*****************
Kinagabihan, gaya nang sinabi nila, dito sila kumain sa bahay namin, uuwi na sana si Vince pero sinabihan ni mama dito na lang daw..
Nagsipuntahan na kami sa dining table para kumain dahil tinawag na kami ni mama, pagdating namin dun nakita kung nandun din sila Papa at Enrico..
Nang mapansin na ni mama ang presensya namin, tinawag niya kami at pina-upo na sa hapag kainan..
Nung nakalapag na yung mga pagkain, nagdasal na kami lahat at kumain.. Ang madaldal na si Naomi ang unang nagsalita "tito, pagsabihan mo nga tuh si Ella, binusted si Vince, e wala namang masama kay Vince, gwapo, matalino,....ahm...yun lang po pala" sabi ni Naomi, sabi na nga ba, pag sumasalita tong babaeng tuh, parating may dalang kamandag, parehas sila ni Jun, magandang sakalin..
"ah, ganun ba, I'm sorry, hijo, my daughter is not yet allowed to get into relationships, she needs to study first" papa said calmly, that's right papa, tama yang sinabi mo..
"Owsss, pare, hindi ka pasado, better luck next time" pabulong na sabi ni Naomi ki Vince pero narinig naman namin..
Iniba ni papa ang usapan.. "Saan pala ang dati mong eskwelahan, hijo?" tanong ni papa ki Vince, umupo naman ito nang matuwid..
"ah, sa University of Santo Thomas po" sabi ni Vince, kyahhhh, Juanito!!
"Maganda naman ang eskwelahan mo dun, bakit ka pa lumipat dito?" papa questioned..
"Sabi po kasi nang tatay ko, dito muna daw po kami pansamantala sa bicol, tapos pagkagraduate ko sa high school babalik din po kami sa maynila" Vince answered, yes, yes, aalis lang naman pala siya dito, magiging mapayapa na ang buhay ko dito, sa wakas..
"ah, sino naman pala ang mga magulang mo?" tanong ulit ni papa.. Ang formal ni papa magsalita, talagang prinsipal talaga siya..
"Sila Victor De Vera at Bea De Vera"
"ahh, kaya naman pala parang pamilyar ka sakin, kamukha mo kasi ang tatay mo e" medyo nagulat na sabi ni papa, by the way, ano ang ginagawa namin na magkaklase? Eto, nakikinig sa usapan nila na parang sila lang ang tao dito at hindi na pinapansin ang presensya namin..
"Kilala mo po ba sila?" tanong ni Vince..
"Syempre naman, kababata ko yan e, maiba nga, umuwi ba dito si Victor? Kung oo, bakit hindi ko siya nakikita?" parang excited na ewan na sabi ni papa..
"ah, opo, umuwi po siya dito pero bumalik muna sila sa maynila, may inaasikaso lang po sila dun" hay, inaantok na ako ang tagal nila mag-usap, malapit na nga maubos ang pagkain ko..
"ay, ganun ba, basta pagbalik niya, sabihan mo mag-iinuman kami" sabi ulit ni papa, siguro talaga pag matagal mo na hindi nakikita ang mga kaibigan mo, ganun ka na lang kasaya pag nakita mo sila ulit..
Pagkatapos kumain, magvovolunteer sana ako na ako na ang maghuhugas pero pinigilan ako ni mama, ang sabi niya, i-entertain ko daw yung mga kaklase ko, sinunod ko naman yung utos niya, tama nga naman, bad manner yun e..
Lumapit ako sa mga kaklase ko na, nasa sala, pumunta ulit kami sa kwarto ko, maglalaro naman daw ulit..
"Uy, Vince, babalik talaga ikaw sa maynila pagkagraduate?" malungkot na tanong ni Naomi.. Pshhhhh...
"Oo, bakit?"
"Kasi hindi ka namin mamimiss" pacute na sabi Jun..
"Pss, akala mo naman kailangan ko niyan, ang kailang ko si Isabella my labs" nang-aasar na sabi ni Vince sakin, hindi ako agad nakareact kasi hindi naman ako sakanila nakikinig nang nagkwekwentohan sila...
![](https://img.wattpad.com/cover/137074130-288-k565043.jpg)
BINABASA MO ANG
Reunited With Him [DELETE]
Novela JuvenilSaksihan ang magulong kwento nila Isabella at Vince... Nagkakilala... Naging Magkaibigan... Nagka-ibigan... Nagkahiwalay... Nang Ibang Bansa... Bumalik... and then.... Nagkita nga ulit pero ikakasal na siya at ang masaklap....sa kakambal pa niya... ...