Chapter 8

443 320 257
                                    

Blythe's POV

Maaga akong nakarating sa school kahit alas-otso pa magu-umpisa ang klase namin. Seven-thirty pa nga lang. Ang aga kasing manundo ng driver ko. Wala naman akong magawa kasi 'yon din ang bilin sa akin at utos sa kanila ng parents ko. Lagi kang maging maaga! Huwag na huwag kang mali-late. That's a bad habit.

Tinignan ko ang upuan namin ni Jershey pero wala pa siya. Sabagay, maaga pa nga naman. I chatted with my boyfriend with some random stuff. Kamustahan lang kumbaga. Long distance relationship feels. Nasa America kasi ang jowa ko.

Habang tumatagal mas lalo akong naiinip. Dumadami na ang mga classmates ko. Tinignan ko ang pinto kung parating na si Jershey pero wala pa rin. Hindi naman nale-late 'yon ah.

"Okay class, settle down. Good morning." Nandito na ang Adviser namin pero wala pa rin si Jershey. Wala din pati sila Ace, Kyle, at Ian. Hmmm, baka nga may pinagawa pa sila sa kaniya.

"Okay, I want to know who is absent. I'll check the attendance first. Say present if you are here, okay?" Tinawag isa-isa ang kaklase ko hanggang sa matapos lahat subalit wala pa din si Jershey. Ano bang meron at wala pa din siya?

"We're present." Biglang pumasok sa room ang tatlong miyembro ng Quadro Hottie ngunit nagtaka ako kung bakit wala si Jershey sa likod nila.

"Where's Ms. Erfilua? Is she absent?" Tanong ng Adviser namin. "Ang ayaw ko pa naman sa estudyante ay ang mahilig lumiban sa klase! If I'm not mistaken she's scholar?"

"I'm sure maam she's just late." Sabi ko.

"Still! She should prioritize to be on time!" Bulyaw sa aming lahat ni Ma'am. "Alright let's move on. Let's start the lesson." Habang nagtuturo ang teacher namin di ako mapakali kaya hinarap ko si Ian.

"Hindi niyo ba kasama si Jershey?"

"Nakikita mo ba siya?" Lumingon siya sa gilid gilid niya na parang hinahanap si Jershey. Minsan talaga gusto kong masubukan ang pakiramdam ng pumatay. Kinalabit ko na lang si Ace dahil mas matino siyang kausap.

"Nakita niyo ba si Jershey?"

"Nakita ko siya kanina bago ako pumasok." Buti pa si Ace matinong kausap. Maayos sumagot hindi katulad ng iba diyan.

"Hanggang ngayon kasi wala pa siya. Hindi naman nale-late 'yon."

"May kasama siyang babae kanina. Pritzel ata ang pangalan. Kapit-bahay niya daw. Maglilibot daw muna sila." Hindi ko alam pero parang hindi maganda kutob ko sa araw na 'to.

Hindi nagtagal natapos din ang first subject namin pero wala pa rin talaga si Jershey. Lumabas ako ng pinto at sumilip pero wala pa ding bakas niya kaya pumasok ulit ako.

"Did you hear what happen?"

"No. What is it?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako sa mga chismosang 'yon para marinig ang pinagu-usapan nila. Ang lalakas kasi ng bibig at talagang maririnig.

"May bagong locker raw dito sa campus. Freshmen college ang gagamit!"

"Wow, I'm so excited to see that."

Akala ko naman kung ano na ang pagu-usapan nila wala naman palang kwenta. Really girls? Mukhang ngayon lang sila magkaka-locker ah. Mahirap palang maging chismosa. Nagmumukha kang tanga.

Napahinto ako sa paglalakad pabalik sa upuan ko nang marinig ko ulit silang mag-usap.

"There's a new student there daw na dinala sa clinic."

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon