Chapter 4: Let's Go Party

207 3 0
                                    

 

*Red's POV

Ano na namang nangyari sa babaeng yun? Bigla nalang nagyayang mag bar.

Lumabas na ako pagkatapos magbihis. Nakita ko siya sa tapat ng sasakyan, naghihintay.

"Saan bang bar gusto mong pumunta?" Tanong ko

"Wala nga kasi akong alam na mga bar dito. Dalhin mo nalang ako kahit saan."

"Gusto mo pumunta tayong HEAVEN?" Nakangisi kong sabi

Ang sarap kasi pikonin nang babaeng 'to.

"HEAVEN? May bar dito na pangalan heaven?"

Ayyy nakalimutan ko, slow pala ang babaeng 'to.  -___-

"Wala. Nevermind. Sakay ka na."

Dinala ko siya sa isang bar, kung saan naging suki na ako. Komportable kasi ako dito at naaalala ko rin dito yung bar na palagi naming pinupuntahan sa Pilipinas.

"Anong gusto mong drinks?" Tanong ko sa kanya

"I'll just have margarita." Sagot niya

Tumayo ako at pumunta sa bartender para mag order

Pagbalik ko may kausap siyang lalaki sa table namin

"You wanna dance?" Sabi nung lalaki

"No, thanks." Sagot ni Sam

"Why not? C'mon babe, dance with me." Hinawakan nung lalaki ang kamay ni Sam na parang hinihila siya

"Can't you understand?! I don't wanna dance with you! Get your hands off me!"

"Get your hands off her!" Galit na sabi ko 

Binitawan naman nang lalaki si Sam.

Nilagay ko yung drinks namin sa table at hinila si Sam palapit sakin.

"Who are you?" Tanong nung lalaki

"I'm her fiance. So if you don't mind, can you please get off our table?" 

Tiningnan ko siya ng masama

"Aah, okay dude. Sorry."

I Fell In Love With A Casanova (JaMantha Story) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon