EXCITED na excited si Demone ng makarating sila sa sinasabing korte kung saan gaganapin ang hearing na kasali si Fourth. Hindi niya maipaliwanag ang tuwa sa isiping makikita niya ito bilang isang abogado. Isa sa pangarap niya ang maging isang lawyer kaya siguro gan'on nalang ang saya sa dibdib niya sa pagpunta doon.
"Halika na ma'am." Pagyakag sa kanya ni Edith, pinasama ito nina Mimi upang may umalalay sa kanya.
"Alam mo ba ang way?" Tanong niya ng tuluyan silang makababa sa taxi habang bitbit ang lunch box na pinaglagyan nila ng mga nilutong pagkain para sa binata.
"Opcourse ma'am, palagi akong isinasama dinhi ni senyora." Pagmamalaki nito sabay patukoy sa babaeng amo.
Malawak siyang napangiti dahil sa sagot nito. Nagsimula na silang maglakad papasok ng harangan sila ng guard na matyagang nakabantay sa entrance ng gusali.
"Bawal po kayo sa loob." Tugon nito.
Nameywang si Edith at pinaningkitan ang guard na animo'y isang istriktong guro na handang pagalitan ang pasaway na estudyante. Gusto niyang matawa dahil sa hitsura nito na halatang sanay na harapin ang bantay.
"Ang mga Castillion ang back up namin." Maangas na babala nito na para bang kapangyarihan ang hatid ng apelyidong binigkas.
"Opo, pinapunta po kami ni Atty. Castillion." Sabat niya ng maalala ang bilin ni Mimi na sabihin lamang ang bagay na iyon upang makapasok.
Akala nila ay ayos na pero bumagsak ang kanilang balikat ng umiling ang guwardya. Seryoso itong nakatingin sa kanilang dalawa.
"Bilin rin ni Atty. Castillion na wag magpapapasok ng kahit na sinong bisita niya dahil may hearing siya." Dahilan nito. "Kung gusto niyo ay maghintay nalang kayo sa lobby hanggang matapos ang hearing, hindi talaga pwedeng umakyat. Sinusunod ko lang ang bilin sa'kin." Malumanay na paliwanag nito.
"Maghintay? Maghihintay na naman tapos ano walang dadating? Aasa kami na meron kaming hinihintay pero masasayang lang lahat ng oras at eport namin na walang napala sa huli. Kuu, alam na alam ko na ang ganyang galawan, paghihintayin tapos kami namang mga tangang babae ay maghihintay pero kapag nabigo sa huli iiyak dahil nasaktan. Wag ako kuya, wag ako. Sawa na akong maghintay." Mahabang litanya ni Edith habang siya ay nakatulala dito gan'on din ang kausap nila.
"Anong connect ng mga sinabi mo?" Naguguluhan niyang bulong dito.
"Ambot sa imo." Sagot nito. Napakamot siya sa pisngi at pinagmasdan nalang ito na masamang masama ang tingin sa guard.
"Hindi talaga pwede." Anito.
"Aba't sina--" Aangal pa sana ito pero natigilan sila ng may lumapit na lalaki sa harap nila.
"What is happening here?" Tanong nito, tumingin ito kay Edith at sa kanya bago bumaling sa guard.
"Ahm. Nagpupumilit po kasi silang pumasok sir." Magalang na sabi ni manong guard.
"Inutusan po kasi kami na dalhan ng lunch si Kuya Fourth." Sagot niya rin sabay angat ng bitbit. Tumango tango ang lalaki at tuluyang pumirmi kay Edith ang tingin. Tumaas ang kilay nito samantalang pansin niya ang pag-ismid ng kasama at umirap.
"How about you?" Tanong nito kay Edith.
"Don't inglish me." Pagtataray nito.
BINABASA MO ANG
Castillion Brothers Series 4: Fourth Castillion
General FictionIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and Publishing House. Fourth Castillion, ang ikaapat sa magkakapatid na Castillion. Isang tanyag na abo...