****************
Isabella's POV
Nandito kami ngayon sa bahay namin, dito kase gusto nang mga group mates ko sa bahay namin, kaya eto kami ngayon tapos na mag practice, almost perfect na kasi, kaya hindi na gaano kailangan mag practice..
"Uy, guys, laro tayo truth or dare? Ano? Game?" biglang sabi ni Naomi, wala na kasi kaming ginagawa kaya medyo boring, ayaw pa nila magsi-uwian dahil dito daw sila magdi-diner para daw libre at 3:20 pa man lang kaya ganun..
"Tsk, masayadong pabebe, dapat strip tease para maganda, ano? Sinong in?" suggestion ni Jun..
"Yuck, kadiri, maglaro ka mag-isa, sure akong masaya yun" singit naman ni Mae.
Pero sa huli truth or dare pa din ang nilaro namin, wala namang against samin basta dapat daw may thrill yung mga tanong o mga dare.. So yun, pina-ikot na nila yung bote, at ang unang natutukan ay si Jun..
"Truth"
"Sige, what is your dark ssecret? But ibulong mo muna sakin, saka naman sila" sabeyy ni Naomi, siya kasi yung gumawa nang mga truths and dares, kaya nga medyo unfair samin kasi hindi siya kasali, pero bahala na.
Lumapit naman si Jun kay Naomi at bumulong samantalang kami, ayun pasikapan makarinig nang sasabihin ni Jun.
"BHSIDVAKGAUAJ" sabi ni Jun..
"Seryoso?" narinig kong sabi ni Naomi na parang gulat..
"Oo, seryoso, maniwala ka"
"E, kung tuktukin kita at mapala mo ang gusto mo" -Naomi
"E, ano namang gusto ko? Ahh, ikaw pala yun" sabi ni Jun sabay kindat kay Naomi, hindi namin sineryoso yung sinabi ni Jun dahil siya ay isang tao na hindi marunong sumeryoso kaya nagtawanan na lang kami..
" Uy di ba si Vince yun, tara tawagin natin" biglang sabi Mae sabay turo dun sa kwarto ni Vince, nasa kwarto ko kasi kami ngayon.. Sumang-ayon naman kami, kasi nga di ba, the more, the merrier..
"Vince!! Vince!! Tara dito sali ka, laro tayo truth or dare" pag tawag ni Mae kay Vince.. Tumango naman siya, hinintay na lang namin si Vince na makapunta sa kwarto ko..
"Oh, tara na, play" sabi ni Naomi at pinaikot na yung bote ..
Tumutok naman yun agad kay Vince, "Oh, mukhang minamalas tayo ngayon ah, oh ano? Truth or dare?" natatawang sabi ni Naomi kay Vince..
"Truth"
"Ahm, sa ating magkaklase sino ang pinaka nagagandahan mo?"
"Pss, tanong ba yan, siyempre si Isabella my labs" pilyong sabi ni Vince sabay akbay sakin, binatukan ko nga, sira-ulo e, ang daming alam, kainis, sarap patayin..
"Only for you, you, you" sabi ko sabay dirty finger sa kanya, wala ako sa mood makibangayan e, lalo na't may nakakarinig..
"Owss, bad yan Isabella my labs"
"tsk"
At yun nga, wala nang nagsalita, pina-ikot na yung bote at sa kasamaang palad sakin nakatutok..
"Oh, mukhang minamalas din tayo ngayon ah, ano? Truth or dare?" natatawang sabi ulit ni Naomi..
"Truth" ayaw ko nang dare, may bad memories kasi ako tungkol dun e..
"ano ang mga ideal type mo sa lalaki?"
"Siyempre, dapat yung babagay sakin, yung matangkad, magaling kumanta, marunong mag guitara, at gusto ko yung masculined ang body niya especially the hands, uhm, siyempre great personality, yung magaling magluto, parang ganon" haha, siyempre ang mga sinabi ko, yung opposite ni Vincente, gaya nang matangkad, haha, kung hindi niyo lang alam 5.7 lang yan, e yung gusto ko yung 6 ft na..
"Owss, mukhang busted tayo ah" nanga-asar na sabi ni Naomi, sarap din nito sakalin, kanina pa siya ganyan, parati ko na lang naririnig yung "mukhang" yun..
"Tumahimik ka dyan, bwisit ka" naiinis na sabi ko sa kanya..
"Hoy, Vince, pagdepensahan mo naman ang sarili mo, busted na nga, tatanga-tanga pa"
"Ouch ang sakit naman, busted na nga, sinabihan pa nang tanga, ang saket naman, sobra" sabi nito "At saka matangkad naman ako ha, ano tingin mo sakin, pandak?" pagpapatuloy nito pero nakaharap na saken..
"Pss, kulang pa yan gusto ko gaya ki LeBron James, katangkad" haha, totoong matangkad siya pero, yuck, hindi ako papatol jan..
"Tsk, ang choosy mo, nandito na ako oh, available"
Sasalita na sana ako pero na hatsing ako, ang baho kasi nang katabi ko, sino? Why ask the obvious, siyempre si Vincente..
"anong number?" tanong ko sakanila, yung iba low gets pero mabuti na lang naintindihan ni Jun, pag minsan talaga may pakinabang din ang utak nito..
"number 12" sabi niya..
Nagbilang ako sa kamay ko, "sino? Sino? Sino" naeexcite na tanong ni Jun..
"O may ghad si...LeBron James, oh di ba sabi ko sayo destined kami"
"Huh? Di ko..namin maintindihan?" sabi ni Mae..
"Jun explain" formal na pag-utos ko ki Jun, siya na bahala mag-explain, naiintindihan naman niya yung ibig sabihin nun eh..
"Sabi daw kasi, pag umubo ang isang tao, may umiisip daw sakanya"
"Tsk, kalokohan, baka mabaho lang talaga yung katabi niya" singit ni Mae, napatingin kami sa katabi ko, sa parteng kaliwa, kung nasan nakaupo si Vincente..
"Huh? Hindi ako ah, kakaligo ko pa lang" napansin niyang nakatingin kami lahat sakanya kaya dinepensahan niya yung sarili niya..
Inamoy ko siya, tama nga kakaligo pa lang niya.. "Ayy, infairness, but there's always an exception to the rule" sabi ko sabay nag tawanan kami..
"Hanep ka Isabella, mas malala ka pa sakin, idol" natatawang sabi ni Jun..
Pagkatapos namin nagtawanan, napabaling naman kami sa parteng kanan ko na kung saan nakaupo si Roko, "oh, ano?" walang emosyong sabi nito, tsk, suplado, malayo sa standards ko..
"wala lang, mabaho ka daw sabi ni Jun" page-embento ko, napatingin siya nang masama ki Jun..
"Oh, wala akong ginagawa, malayo ako sainyo oh" pagdepensa niya sa sarili niya sabay taas nang dalawang kamay na parang yung sa Cardo, pag may nahuhuli na sindikato ang mga pulis doon..
Napatingin ulit siya sakin nang masama, "hindi ako ang nagsabi, si Vince yun" sabi ko, napatingin naman ito ki Vince.. "hindi din ako, binulong lang sakin ni Mae" sabi nito, napatingin naman ito kay Mae "hindi din ako, binulong din sakin ni Naomi" pagdepensa ni Mae sa sarili niya, napatingin naman ito ki Naomi "Mas lalong hindi ako, si Jun ang nagsabi nun" sabi din nito, napatingin naman ulit si Roko kay Jun, "Sinabe nang hindi ako e, ang kulit niyo naman, paulit-ulit, sa totoo lang, ilang beses ba kayo pinanganak? at ang sobrang kulit niyo" nang gigigil na sabi ni Jun, natatawa ako sa isip ko inu-uto lang namin si Roko at pinagtitripan si Jun, haha, mabuti na lang na gets din nila ang ginagawa ko at nakisabay din..
"Sa pagkaka-alam ko, isang beses lang ako pinanganak e" nanga-asar na sabi ko.
"Ako din, itanong mo na lang sa nanay ko, hindi ko kasi alam e" nanga-asar na sabi din ni Vince..
"Mga sira-ulo, malamang isang beses lang, tsk, mga tanga" singit ni Roko, kainis, nasabihan din ako nang tanga, anshaket..
"Ouch, uy, pare natangahan din ako oh, anshaket" umaarte pa ako na nasasaktan at binaling ang tingin ko kay Vince..
****************
Okay, ito na ang desisyon ko, pag sasabayin ko yung dalawa, pero I can't promise na magu-update ako, kasi alam kong promises are meant to be broken..
![](https://img.wattpad.com/cover/137074130-288-k565043.jpg)
BINABASA MO ANG
Reunited With Him [DELETE]
Teen FictionSaksihan ang magulong kwento nila Isabella at Vince... Nagkakilala... Naging Magkaibigan... Nagka-ibigan... Nagkahiwalay... Nang Ibang Bansa... Bumalik... and then.... Nagkita nga ulit pero ikakasal na siya at ang masaklap....sa kakambal pa niya... ...