gymnastic club, voice club and etc.

Nung pumasok na kami ay tiningnan namin yung mga rooms.

"Andy, dito yung room ng mga gymnastic club, tingnan mo may mga salamin,"

Wow ha, ang laki ng salamin nila, pwede na pang dance floor. Pumunta naman kami sa kabilang room.

"Dito naman yung Painting club, lahat ng painting club ay may tig iisang stand para sa canvas nila at libre pa,"

Kahit papano hindi na sila bibili ng stand kasi ang mahal mahal nun.

Marami nang rooms ang dinaanan namin pero may isang room nalang ang wala pa namin tiningnan.

"Alam mo Andy, dito ka nararapat na club," di ko naman alam yung ibig sabihin niya eh, sa lahat na dinaanan naming rooms, eh parang ito yung pinaka ayoko.

"Voice clubs? Tama ba?"
Ayun hinulaan ko nalang kasi alam ko na ang ibig sabihin niya.

"Boom, yun nga, nahulaan mo,"
Sabay ngiti niya saakin.

"Ehh, mas gusto ko payung math club kesa nito," For the real, mas gusto ko pa yung Math Club kesa nito.

"Ano kaba, sayang lang yung boses mo kung hindi ka sasali sa voice club,"

"Basta ayoko,"

"Ewan ko sayo, may talent ka nanga biniyaya, ayaw no pang gamitin,"

"Basta ayoko nga, mas gusto ko pa nga yung math club," ewan ko sa babaeng to, puro nalang singer ang paningin niya sakin, eh hindi nga talaga ako singer eh.

"Ewan ko sayo Andy, tara na nga, pumunta na tayo sa classroom,"

Nung nasa classroom na kami, nag tungo agad kami sa upuan namin. Tamang tama, wala pa yung teacher namin. Nag antay kami ng ilang minuto, may teacher nang pumasok.

Kard (University Of Music) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon