Chapter #5: Think Twice

3 0 0
                                    

Last day na ngayong araw,bukas na ang masquarade event, wala akong magawa, di naman ako makagala, hays, sana makahanap ako ng mga barkadang tambay at gala ng gala kung saan. Ang boring talaga pag walang magawa, kaya eto ako, nahihiga lang sa kwarto ko. Madalang akong utusan ng mga magulang ko dahil sa di namin pag kakaunawaan.

"Papa, pupunta akong 7/11, bibili lang ako ng slurpee."

"Sige."

Yep, ganyan lang kadali, para nga halos walang paki alam sakin ang mga magulang ko eh, pero pag sinasabi ko toh sa iba kong kaklase ang sabi lang nila tungkol dun ay buti pa daw ako pero parang di naman, actually, mas mabuti pa nga sila.

-meanwhile, in the Faceless Barren- (3rd person view)

"B. B. W!!" Binagsak ni Wolfie ang basong iniinuman nya nang rum nang tawagin sya ni Baboon. Ilang araw na sya umiinom ng dahil sa away nila ni Fox.

"Ano!? Di mo ba nakikitang busy ako!?" Pagsagot nya ki Baboon na may galit ang tono.

"Di mo ba narinig ang balita!? Si Fox!" Napatayo si Wolfie sa kinakaupuan nya at kwenelyuhan si Baboon sa pagkakarinig ng pangalan ni Fox.

"Ha!? Anong nangyari ki Fox!?"

"T-teka lang! Di ako makahinga sa ginagawa mo!" Binitawan nya na si Baboon at humingang malalim, kanina pa sila pinag titingnan dahil sa pag sigaw nila sa loob ng bar. Pinagpagan naman ni Baboon ang sarili at napa dighay sa ginawa ni Wolfie.

"Oh, ano ba nangyari ki Fox?"

"Nung pauwi na sya galing sa Kyro Plains.. Naatake sya ng mga hunters." Halos naliligo na sa sariling pawis si Wolfie sa mga sinasabi ni Baboon, hindi nya mapapatawad ang sarili pag may nangyari sa baby Fox nya!

"And the bad news is.."

"Ano!? Anong nangyari!? Wag mo na kasing putulin!"

"Haha, teka lang nga. Ligtas na nakatakas si Fox sa kanila kaya wag kang mag alala pero gumamit si Fox ng spell na Blast, may chance na nasaktan sya dahil sa malakas na spell na yun."

"Tsk, nasan na yang mga hunters na yan!?"

"Ako na ang umasikaso sa kanila, di na ulit sila lalapit sa lugar kung san namamalagi si Fox, pero Wolfie.. dahil sa nangyaring away nyo ni Fox, marami ang susugod sa kanya na di natin kilala, level 65 na nga sya pero fragile as glass pa rin si Fox."

"Argh! Kasalanan ko toh! If I wasn't so overprotective of Fox, di sana hindi yun mangyayari sa kanya, I should've understand her more."

"Yep, tama ka nga dyan. Hay, kawawa naman si Fox." Tumingin na lang ng matalim si Wolfie sa sinabi ng kaibigan at nag kibit balikat lang si Baboon.

"Hanapin nyo si Fox at siguraduhin na ayos lang sya, sabihin sa kanyang pinapatawag ko sya dito sa Faceless Barren!"

"Oh!" Sigaw naman ng mga taong sumangayon sa kanya at nag silabasan na para hanapin si Fox.

"Baboon, iwan kayo dito, pupuntahan ko ang lugar ni Fox. Hihiramin ko ang panther eagle mo para makataas sa tinutuluyan ni Fox."

"Ha!? Kakatapos ko pa lang ipagroom yan si Alexandrite!" Pero di na nakinig sa kanya si Wolfie at lumabas na ito sa bar para hiramin ang panther eagle ni Baboon.

~Wolfie's Pov~

Sumakay na ako sa likod ng panther eagle ni Baboon at pinalipad ito papuntang Misty Forest, kung san namamalagi si Fox. When I first met her, akala ko masungit na tao at laging galit si Fox but you actually need to get to know her bago mo sya husgahan. Mabait at protective syang tao, pag nasasaktan ang barkada nya ay andyan sya para rumesbak.

"Argh! Kung mas naging understanding lang talaga ako sa sariling mission ni Fox edi sana di na mangyayari sa kanya toh! It's all my fault and she's the one that's gonna pay for it!" Sabi ko sa sarili ko habang lumipad kami ni Alexandrite papuntang Misty Forest. Solitude is what Fox wants, kaya dito sya namalagi, but nung nakaraang linggo, napansin kong napapalayo na sya samin. Ok lang kaya sya?

Nakarating na ako sa bahay ni Fox at kamatok sa pintuan nya, sa ikatatlong katok ko ay bumukas ang pinto sa sarili neto. Tsk, sana ayos lang sya. Pumasok ako ng marahan at mag tip toe at baka may kalaban sa loob, pero ang naabutan ko lang ay ang alaga nya na si Cole.

"Cole."

"Rawr!" Bati nya sakin at nag patuloy na sya sa pag linis ng pakpak nya. Nag libot-libot ako sa loob ng bahay ni Fox, napaka simple ng mga design sa bahay nya, wooden polished floor, black and white ang bahay nya, classy yet simple,I admired her taste. Pagkatapos kong maglibot ay pinakain ko na muna si Cole, tinatamad minsan yang si Fox, kaya namamayat sya pati na din alaga nya.

"Kawawa ka naman, Cole. But we can't blame her, marami syang inaasikaso sa mga oras na toh and we need to give her more space to breath and think."  I patted Cole's head and also gave Alexandrite some food. I should've think twice before speaking.

~Hyacinth's Pov~

Naalala ko ang sinabi sakin ni mama, na gusto nya nang umalis sa lugar na toh, na gusto nya nang lumipat ng bagong bahay.. parehas kami ng iniisip at ng gusto, si papa rin nga eh, ayaw na sa lugar na toh dahil ang iingay ng kapit bahay, ang mga murahan at mga drama sa mag kabilang bahay tuwing may lasing sa kanila. At kulang din dito ng..gwapo! Kahit san ako tumingin ay pangit! Kahit sa salamin pangit pa rin nakikita ko! Haha, pangit ako eh.

"Woooh!! Go Giles! We love you!" Sigaw ng mga fan girls nya, di ko sya kilala, sakto lang talaga na may basketball match dito sa plaza kaya pinanood ko na.

"Grabe! 56-54 ang score! Intense ang game na toh!" Sabi nung isang lalaki na naka school uniform ng Kingdom High. Sosyal at High class nga eh,haha, gets nyo?  School vs. School toh, panigurado, kami lang namang Scythe University ang walang pasok ngayon eh. Xiveria vs. Winter Howls ang nag lalaban ngayon.

Gusto ko sanang taposin ang game kaso pagabi na, kaya umuwi na ako, there was a player there na kanina pa ako tinitingnan, but I guess it was just my imagination.

Dream WorldWhere stories live. Discover now