Chapter 2: To Tell or Not?

216 1 0
                                    

*** Bahay

Oo, tama. Tama yung sinabi ni Dad, bahay namin. Namin ni Red. Simula nang dumating kami dito sa France may sarili na kaming bahay. Ewan ko ba kung bakit gusto nilang magkasama kami sa iisang bahay.

Ang palagi lang nilang dahilan. "Magiging mag-asawa na rin naman kayo after niyong mag college, so habang maaga pa dapat komportable na kayo sa isa't-isa."

Hindi ko parin gusto ang ginawa nila mommy.

Fixed marriage?! Akalain nyo? Mayron pa ba yun ngayon?

Yes, fiance ko si Red.

Si Jared Dela Cruz. Ang best friend ng lalaking una kong minahal at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

Kumusta na kaya siya?

Nangako ako sa kanya na babalikan ko siya. 

At tutuparin ko ang pangakong yun. 

Malapit na ang summer dito, uuwi ako nang Pilipinas.

Magkikita na rin tayo Timothy.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto.

"Sam? Hindi ka pa ba nagugutom?" Bungad sakin ni Red

"Actually, gutom na ako." Sagot ko

"Sige, halika na sa kusina."

"Ipinagluto mo ako? The best ka talaga best frienddd!" Nakangising sabi ko

"Actually, hindi. Nag take out lang ako sa labas."

"Ayyy. Akala ko pa naman.." Nag pout ako 

"HAHAHA! Anong akala mo sakin? Personal chef mo? Asa ka." Nakatawang sabi niya

Ang sama talaga nito. -___-

"Oo na! Pag ako natutong magluto, hindi talaga kita ipag luluto kahit kailan."

"Kailan kaya mangyayari yun? I can't wait." Nakangising saad niya

"Oh ano bang tinake out mo?" Pag iiba ko nang usapan.

Gutom na kasi talaga ako

"Tingnan mo na lang."

Pumunta na kaming kusina.

"Pizza?!"

"Oo."

"Jared naman. Gusto ko nang may kanin."

"Ano bang masama sa pizza? Nakakabusog rin naman yan."

"Basta. Masarap kumain nang kanin, tapos bagoong."

"Ano?! Saan ako maghahanap ng bagoong dito?"

"Ewan. Nag crave nalang ako bigla ng bagoong."

Oo. Lumaki nga akong spoiled, pero hindi naman ako mapili sa pagkain. I mean, kumakain rin naman ako ng bagoong. Ang sarap kaya nun.

"Samantha?" 

"Oh?"

"Umamin ka nga, naglilihi ka ba?" Seryosong tanong sakin ni Red

"What?! Adik ka ba? Bakit mo natanong yan? Ba't naman ako maglilihi?" Gulat na sagot ko

"Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."

"Wrong. Hindi lang, Oo at Hindi. Pwede rin Yes or No ang sagot." Nakangising sabi ko

Nilagay niya ang palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat. Ahhh, siguro gutom lang yan. Kumain na nga tayo. Kung anong pinagsasabi ko."

* Red's POV

Baliw na yata tung babaeng tu. Kung anong pinagsasabi.

"Pero Jared, bakit mo naman nasabi yun?" tanong niya habang kumakain

Kakain rin pala ang dami pang sinasabi.

"Ang alin?"

"Yung naglilihi ako."

"Ahhh, wala. Diba ganun naman ang mga naglilihi? Bigla nalang nagcri-crave ng kung ano-ano."

Tumango lang siya. Himala at wala nang ibang sinabi.

Pagkatapos kumain si Sam pumasok na sa kwarto niya. Oo, nasa iisang bahay nga kami pero may sari-sarili kaming kwarto.

Ako naman pumuntang sala para manuod ng t.v.

Hindi ako makapag concentrate sa pinapanuod ko.

Sasabihin ko na ba?

Hindi na muna?

Sasabihin?

Hindi?

Sasabihin?

Pero ayaw ko siyang masaktan.

Ampupu naman oh! Sige na nga. Sasabihin ko na...

Pumunta ako sa kwarto ni Samantha at kumatok.

*knock knock knock*

"Sam? Tulog ka na ba?"

Bigla bumukas ang pinto at...

"JAREEEDD...*huk huk huk*" Umiiiyak na sabi ni Samantha at biglang yumakap sakin.

 

I Fell In Love With A Casanova (JaMantha Story) - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon