Chapter 20

119 24 42
                                    

Narrator's POV

Pagkatapos umalis nila Jershey sa gymnasium ay siya ding pag-alis nila Ian bitbit si Avianna habang walang malay at patuloy pa din sa pagdugo ang ilong. Lakad takbo nila itong dinala patungong clinic upang maagapan ang sitwasyon.

  "You all fcking out of my way!" sigaw ni Ian sa mga estudyanteng nakaharang sa dadaanan nila na sinusubukang makiusosyo.

  "Hurry up. Get out of our way!" ssik din ng isang babae na kasama nila, isa sa mga kaibigan ni Avianna.

  "That d*mn bitch! I swear to death. I will slap that hag if something happen to Avianna!"

  "Y'all shut the fck up! I don't need anyone from you here!" sigaw ni Ian sa mga dalaga.

Sobrang nanggigigil si Ian sa nangyari kay Avianna na kagagawan ni Jershey. Mas lalo pa itong nangngingitngit sa inis tuwing naaalala niya ang sumbatan nila kanina na animo'y hindi natatakot sa puwedeng mangyari sa tinamaan niya lalo na at si Avianna ang nabiktima at kung anong pwedeng gawing bawi ng mga ito kay Jershey. Alam ng lahat kung anong kayang gawin ng mga kaibigan nito lalong-lalo na si Avianna mismo.

Pagkadating nila sa clinic ay agad naman silang sinalubong ng mga medical staff na may dalang stretcher upang paghigaan sa walang malay na babae.

  "Prepare the operating room, nurse." Utos ng isa at mabilis namang umaksiyon ang mga kasama.

Kahit simpleng pagkawala lang ng malay na maaaring dala ng pagod at pagdurugo ng ilong dahil sa lakas ng bola ay minabuti nila itong dalhin sa operating room upang mapag-aralang mabuti. Bilang isang medical practitioner, aware ang mga ito na kahit sa simpleng pagtamang 'yon lamang ay maaaring may mabaling buto lalo na sa ilong. Bukod dito'y natatakot din sila sa pwedeng kahantungan nila kung sakaling petiks lamang ang gagawing treatment sa babae.

Si Avianna Saavedra ay kilalang babae sa Archers Libero University dahil sa angkin nitong kagandahan. Isang kinatatakutang estudyante dahil sa kapangyarihang taglay nito palibhasay anak mayaman. At higit sa lahat, dahil sa pamilyang kinabibilangan. Ang tatay niya ay kilala bilang isang magaling na businessman na lingid sa kaalaman ng lahat, ay isang mabagsik na tao at pinamumunuan ang isang ilegal na grupo. Kaya gano'n na lamang ang takot ng tao sa babae.

  "Hanggang dito lamang kayo," sambit ng male nurse bago isara ang pinto ng operating room.

Umupo ang mga kasamaang babae ni Ian na puros kaibigan ni Avianna habang si Ian ay nakatayo lamang at tiim-bagang na nanlilisik ang mata na nakatingin sa pader na parang kaaway ito.

  "What the hell is with that girl?"

  "She hit the wrong person."

  "Even just now, I pitty her."

Mas lalong dumilim ang mukha ni Ian at nagsimulang maglakad palabas ng clinic.

  "Hey where are you going?" tanong ng mga babae sa kaniya ngunit imbes na sumagot ay walang imik nya ang mga itong iniwan.

********

Jershey's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maiwasang hindi mabadtrip dahil sa nangyari kanina. Sino ba naman kasi ang matutuwa? Ang ganda ng larong ginagawa namin pero dahil lamang sa hindi inaasahang insidente, susugudin ako ng gano'n. Pagsasalitaan ng hindi maganda at huhusgahan ng sobra ng mga taong hindi naman ako kilala.

'People are certainly born judgmental. Tss.'

Napahampas ako sa noo dahil sa isiping 'yon. Alam ko din sa sarili ko na I do judgment sometimes pero I'm always making sure na nasa tamang hulog ang gagawin ko at naaayon sa sitwasyon.

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon