Chapter 26

28 5 1
                                    

Jershey's POV

Lunch namin ngayon at magkasama kami ni Blythe dito sa canteen. Pinili kong kumain sa main mess hall ng university dahil paniguradong mabubulabog na naman ako ng dalawang tao kung do'n kami sa building namin kakain.

Gusto ko munang ipahinga ang utak ko sa mga nangyayari sa mga nakalipas na araw. Masyado akong ginugulo nila Ian at Ace. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Hey, beshy," tawag pansin sa'kin ni Blythe sa harap ko. "Tama ba 'yong mga narinig ko kanina?"

"Na?"

"Magkasama raw kayong pumasok ni Ian."

"Oo," sagot ko. Ba't ko pa ide-deny kung 'yon naman talaga ang totoo, 'di ba?

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit kayo magkasama?"

"Kasi sabay kaming pumasok?" sagot ko.

"Malamang! I mean, paano?"

"Natulog siya sa bahay ko."

Pagkasabi ko pa lang no'n ay agad nanlaki ang mga mata niya at bumukas ang bibig niya.

"Bakit?"

"Kanina ka pa sa bakit na 'yan. Anong mayro'n sa'yo ngayon?"

"Oh 'di palitan natin. Why?"

Nag-roll eyes ako sa kaniya. Seriously? Namimilosopo na sa'kin ngayon 'tong kaibigan kong 'to.

"Hindi ko alam kung ano na namang trip ang pumasok sa isip ni Ian at gano'n ang ginawa niya."

"Baka seryoso siya sa'yo."

Nginuya ko muna ang pagkain sa bibig ko bago magsalita. "Imposible 'yang sinasabi mo, Blythe. Alam mo namang para kaming aso't pusang dalawa."

Simula no'ng pumasok ako dito't maging "alalay" niya ay wala na siyang matinong ginawa sa akin. Puro na lang kalokohan at bawian ang ginagawa namin sa isa't-isa.

"I know. Pero 'di ba madalas, kapag gusto mo ang isang tao'y gagawin mo ang lahat para makuha ang atensyon nito?"

"Pero iba ang sitwasyon namin, okay? Nililigawan ako ni Ace-na kaibigan niya mismo."

"Alam ko ulit 'yon! In all fairness, ang bongga ng proposal sa'yo ni Ace ah. Daig pa niya ang wedding proposal sa bongga. May pa-flashmob pang nalalaman. Daig pa 'yong ex kong nakabanggahan ko lang ng cart, nasagot agad."

Pagkauwing-pagkauwi namin ni Ace galing ng Baguio'y pinapunta ko si Blythe sa bahay ko para ikuwento ang mga nangyari. Wala nga siyang pakialam sa eskandalong ginawa ni Ian dahil mas may pakialam siya sa ginawang proposal ni Ace. Naiinggit daw siya't gusto niya rin daw masubukan ang gano'n.

"Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ni Ian ang mga 'to gayong alam niya naman ang amin ni Ace."

"To be honest, beshy, hindi man ako nag-high school dito ay alam ko kung paano gumalaw si Ian. Remember, naging kaklase ko sila sa elementary," sabi niya at uminom ng drinks. "Si Ian 'yong tipo ng taong kung gusto niya ay gusto niya lang. Wala siyang pakialam sa iba basta't kukunin niya ang gusto niya."

"Halata nga," sabi ko.

Gano'n 'yong napansin ko sa kaniya no'ng alalay niya ako. Tumawag pa nga siya ng disi-oras ng gabi para lang magpahanap ng pagkain eh. Knowing na kakagaling ko sa trabaho no'n at nakatulog na ako.

"Believe me, beshy. I can say that he's serious on you. He won't chase you if he doesn't like you."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung ano talagang gustong mangyari ni Ian pero isa lang ang sigurado. Hindi ako kumbinsido. Tss.

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon