Chapter 5

626 362 426
                                    

  Hiiiii, nandito na naman ako. Sorry kung ngayon lang po maga-update. Wala pong masyadong libreng oras eh. Busy po sa school. By the way highway, here it is!!!!

Jershey's POV

Kakatapos lang ng klase namin kaya pumunta muna ako sa CR para umihi. Dumiretso ako sa huling cubicle dahil 'yon lang ang available.

Juicemother ang gaan sa pakiramdam! Sa panahon ngayon ihi na lang ang hindi nang-iiwan para pakiligin ka.

Pagkatapos kong umihi, lalabas na sana ako pero mas pinili kong mag-stay muna dahil may biglang pumasok na mga babae at nagbulungan. Hindi ko ugaling mang-gossip pero iba itong pakiramdam ko.

"Have you watch the PBB?" Sabi ni Ate Girl.

"What's about that?" sabi naman ni konyong girl. Medyo maarte kung magsalita.

"I just, hmmmm, the girl named Kaori and Crizza?"

"Just tell what's the da*m about them!"

" Naisip ko lang kasi. Si Kaori parang si Maxpein ng He's Into Her. Kahawig niya kasi ang portrayer niya."

"Sml?" sabi naman ng kasama nilang isa.

"Cut that crap. Tsaka 'yong si Crizza naman parang si Eerah Anitha."

"Malandi?"

"Exactly! Hahaha"

Mmm? Weird haha. Kailangang ganoon? Parang nakakatawa lang kasi ang yayaman ng mga estudyante dito pero hindi ko inaasahang gan'to ang ugali nila. Walang class. Huwag lang nila akong sabihan ng ganiyan, di nila magugustuhan.

"Speaking of PBB, there's a new student sa room nila Prince Ian."

"Si Blythe? Eh dati naman ng student dito 'yon ah."

"Nah. The other girl. 'Yong madalas niyang kasama." Ako na ata ang pinag-uusapan nila.

"So? What the hell is about her?"

"Don't you know, slave daw sya ni Prince Ian." Nangunot ang noo ko. Paano nila nalaman 'yon? Paano lumabas 'yan? Akala ko ba kami lang ni Mr. Unico Ijo ang nakakaalam? Ang lakas nga naman talaga ng radar ng mga chismosa oh!

"And masama pa do'n, nilalandi niya si Prince!" Napa-ismid ako sa sinabi niya. What? Like what the f*ck! Sa paanong paraan ko naman siya nilandi? Ako? Nilalandi ang kutong lupa na 'yon? No girl never!

"Yeah. Noong nakaraan kasi parang sinadya niyang umupo do'n sa reserve seat para sa Quadro Hottie do'n sa canteen. Then dahil do'n, nag-create ito ng commotion kasi nagsagutan din silang dalawa ni Prince Ian."

"Yeah right. She's so malandi!" Malandi agad? Eh sa hindi ko nga alam na reserve pala sa kanila ang seat na 'yon. Kung alam ko lang sana eh di hindi na ako umupo do'n! My gosh! Dito talaga sa Pilipinas kay simple-simpleng bagay ginagawang issue. Kagigil.

"She's getting into my nerve." You're all also getting into my nerves too, bitches.

"Ehem ehem." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas na ako sa cubicle. Bakas ang gulat sa mukha nilang tatlo.

"Gulat kayo noh?" Ginaya ko 'yong way of speaking sa ads ng Tide. "Ako lang 'to si Jershey, 'yong pinagbubulungan ninyo."
Lumapit ako sa kanila.

"I'm amazed." Sarkastiko kong sabi.  "Transferee lang ako dito pero may mga taong nag-uusap agad tungkol sa akin." Sabi ko habang tinitignan ko sila habang iniikotan. "Kung ayaw niyo sa akin, the feeling is mutual. Kung malandi ako sa tingin ninyo dahil do'n sa ginawa ko sa upuan nila noong nakaraan, huwag kayong mag-alala dahil hindi ko intensyong magpapansin sa taong pinapangarap niyong halata namang hindi magiging sa inyo." Tsaka ako pumunta sa harap ng salamin at naghugas ng kamay. "Pumasok ako dito para mag-aral at hindi magpapansin at makipaglandian lang." Mabait akong tao at may respeto pero kung ganiyan lang ang gagawin nila sa katulad ko, pasensyahan na lang tayo dahil nagiging demonyo ako kapag siraulo mga kausap ko.

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon