Likas na raw sa tao ang magtanong. Maraming bagay ang nais kong mabigyang linaw.
Una. Lunch box ang ingles ng baunan. Paano kung pangmerienda ang laman nito? Recess box na ba ang tawag?
Pangalawa. Ako lang ba ang nag-isip na ang bawat number na nakalagay sa Mongol pencil ay katumbas ng baitang mo sa elementarya? Nagtaka pa ako dahil walang Mongol 4 hanggang Mongol 6. Ang conclusion ko nalang noong ako'y grade 2 ay baka dahil ballpen na ang gamit mula Grade 4. Namangha pa tuloy ako noong sinabi ng kaklase ko na ang bawat numero sa Mongol pencil ay base sa nipis o kapal ng sulat. Hindi ko alam kung niloloko nya lang ako o kung yun ba talaga yun.
Marami pa akong tanong sa buhay. Isa na rin doon ang tanong kung bakit ang turing ng mga nakakabatang kapatid sa pinakamatandang ate ay kontrabida? Tema pa nga ito ng mga pelikula sa ibang bansa. Kahit mga palabas pambata pa nga lang eh. (Hi sa mga mahilig manood ng Phineas and Ferb!) Ang mga panganay kaya ang may pinakamatinding pinagdaanan. Kami yung mga pinagpraktisan noong bata pa. Malaki rin ang responsibilidad namin sapagkat kami yung napapagalitan kapag may nangyaring masama sa aming nakababatang kapatid. Hindi ko alam kung sa amin lang, pero napansin ko na mas maluwag ang nanay ko sa mga kapatid ko. Kapag hindi nila naubos ang pagkain, ayos lang. Noong ako, may kurot o palo pag may natirang butil ng kanin.
Teka. Noong bata ako pinapagalitan ako kapag hindi kumakain. Ngayong masagana akong kumain, pinipigilan nila ako at kinakantyawan pa. Bakit ganoon?
At speaking of pagkain, tanong ko pa rin hangang ngayon kung requirement ba yung may matirang pagkain sa plato kapag kumakain sa restaurant. Kapag ba simot ang pagkain, PG ang dating? Saka hindi ba dapat sinusulit ang grasya? Madalas kasi simot ang plato ko, yung tipong walang natitira ni isang butil. Hindi ito dahil sa napapalo ako dati kapag may tira. Sabi kasi nung anak ng directress namin sa dati kong eskwelahan, isipan ang mga batang nagugutom sa kalye kapag inaaksaya o natitira ng pagkain. Sagot naman ng mga pilisopo, mabubusog ba sila kapag kinain nila lahat ng pagkain na yun. Sa huli, ubusin mo man o hindi ang pagkain o sa iyong plato, nasa sa iyo pa rin ang desisyon.
Nakakita at naranasan ko na ang paggagapas. Yun yun paraan ng pag-ani ng mga palay. Mahirap dahil maiinit at makati sa katawan. Mahirap din ang magtanim, hindi nga raw biro sabi ng kanta, hindi ba? Mula sa butil ng palay, hanggang sa pagkagapas hanggang sa pagpapakiskis ng palay para maging bigas na magiging kanin na iyong ihahain, walang biro ang naganap. Marami silang pinagdaanan at sanay huwag silang sayangin. Halata bang bestfriends kami ng palay.
Pero alam mo ba kung ano ang pinakamahirap sa lahat? Yun ay ang feeling ng may tingang ayaw maalis sa pagitan ng ngipin.
![](https://img.wattpad.com/cover/17873770-288-k863421.jpg)