Introduction

1.6K 464 625
                                    


Sabi nila....

Beauty is in the eye of the beholder.

Oo naniniwala ako sa kasabihang iyan.

Isa lang naman akong simpleng babae. Hindi maarte sa katawan, at hindi rin mayaman. Pero bumawi naman sa pagiging matalino, may kagandahan ang katawan o sexy, masipag at matulunging tao.

Hindi basehan ang panlabas na kaanyuhan para sa kagandahan. Gumawa ka lang ng tama at ipakita mo na totoo ka, sapat na iyon.

Hindi man tayo pumasa sa paningin at standard nila, ang mahalaga ay nagpakatotoo ka.

Hindi naman natin kailangang baguhin ang sarili natin para lamang magustuhan ng iba. Dahil in the first place, hindi tayo nabubuhay para sa kanila o para tanggapin nila.

Oo, I admit. I'm not that pretty and rich like others. Pero alam ko, sa abilidad at ugaling taglay ko pati na mga taong may tiwala at nagmamahal sa akin, I'm better than them.

Sapat na sa akin na may mga kaibigan kang susuporta sa'yo.

Sapat na iyong may taong magmamahal sa'yo at mamahalin mo ng totoo.

Sa buhay natin, lahat nagbabago. People change pa nga daw eh.

Pero paano din kung ang mga taong pinagkatiwalaan mo ang siya ding taong maglulugmok sa'yo?

Paano kung ang taong minahal mo ng buo at totoo ay siyang magdudulot ng kakaibang sakit at hirap sa'yo?

Lalaban ka ba para maging masaya at maligaya?

O hahayaan mo ang sarili mong maiwan at masugatan?

Lalaban ka ba para sa sarili mo? O lalaban ka para sa taong mahal mo?

"Life is full of conflicts. You must prepare yourself."

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon