eto na kami ..naglalakad ..papunta na ulit ng KFC ...
malapit lang naman kasi yun so bet namin ang paglalakad .. :D
kasama ni Tina ( yung president namin ) si ma'am ... saka si Yong ..
masaya sila sa likod habang naglalakad .. obvious naman na masaya sila sa aming pagkapanalo ..
nakarating naman kami ng KFC at kami lang yung tao sa taas ..enjoy na enjoy kami ..haha
past 4 na nang makatapos kaming kumain .. syempre , kasama na dun yung kwentuhan at tawanan ... kasama na din yung pagtambay ng konti .. so yun . ! uwian na !!!
kaya lang .. nagkaroon ako ng problema ..
" naku ineng ..baka wala ka nang masasakyan ..may nagkabanggaan sa may kanto ..walang makadaang sasakyan bukod dun sa manggagaling sa kabilang kanto .. "
hala .. paano na ko uuwi ?? for sure walang dadaang sasakyan na papunta samin ..anlayo kaya ng dadaanan ,,lugi lang mga driver ..
5PM na wala talagang dumadaan .. .
maglalakad na sana ko nang makita ko ulit si Yong ..papalapit sya sakin ..
ugh . bakit ba kahit gaano kaperfect ang araw ko may mangyayaring hindi maganda basta makita kita ??
" pauwi ka na? "
i just nodded ..
" sabay ka na sakin ... "
" ha?! sasabay paglalakad ?? "
" hindi .. susunduin ako ng daddy .. umikot siya para masundo ako .. "
" ahhh ... wag na lang ..maglalakad na lang ako ..madami namang naglalakad eh .. "
" hindi sumabay ka na ... madadaanan naman namin yung sa inyo diba ? "
hindi ko na alam kung anong sasabhin ko sa kanya .. O____O
" nakikita kasi kita tuwing umaga kapag papunta kang skul .. "
ahhh ..kaya niya pala alam kung taga san ako ..
dumating na yung daddy niya .. at infairness namn ... ang ganda ng sasakyan nila ..
" sakay na " , pinagbuksan ako ni Yong ng pinto ..
at nginitian niya ko .. first time niya ata akong nginitian ?? o ngayon ko lang napansin ?? kahit naman pala nagdadala siya sakin ng bad luck e pede din siyang maging saviour ..
so sumakay na ko ..binati ako ng daddy nia ..hmmm ..magkamuka sila ..yun lang .hehe
antahimik namin sa loob ng kotse ..
andamin pumapasok sa utak ko ... yung mga naganap nung umaga ..nanalo kami .. ang grand finals ..at syempre .. ang aking bad luck pero saviour ko .. haaaaayyy ..
di ko namalayan yung oras .. 5:45 na at nandun sa kami sa tapat ng bahay namin .
" salamat po ... " sabi ko dun sa daddy niya ..
" sige ineng " yun lang yun sinagot niya sakin .pero may ngiti yun ... mabait naman ata yung daddy niya ..
nagbihis lang ako ng damit ..at shoot na ko agad sa kama ..nakatulog na agad ako ...
kinaumagahan sa school ..issue pa din samin na nanalo kami .. 3 weeks pa bago yung finals ... at di lang yun .. nabalitaan kong makakalaban pala namin yung section nina Yong .. mas nakakakaba yun ..
para na lang ding normal day .. pero may practice pa din tuwing hapon kahit isang oras lang... :)
siguro kung may pinagkaiba man e yun yung nadagdagan kami ng isa pang kanta ..bukod kasi dun sa mismong song na kakantahin ng bawat competitors.. ..kelangan pa naming pumili ng isang kanta na pwede naming laruin .. I mean ..pedeng lagyan ng choreography ..at pedeng pag-ibaibahin yung stanzas nung song ..
pinili namin yung " jingle bells " feeling kasi namin e madali yun .. but we were wrong ..ang hira p din pala .. !!!
BINABASA MO ANG
The Best Disaster
Teen Fictionpaano kung yung taong sumisira sa araw mo ang taong kukumpleto sa buhay mo??