two days have gone ..
two days of practice ..
and two days of thinking ..
hanggang ngayon di pa rin sinasabi ni Shin sa iba yung tungkol sa pag-alis niya .. ako lang ba talaga yung pwedeng makaalam?? parang pinapahirapan niya ko ah ??
bukas na yung grand finals ..pagkatapos nun vacation na so there's no chance for him to tell others .. ako lang ang magggoodbye sa kanya ?? ang lungkot kaya nun !!
pumunta kami sa hall para sa rehearsals .. ahhhmmm ...we need it .. para at least guided kami sa mga kaganapan bukas .... nakakatuwa yung scenario ..11 competitors .. pero parang friends lang ..lahat nagngingitian ..prang hindi kami maglalaban laban bukas ...
" finalists .." , nanahimik ang lahat at napatingin kami sa nagsalita ..
OMG!! si sir erwin !!! .. (minsan lang yan magpakita sa students .. hindi naman talaga sya prof eh .. namamahala siya sa accounting department ng campus .. and at the same time .. he supervises the school choir) .. super love niya talaga ang choir kaya pati ngayon tinulungan niya sila sa pag-aayos samin ..
tssss ..andami niyang sinabi ,, pero isa lang naman yung point niya eh ..mag-ayos kami at makinig mabuti para mabilis matapos ang rehearsal ..para makapagpractice pa ang lahat per group...
yun lang naman yun ..
so we followed his orders .. at nagsimula na nga ang rehearsal ..out of those 11 sections , pangseventh kami sa magpeperform( lucky seven ?? ) nasa backstage lang kami nung nagperform yung iba tapos yun !! kami na ang magpeperform ...
we went to the center stage .. konti lang yung audience ..syempre yung mga finalists lang din na nauna samin ..saka yung mga choir members ..andaming reminders bago kami magperform ..
" isipan niyo actual performance na .. and please make yourselves confident na kayo ang mananalo " - sir erwin ..
ugh ..pagharap pa lang sa kanya nkakanerbyos na ... ano pa kaya yung magperform ??
so yun ..we tried to make it with all our best ..
first song (yung song na kakantahin ng lahat ) : walang music ..muka namang maganda yung blending namin .. ahhh ..mali............ hindi naman totally maganda eh ..basta hindi naman masakit sa eardrums ... LOL ..saka andun din si shin para magconduct samin ..not bad ... :D
next song ( yung pinili naming song na may choreography) ... actually first time nilang maririnig at makikita yung performance namin ng song na to ..pero parang ako yung nasurprise .....
medley yung song namin ng three christmas songs pero nagawa kaming sabayan nung tumutugtog ng piano ..
andun lang siya sa right corner pero di ko kita yung mukha niya ..masyado kong busy sa pagkanta at medyo pagsayaw kaya di ko siya mamukaan ..
so our performance was about to end nung makita ko yung natugtog ..syempre ..matatapos na yung performance eh so medyo konti na lang yung movements namin ...
si yong pala yun ??
ang galing pala niyang magpiano .. bakit ngayon ko lang to nakita ?? totoo pala yung sabi nila??
natapos ang performance namin
at amazed pa din ako kay Yong .. ganun na ba talaga ko kaoutdated para ngayon lang siya makitang magpiano ??
umupo na kami dun sa upuan ..( malamang ) .. kami naman ang manunuod sa remaining performers .. pero parang di ko naman sila napanuod lahat?? kinausap ako nang kinausap na shin ..
" galit ka ? " ,parang ngayon na lang ulit ako kinausap nito ah ??
" ako? bakit ako magagalit ? ", i replied ...
" two days ka na kasing seryoso sa practice .. di ka man lang namamansin .. " , nagtatampo ata si shin ..
" seryoso ba yung tawag sa wala nang ginawa kundi tumawa kapag may nagkakamali ?? " ,
i cant think of any instance na naging seryoso ko the last two days..
" kasi nga sakin ka lang galit .. hindi naman sa kanila eh " - shin insisted
" e bakit kasi ako sayo magagalit ?? "
" siguro dahil ayokong sabihin sa iba yung sinabi ko sayo .. "
" tsss .. ikaw lang yung nag-iisip nun ..di kita mapipilit tungkol dun .pero di ako sayo galit .. "
" sasabihin ko na sana sa kanila eh ..kaya lang sabi mo hindi ka galit .. di ko na lang sasabihin sa kanila . " grabe yung ngiti niya ah ??
" kelangan kong magalit para sabihin mo yun sa kanila ? para naman yun sayo eh ..maiintidihan naman nila ? "
" sasabihin ko naman talaga eh .baka mamaya..pagkatapos nitong rehearsal "
" good luck ! " , tama ba yung sinabi ko ??
" regalo ko bukas ha ? " , joke ba yung sinabi niya ??
" wow ..tapos nang magperform lahat ! " , change topic naman agad ako ..
wala akong pera pambiling regalo para sa kanya .. haha
" sana lahat ng sinabi ko gawin niyo bukas..para din naman yan sa inyo eh ..sa performance niyo " - sir erwin
huh ?? anong sinabi niya ?? ganun ba ko kabusy ??
" guys kain na kayo ..then practice na ulit "
for the last time ..kakain ako nang super bilis para sa charole fest na to .. pagkatapos nito back to normal na ang lahat ..
" pasabay ako " , pakinig ko yung sinabi ni shin ,
and suddenly , nagring si phone ..
si yong ?? bakit siya tumatawag ??
hindi ko nasagot yung tawag .. hindi ko pa masyadong maabsorb na yung taong sobrang hinahangaan ko kanina lang sa pagpapiano e tumatawag .. parang hindi si yong yun eh??
" sino yun ? " - jessa
Nag-ring ulit yung phone ko so hindi ako nagkachance na sagutin yung tanong ni jessa .. sinagot ko na yung tawag .
YONG: kasama niyo si shin, tama ?
bawal na bang mag"hello" muna bago ka magtanong ?
ME: oo ...
YONG : pakisabi pumunta siya dito ..
tatanungin ko pa sana kung san pero binababa niya na agad ..
galit o nagtitipid ng load ??
sinabi ko kay shin yung pinapasabi ni yong ..kahit walang exact place na sinabi .. mukha namang alam ni shin yung tinutukoy ni yong na lugar eh ..
iisa ba talaga yung tumawag sakin kanina saka yung tumugtog??
nakakapangiti yung tumutugtog .. nakakayamot naman yung tumawag ..
BINABASA MO ANG
The Best Disaster
Novela Juvenilpaano kung yung taong sumisira sa araw mo ang taong kukumpleto sa buhay mo??