*lub.dub* *lub.dub* *lub.dub*
Ano ba tu? Bigla siyang yumakap. Ito na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pero bakit siya umiiyak?
Lumayo siya sakin at tinitigan lang ako.
"Sam? Bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko
"Miss ko na siya Red. Miss na miss ko na ang hubby ko. *huk huk*"
Ayy takte! Akala ko na kung ano. Tsk! Kung alam mo lang Samantha.
"Kasi naman, palagi mo siyang iniisip." Sabi ko
"Bakit masama ba yun?" Tumigil na siya sa pag iyak
"Hindi pero kung palagi mo siyang iniisip, mas mami miss mo siya. Ibaling mo muna ang isip mo sa ibang bagay. I'distract mo ang sarili mo."
*Samantha's POV
Oo, tama nga si Red. Kailangan ko ng distraction. Malapit na rin naman ang bakasyon, makaka uwi narin ako sa Pilipinas.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis.
Distraction. Distraction. Tama. Distraction.
Pagkatapos magbihis, hinanap ko si Red.
Wala siya sa sala. Wala rin siya sa kusina.
Baka nasa kwarto niya. Kumatok ako.
*knock knock knock*
"Jared? Tulog ka na ba?"
Bumukas ang pinto. Lumabas si Red na walang pang itaas.
(⊙_⊙) Ako
(^-^) Jared
Omgwafdbaytysbhcnajnsns! Baliw ba tung lalaking tu?
Alam niyang ako ang nasa labas. Hindi man lang nag damit muna. Pero in fairness, ang ganda ng katawan niya. Ang raming pandesal. At ang biceps. Ooohlalaaam! He have the body, every girl could wish for. Plus points na nga lang yung body niya kasi si Jared... Umm, Si Jared kasi... Ummm... Sobrang gwapo.
Oh ayan, inamin ko na. Nagwagwapohan ako ky Red. Eeh, gwapo naman talaga siya.
Smooth fair skin. Maputi siya pero hindi yung sobrang puti, yung tama lang talaga.
A perfect nose, tangos kasi ng ilong niya. A perfect pair of hazel eyes, ang haba pa ng pilikmata.
Ang gwapo niya talaga na kahit sinong babae ay magswo-swoon pag nakita siya. Ano pa at naging casanova siya? Ang lakas ng charisma at sex appeal nang lalaking 'to.
Napatitig ako sa lips niya. Ang lips niya, red and smooth.
Smooth? I guess so, hindi ko pa naman siya nahahalikan. Nahahalikan? Ano ba tung pinagsasabi ko?
Kahit kailan hindi ko hahalikan and isang Jared Dela Cruz.
"Tapos ka na ba?"
Tanong niya na nagpabalik sa katinuan ko.
"H-ha?"
"Sabi ko, tapos ka na bang titigan ako? You're drooling oh." Naka smirk niyang sabi
Ano daw? Ang hangin talaga nang lalaking tu. Pero totoo naman na nakatitig ako sa kanya, pero hindi totoo na nag drool ako noh. Anong akala niya?
"Ano bang pinagsasabi mo? Ang pangit nga ng katawan mo."
Liaaaaarrrr! Ang liar ko. Kanina lang inamin ko na ang perfect niya. Ano ba Samantha?! Aaagh!
"Liar." Sabi niya na parang nabasa ang iniiisip ko
"Ano nga bang kailangan mo?" Tanong niya
"Ah, kasi... Gusto kong pumunta ng bar."
"Bar? Bakit?"
"Kasi nga diba sabi mo kailangan ko nang distraction?"
"Pero hindi ko naman sinabi na mag bar ka."
"Sige na Jared. Dalhin mo na ako sa isang bar. Ngayon lang ako nagyaya ah. Kahit kailan hindi pa ako naka punta sa mga bar dito."
Totoo yun. Halos isang taon na ako dito, pero hindi ako palaging lumalabas.
Bahay-school lang ako, at kung minsan kung feel kong mag shopping o mamasyal sa mga park dun lang ako lumalabas pero never pa akong pumunta sa isang bar dito.
At itong si Red, halos napuntahan na yata ang lahat ng bar dito. Alam niyo na, ang fetish niya sa mga babae. Casanova talaga. Ewwww.
"Please Jared?" *puppy dog eyes technique on*
"Sige na nga. Hintayin mo ako, magbibihis lang ako."
Yes! Never pa talaga hindi gumana ang puppy dog eyes technique ko. Hahahaha
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A Casanova (JaMantha Story) - ON HOLD
RomanceYou did love Talk Back and You're Dead and Never Talk Back to a Gangster right? Well, If you also did love the Great Casanova JaRED Dela Cruz and if you're also a JaMantha shipper, then I suggest you to read this. I'm not saying this story is great...