Chapter #4: Theory in Reality

1 0 0
                                    

Nagising akong nababalutan ng tagiktik ng butil ng pawis ang katawan ko, nakatakas kami ni Cole. Huminga akong malalim at tumingin sa orasan, three o'clock pa lang ng umaga, kaya naisipan ko na mag jogging ng kaunting oras tsaka balik na sa bahay pag katapos.

Ihinanda ko na ang mga gear na gagamitin ko sa pag takbo, at isinara ko na ang pinto ng napaka hina kundi magigising si mama.

"Sigurado akong gising yun ngayon si Wolfie. Hays, galit pa yun sakin, for sure." Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo. Tumakbo ako papuntang highway then balik lang naman sa bahay, pero nung pabalik na ako sa bahay ay narinig ko ang roar ni Cole kasunod ng napakalakas na hangin. "W-what the hell? Cole!?" Pagkatapos kong banggitin ang pangalan nya ay biglaan lang nawala ang malakas na hangin, just what the hell was that...

Nandito na ako sa school ngayon at may malaking usapan nanangyayari. Sabi daw nila last week pa yun usapan na yun, as usual, ngayon ko lang alam dahil ako ang isa sa mga taong huli sa balita.

"Ano!? Nasa coma si Parsley!?"

"Oo, last week pa, grabe, kawawa naman si Parsley."

"Di ka ba nanunood ng balita?"

"Humihingi ng tulong ang pamilya ni Ate Parsley sa gobyerno at presidente, pero alam natin na di nila hawak ang dream world kaya wala rin lang naman silang magagawa tungkol dun."

Nakakasobra na ang mga Takers na yan! Sobrang bait ni Parsley at hindi eto nararapat sa kaniya o sa mga magulang nya! Argh! Dalwang araw na lang, masquerade event na sa Crystal Kingdom, maghintay ka lang Parsley, ililigtas din kita!

"Oi, ok ka lang ba, Hyacinth?"

"Oo, nakakainis lang kasi na na-coma si Parsley."

"Narinig ko may grupo daw na Takers ang pangalan ang may kagagawan nun."

"Yun din nga ang narinig ko eh."

Bago pa man sana namin pahabain ang pinag uusapan namin ay pumasok na ang teacher namin.

"Tama na muna yang mga usapan ninyo, magsisimula na ang klase, Sandra, please lead the prayer."

So on so forth, lunch na. Pumupunta kami sa food court para bumili ng pagkain, di na ako nakain minsan, wala akong gana eh o di kaya tinatamad lang akong bumili at ngumuya.

"May chicken!"

" So kakain ka ngayon?"

"Oo! May chicken eh!"

"Kunting kunti na lang talaga at baka magi ka na ding manok."

"Grabe naman kayo. Pero swerte talaga! Manang, pabili nga pong netong chicken."

Kumain na kami at pag katapos nun ay balik sa klase, nung  bumalik na kami sa loob ng classroom ay may mga tao na galing ng gobyerno. Long speech short, kailangan nila ng tulong namin, kung bakit ay hindi ko na alam. They gave us sleeping pills para makapasok sa dream world. 4 hours of snooze doze, lahat kami ay mag kikita sa plaza.

"Reecoy Marfa Kiryosa." It was a government order straight from the president na tumulong kami sa mga taong toh. Pumunta sila sa school na mas madaming student ang nakaka access sa dream world, so far, yan lang ang alam ko.

"Okay students! Gather up!" Nasa field kami, and we'll be doing military services, pina-practice nila kami ng military combat style. They know that we can't apply this in reality in just a very short time,kaya dito nila ginagawa. Then after that, we had a short break, sabi nila they'll just explain why they are there and asking us to do those things.

"Sa tingin mo ba ginagawa natin toh para gawin na din tayong soldier if needed sa world war three?"

"Possible yan,actually. But world war three is still a little too far."

"Edi saan? Alien invasion dito? At we'll fight them telepathicly? Haha." Yan ang narinig kong usapan ng mga kaklase ko na pinutol ng isang militar na lumapit sa kanila.

"All of you are wrong, mas malaki ang kakalabanin natin kaya natin toh ginagawa."

"Mas malaki? Si godzilla po ba?"

"Haha, di naman totoo si godzilla eh. You'll know once we're done here." He patted their heads at lumapit na sa mga kasamahang sundalo nya. May kutob ako na kadugtong toh nung sinasabi ng mga hunters kagabi. We continued practicing after that. May nahimatay nga samin dahil sa mental exhaustion eh.Not a few minutes later ay may mga Dream Knights na nag pakita.

"State your business here."

"We're just doing military combat practice as you see."Sabi ng lalaki na mas mataas ang rango kesa sa iba nyang mga kasama.

"You're making children practice military combat? That is absurd. Leave at once or be banish in this world."

"Tsk." Disappointment lang ang makikita sa mata nya. Syempre he needs to follow that order or he won't fulfill his mission. He needs to crossover the dream world and real world after all.

We got out of the dream world just like what the dream knight ordered, since we're mentally exhausted eh damay na din ang katawan namin, after all the brain is the boss, yan ang sabi ng sixth grade science adviser ko, at syempre tama sya. Idol ko nga yun eh.

We woke up very tired at masakit ang ulo dahil sa dami ng ginawa namin sa dream world. The leader of the troops stood up in front of the class and said that we'll continue this after school tomorrow. Binigyan nila kami ng mga letter para sa guardians or parent namin para dito.

"Sir what is the reason why we're doing this?" Tanong ng isa kong kaklase na si John Rey.

"Oh yes, about that, I'll explain why we're doing this with you students, the dre-"

*Boooghs!!*

Before he even finish, an explosion at the Home economics appeared and got all the people's attention. We all got out of the building as required in this kind of situation. Marami ang umiyak sa takot na baka mamatay sila, marami din ang nag sigawan. No one knows what caused it or who did it, but I'm sure this has got to do something with the dream world. Pinauwi kami ng maaga noon.

Pagod akong natulog at hindi muna ako pumasok sa dream world ngayon. So my theory is that the  dream world is mixing with reality. This is much bigger than area 51.

Dream WorldWhere stories live. Discover now