***
"Uy si Andy nandito na siya,"
"Bilisan niyo parating na siya,"
"Sabik na sabik na ako makita siya ulit,"
"Wait lang, yung patibong ko hindi ko pa natapos,"
Here we go, alam niyo ba na palagi nila ako inaabang?
Because of my beauty. Dejoke, kase binubully nanaman nila ako.
Wala naman akong ginagawa sa kanila, pero panay bully parin sila saakin.
"Andy, alam mo bagay mo isuot tong hair clown na ito, oh diba bagay? Hahahahaha," panay tawa parin sila sakin dahil nilagyan ako ni Trixy sa ulo ng isang hair clown.
"Hmmm, pero parang may kulang, Ahhh, oo nga pala, lagyan natin yung ilong mo ng isang pula." Kinuha niya ang kanyang lipstick at nilagyan niya ako ng pula sa ilong gamit ng lipstick.
"Ayan mukha kana talagang Clown, Hahaha."
"Oo nga, Clown na mukhang ewan, Whahahaha,"
Tawa ng tawa parin ang mga kaklase ko. Papasok na sana ako sa room pero naalala ko pala na may patibong nanaman silang ginagawa kaya hindi tinuloy.
Tinanggal ko ang wig na sinuot sakin ni Trixy tapos tumakbo palayo, habang lumalakad ako, lahat ng mga mata ng estudyantante ay naka tingin saakin.
"Hey Andy, what's happen to your nose, halik bayan ng isang bubuyog? Hahahaha," Saad ng isang babae at nag sitawanan ang lahat ng mga estudyante.
"Pati ba naman bubuyog, nagka gusto sa ilong mo?,"
"Kase nga diba, flat yung ilong niya, HAHAHA,"
Nag sitawanan nanaman sila, hindi ko nalang sila pinansin, at tumakbo nanaman ako palayo.
"Goodbye Andy,"
Hindi naman pango tung ilong ko ahh, sadyang naiinggit lang talaga sila sa matangos kong ilong.
Nag tungo ako sa likod ng building kung saan wala masyadong instudyante nag tatambay.
Nag stay ako nang ilang oras don.
Hindi ko lang naintindihan kung bakit nila ako binubully, wala man ako ginagawa sakanilang masama, nag mumukha tuloy akong totoong clown yung nilagyan ni Trixy ang lipstick sa ilong ko.Sawang sawa na ako sa pg bubully nila saakin,... Total naman bukas mag ta--transfer na ako ng ibang school, wala nang mag bubully saakin. Kase since 1st year JHS, palagi na nila ako binubully hanggang ngayon, pero matatapos din ang pag hihirap ko dito sa school na'to dahil mag ta--transfer na ako ng ibang school.
Yung tumunog na ang bell, saka pa ako pumunta sa room.
Nung nasa room na ako, pumasok ako tas nag hingi ng sorry sa teacher.
"Good morning teacher good morning classmates, I'm sorry I'm late may i come in?," ni isa ay walang sumagot, tinignan lang nila ako sa pintuan, pati na din ang teacher namin na mukhang The Grudge kung magalit.
"Anong good sa morning huh? Bakit ngayon kalang dumating? Ang aga aga, pinapainit mo lalo yung ulo ko,"
"Soorry po ma'am,.. Kase po ma'am,......"
"Go to the Detention Room!!,"
Sigaw ng teacher namin."Pero ma'a,....."
"I said go to the Detention Room, NOW!!," Sabay undol sa lamesa niya.
Halatang nag sitawanan ang mga kaklase ko pero pinipigil lang nila.
Tumakbo nanaman ako palayo, tapos may biglang humarang sa dinadaan ko at sila nanaman yung kanina.
"How sad Andy, How sad,.."
"Wag ka kasi mag palate, ayan tuloy, napagalitan, tsk tsk tsk,"
"Better next time Andy, HAHAHA,"
Hindi ko nalang sila pinansin, tas umalis na sila sabay tawa. Imbis sa detention room ako tutungo, lumabas ako ng campus then sumakay ng jeep pauwi ng bahay namin.
"Oh anak, bakit ka napa aga ng uwi? Teka, bakit may pula sa ilong mo, may nag bubully nanaman sayo no?," Tanong ni mama sakin.
"Ahh, wala to ma, nag memake up lang kase kame tapos may konteng katuwaan, kaya yun," sabay luha. Dumeretso agad ako sa kwarto ko.
Hindi alam ng mama ko na binubully parin ako hanggang ngayon, akala niya huminto na sila sa pag bubully sakin last year, pero hindi niya alam na hanggang ngayon binubully parin nila ako. Kinuha ko ang IPhone at Headset ko para makinig nalang ng music. Dahil music lang talaga makakawala ng stress sakin, maliban kay mama.
Niplay ko yung favorite kong song ng Kpop, Kard Oh nana, maganda kasi yung sound track niya eh, makawala ng stress, humiga ako sa malambot na kama, nung nag tagal, sinasakop na ako ng kadiliman, gusto ko nang matulog pero buhay parin ang presence ko, pero habang tumatagal inaanyok na ako unting unti akong pumikit athanggang sa tuluyan na ako sinakop nang Kadiliman.
***
BINABASA MO ANG
Kard (University Of Music) On-Going
Teenfikce"K A R D" University of Music (School of Music) Once you enter, your life is full of Music. All Rights Reserved ©KenzoGomez24