Chapter 1: An Angel Is Born

525 4 0
                                    

*cellphone ringing*

"Hello Dad? Ba't ka napatawag?"

"Sam, nasa hospital kami ngayon."

"Ha? Bakit po? Anong nangyari?"

"Manganganak na ang mommy mo."

Pagkatapos sabihin ni papa kung saang hospital, umalis na agad ako. Nasa skwelahan ako nung tumawag siya, hindi ko na tinapos ang klase ko. Nagmamadali akong umalis.

*calling...*

Ang tagal sumagot!

"Hello?" 

Bakit parang naiinis? Asan ba tung lalaki tu!

"Where are you?"

"Sam, papunta na akong hospital. Tinawagan din ako ni tito."

"Ganun ba? Sige, papunta na rin ako."

***Hospital

Nakita ko siya sa labas ng operating room kasama si papa, na una pa pala siya kesa sakin.

"Jared. Papa." 

Tawag ko. Lumingon sila.

"Kumusta na si mommy?"

Una pa palang alam ko nang cesarian section si mommy. Malaki kasi si Saviel Angelo. Yes, baby boy ang magiging kapatid ko. Tuwang tuwa nga kami nung malaman naming buntis si mommy at lalaki pa. Matagal ko na kayang gustong magkaroon ng kapatid.

"Nasa loob na siya. Kasalukuyan nang ginagawa ang operation." Sagot ni papa.

"Okay ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?" Tanong ni Red.

"Nagmamadali kasi akong pumunta dito."

"Teka, pano ang klase mo?"

"Hindi na ako pumasok sa pangalawang subject ko."

"Ikaw? Saan ka galing? Ba't hindi ka pumasok?"

"Ha? Ah, eh.. W-wala, may pinuntahan lang ako." Nag-aalinlangan niyang sagot.

"Saan--"

May itatanong pa sana ako kaso bumukas na yung room  ng operating room.

"Are you the family of  Selene Perez?" Tanong nang doctor.

"Yes. I'm her husband." Sagot ni papa.

"Congrats. The operation was successful. The baby is now in the nursery section."

"Thank you Doc."

Pumunta agad kami sa nursery pagkatapos malipat si mama sa isang private room.

"Ayun siya." Sabay turo ko sa baby na nasa gitna ng nursery room, natutulog ata kasi nakapikit ang mata.

Pero parang ganyan naman ang mga baby pag bagong panganak diba? Hindi pa nakakadilat. Ayy ewan ko. Hindi talaga ako mahilig sa bata.

 (=☆_☆=) Mukha ni Daddy

Tahimik lang siya habang nakatingin sa baby, para siyang nakikita nang napakalaking kayamanan.

"Ang cute. Kamukha ko siya." Sabi ko.

"Kamukha ka dyan? Ang layo niyo." kontra ni Red na nakatingin lang din sa baby

Ayan na naman ang pagiging kontrabida ng isang tu. 

Hindi ko nalang siya sinagot. Panira ng moment eh. -__-

Pagkatapos naming puntahan ang baby. Bumalik na kami sa kwarto ni mommy.

"Bumalik na kayo sa bahay niyo." Biglang sabi ni Daddy

"Ha? Bakit po?" Tanong ko

"May pasok pa kayo bukas. Tsaka may pinapunta na akong helper dito."

"Sure ka Dad?"

"Oo, bumalik nalang kayo dito bukas pagkatapos ng klase niyo."

"Sige po." Saad ni Jared

"Bye Dad." Sabi ko sabay kiss sa cheeks niya at pati ky mommy na natutulog pa

* RED's POV

Ang saya ni Samantha. Pagkatapos ng halos isang taon, ngayon ko lang uli siya nakitang ganito kasaya. 

Nasa nursery kami ng hospital ngayon, pinuntahan namin ang bagong silang niyang kapatid.

Nakatitig siya dito. Para siyang nakakita ng anghel.

Napaisip ako. Sasabihin ko ba o hindi? Hindi! Ang saya niya, hindi ko gustong sirain yun dahil lang sa sasabihin ko.

May ibang pagkakataon pa naman.

Ang saya niya ngayon.

Pero kung alam lang niya...

Tsk! Shit! Gago siya!

 

I Fell In Love With A Casanova (JaMantha Story) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon