Chapter 11: Broken Promise

63 2 0
                                    

Chapter 11: Broken Promise

Looking back then I admired them both as my brother and sister. Wala ako sa sariling humiga sa higaan at tulalang nakatingin sa kisame.

" Huwag kang mag alala hindi pa ito ang huli nating pagkikita" dammit! What do you really want? What do you after?

For 8 years you guys disappeared and been interfering with the missions within the family and that organization. And now you interfered with ours.

Napahilamos nalang ako sa sarili konhlg kamay, nakatulala lang ako  ramdam ko pa rin ang hapdi sa mga sugat na natamo ko mula sa nangyari hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

_______________________________________

" Havier, look " pagtawag sa akin ni Ate Yumi. Lumapit kami ni Kuya Rain at nakita namin ang hawak hawak niyang ibon.

" What is that?" biglang singit nina mama at papa.

" Why don't you guys take care of it" wika pa ni papa at ginulo ang aking buhok.

" Opo" wika namin.

Ginawa nga namin iyon, inalagaan at pinakain. Ginamot rin namin ang naging sugat nito, tanda ko pang masaya kaming naglalaro sa harden ng mga panahong iyon.

I was 5 back then, both ate Yumi and kuya Rain were 15 years old. At dumating ang araw na pinapahihintay namin ang araw na papakawalan na namin si Blue, ang ibon na inalagaan namin.

" Babalik kami mamaya, okay? Hintayin mo kami"

Iyan ang linyang binitawan nila at umalis matapos. Hindi ako umalis sa beranda nang kwarto ko, nanatili ako roon hanggang sumapit nalang ang oras na palubog na ang araw mag isa kong pinakawalan si Blue.

Syempre malungkot ko noon, hanggang sa pagkalabas ko nang kwarto nagulat ako dahil sa abala ang mga tao. Pinuntahan ko sina mama sa kanilang silid nang makita ko si mama na umiiyak at yakap yakap ni papa na nakaupo sa sahig. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari, pilit kong tinanong sina mama pero hindi nila ako sinasagot pilit nilang iniiwasan iyon na pag usapan.

Isang linggo nakalipas nang araw na iyon, pumunta kami sa isang libing. Doon ko nakilala si Arya, iyak siya nang iyak doon ko nakita ang kapatid niyang si Kian, hindi ako makapaniwala sa mga oras na iyon kahit na umiiyak siya pero napaka blangko nang ekspresiyon niya. Iyon rin ang araw na pinakilala ako sa lolo ni Arya, doon ay naging bahagi ako ng isang grupong hindi ko maintindihan noon.

" Ayoko pong sumali sa kanila!" pagrereklamo ko kanila mama nang makauwi kami sa bahay. Pansin ko sina kuya at ate ay tahimik simula nang makauwi sila nang araw na iyon.

" Havier, maiintindihan mo rin ito balang araw at magugustuhan mo rin sila" wika ni mama.

" Ayoko! Bakit niyo ba ako pinipilit!" padabog akong pumunta sa kwarto ko at nanatili roon. Kinabukasan pinilit ako nila mama na bumisita sa bahay nila Arya. Hanggang sa paulit ulit iyong nangyari, nakikita ko si Arya na nakaupo lang sa isang shed habang inaasikaso nang mga tauhan kasama niya rin ang iba pang mga bata noon.

Hanggang sa mga sumunod na araw nakita ko siyang naroroon pa rin mag isa habang nakasunod lamang sa kaniya ang mga tauhan. At si 'di inaasahang panahon ay nakasalubong ko siya sa pasilyo nang kanilang bahay, nakayuko lamang siya ni hindi niya ako napansin na nakatingin sa kaniya.

Hanggang sa sumunod na araw naisipan kong pumunta sa kinaroroonan nila.

" Hoy ikaw! " bulyaw ko kay Arya, napatigil naman silang lahat at napatingin sa akin.

The Mafia Queen's Nemesis Where stories live. Discover now