Chapter 7: You Said Anything

229 1 1
                                    

Ang sarap talaga magluto ni Red. Naparami kain ko. Kailan pa kaya ako matututo magluto? Siguro pagmalapit na akong mag asawa, magti-take nalang ako ng culinary lessons.

Papunta na kami ngayon sa school. Ang school namin ang isa sa pinaka sikat na school dito sa France ang "Ecole Normale Superieure de Paris".

Business Management ang course ko, pareho kami ni Jared. Kaya palaging siya ang driver ko. Pareho kasi kami ng schedule rin, kaya kung pumupuntang school nakikisakay lang ako sa kanya. Tinatamad kasi akong palaging mag drive.

Katulad ngayon, nakisakay na naman ako. Magkasama rin naman kaming pupunta ng hospital pagkatapos ng klase namin.

Mabuti at bati na kami. 

Pinahirapan pa ako. -___-

*Audrey's POV

Patay na! Baliw nga pala ang tatlong 'to. 

Sinundan ko sila. Nasa parking lot na kami ng mall ngayon.

"Hoy! Mga baliw!" Naiinis na tawag ko sa kanila

Lumingon naman sila.

"Ang OA  niyo ha?! Tumigil nga kayo! Hindi ko ito sinabi sa inyu para sugurin niyo siya. Ano ba kayo?! Hindi pa nga alam ang buong storya diba? Eh malay natin, in love pala si Top kung sino man yang babae na pakakasalan niya." 

Maha-highblood talaga ako dito sa tatlong 'tu.

Mukhang kumalma naman sila.

"Paano na si Sammy natin? Kawawa siya." Sabi ni Michie, na parang maiiyak na.

"Nag iimbestiga na naman ang ibang members ng Lucky 13 kung ano ang buong storya.  Siguro may dahilan naman si Top kung bakit siya magpapakasal na." Audrey

"Paano nga si Sammy?" Maggie

"Ewann ko. Sinabi ko na kay Kuya ang tungkol dito. Hindi niya naman sinabi sakin kung sasabihin niya na ba kay Samantha o hindi pa."

Paki alam ko rin ba ky Samantha? Hindi ko parin siya gusto.

Hindi nga ba? 

Elementary pa lang magka kompetensya na kami ni Samantha. Inis na inis talaga ako sa kanya. 

Siya nalang palagi ang the best.

Nung malaman ko na sila na ni Top. Mas lalo akong nainis sa kanya. 

I Fell In Love With A Casanova (JaMantha Story) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon