Quezon

78 1 4
                                    

BAKEKANG: Nay, nasaan yung tablet?

NANAY: Nandun sa cabinet. Nakalagay sa garapon.

BAKEKANG: Ha?

Lagi nalang. Bakit ba kasi tablet ang tawag sa tablet? Hindi naman mukhang tabletas ng gamot. O baka naman dahil malapit ito sa salitang tabla? Sabi nila kaya daw 'tablet' ang tawag dito kasi mula ito sa salitang 'tableau'. Yung blankong piraso ng bato na pinagsusulatan noong unang panahon. Tulad ngayon, alam nating maraming pwedeng ilagay sa tablet. Pwedeng mga files, schedules at mga laro at maging mga litrato rin. Astig no? Pero huwag ka masyado maniwala tungkol doon sa tableau kasi imbento ko lang yun.

Noong kapanahunan namin (Huwaw. Tunog matanda lang ang peg). *erase erase* Noong elementary kami, ang pampalipas oras namin ay hindi tablet, cellphone, ipod o kung anomang de battery. Habang naghihintay ng sundo, magkukumpulan na kaming magkakaklase para magpompyang at tuloy sa paglalaro ng patintero, habulan, taguan-pung, bangsak o sili sili maanghang. Nakakatuwa na may mga kabataang nakakaalam pa rin ng mga laro ng tulad sa henerasyon namin.

Payborit ko ang larong bangsak. Ang gamit ng taya ay baril at ang mga hinahanap/tinutugis naman ay kutsilyo kaya 'sak' (saksak). Parang yung normal na taguan lang. Uumpisahan sa "Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo... Isa... Dalawa... Tatlo... Sampu". Nandaya daw sa sa pagbibilang. Pero kamakailan ko lang na-realize na karamihan sa mga laro namin ay medyo nakakatakot o minsan nakakatawa ang chant.

Langit lupa impyerno. Suwail suwail, 1, 2, 3. ....

Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka dyan sa pwesto mo. Naalala mo pa ba yan? Morbid lang.

1, 2, 3 Asawa ni Marie, araw-gabi, walang panty. Naalala mo ba ito? Palaisipan kasi sa akin mula pa nung bata ako kung bakit magsusuot ng panty yung asawa ni Marie kung lalake sya.

Eto, naalalam mo pa ba yung chant na kinakausap at tinatanong mo ang isang mangga?

Mangga, mangga, hinog ka na ba? Oo. Oo, hinog na ako.

Kung pwede lang kausapin ang mga pinipitas kong Indian Mango. Bakit ba Indian mango tawag yun? Galing bang India ang lahi ng manggang yun. Imported. Sabi nila, kaya raw Indian Mango ang tawag doon kasi kamukha ng hon ng Indian mango yug dahon nanilalagay sa ulo o sa buhok ng mga Indians. (Imbento ko lang ulit ito). Yung manggang piko, medyo gets ko pa kung bakit 'piko' ang tawag kasi kahugis pero yung manggang kalabaw at indian mango medyo palaisipan pa.

Ano ang kaibahan ng luksong baka sa luksong baboy? At bakit sila ang ginamit bilang pangalan ng laro. Pero hindi pa ako nakakita ng lumulukso na baboy. Yung baka pwede pa siguro kasi lumulundag yun sa mga bakod sa mga napapanood kong mga dokumentaryo sa mga rancho.

Siguro Jack ang unang pangalan ng nag-imbento na larong Jackstone at bato talaga ang gamit dati. One of my paborits pa rin yun. (Alam ko nang corny.)

Para sa akin, hindi kailanman mapapantayan ng 1 million plus ng score sa Temple Run ang saya na dulot ng pagpapatumba mo ang lata sa tumbang preso o kaya ay nagkabahay ka na kapag naglalaro ng piko. Nung bata ako, isa rin sa nagbibigay ng kaligayan ko ay kapag kasama ko na ang mga ka-text mate ko. Hindi nga lang yung text na gamit ang cellphone kundi yung mga maliliit na cards na kung tawagin ay tex/teks. Pwedeng dalawahan o maramihan. Kapag dalawa pwedeng yung appear style o kaya yung classic na pagpahagis sa mga cards (yung parang pataas na bomerang ang itsura).

Bago pa ang loom bands, meron nang pauso ang panahon namin. Sino bang makakalimot sa paglaro ng Chinese garter pero minsan hindi garter ang gamit. Goma ang gamit namin dati. Yung pagkabit-kabit namin ng mga piraso ng rubber bands ay related sa paggawa ng loom bands. Maliit na version lang ng goma na gamit namin ang loom bands. Pero sabi gawa daw ito ng isang Asiano na nakabase ngayon sa Amerika. Pero sabi ng kaklase ko baka daw Pilipino daw ang may gawa ng loom bands at taga-Quezon Province ito. Loom band, Quezon. *ktnxbyetakbongmabilis*

Bakit Ayaw sa atin ng mga AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon