BIGBANG's Taeyang

190 4 9
                                    

Characters : Lorraine Hernandez and Dong Young Bae (Taeyang)

To @_ulaaaaan. Hope you like this!

◇♡♤♧

Sa wakas! Pagkatapos ng dalawang oras nang paghihintay ay naririto na siya!

Literal na tumulo ang laway mo nung makita mo pa lang ang ulo ng crush mong si Dong Taeyang na kakalabas lamang sa ferrari niya. Nakakawala ng pagod kapag mukha niya ang nakikita mo tuwing umaga.

Si Taeyang na super gwapo, hot, matalino at talented. Makalaglag panga (at panty) ang karisma niya. Lahat na ata ng magandang katangian na gusto mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. Sikat na sikat siya sa university niyo.

Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang babaeng patay na patay sa kanya. Katunayan, marami kang kaagaw at karibal na mas maganda at mayaman pa sayo. Pero wala kang pakialam sa kanila basta ang focus mo lang ay na kay Taeyang.

Automatic na nahati ang dagat ng mga girls ng nagsimulang lumakad si Taeyang papasok ng main entrance. Kahit maraming may gusto sa kanya ay wala sa inyong nagtangkang hawakan siya. Alam ng mga girls at alam mo na ayaw ni Taeyang na hinahawakan siya unless ikaw ang girlfriend niya o isa ka sa mga kamag-anak niya.

Pero hindi mo napigilan ang sarili mo. Nasa harapan mo na siya kaya naman hindi mo namalayan na hinapit mo ang bewang niya tapos yinakap ng mahigpit.

"I-i l-love you Taeyang! I would do everything for you!" desperadang sabi mo habang naka-backhug ka sa kanya. Gusto mo talaga ang lalaking to kahit na may pagka-arogante siya. Kahit pa siguro lahat ng baho ng isang tao nasa kanya, siya pa rin ang gugustuhin mo. Ay, mali pala. Siya pa rin ang mamahalin mo.

Pwersahang inalis ni Taeyang ang kamay mo at humarap siya sayo.

*PAKKKKKK!!

Isang malakas na sampal ang natanggap mo mula sa kanya. Oo, sinampal ka niya ng bonggang bongga tapos tiningnan ka mula ulo hanggang paa.

"Ang lakas ng loob mong yakapin ako! Tingnan mo nga yang itsura mo! Mukha kang malaking kutson! Sa tingin mo magugustuhan ko ang ganyang klase ng babae? Kung isa ka sa mga baliw na nahuhumaling saken, mabuti pa itigil mo na dahil wala kang aasahan saken!" malakas na sigaw niya sayo.

Natigilan ka. Hindi mo inaasahan na ganoon kalala ang magiging reaksyon niya. Akala mo, simpleng pagtanggal lang ng kamay mo sa bewang niya tapos pagsasabihan ka na wag mo siyang hawakan.

"Ano pang ginagawa mo diyan Lorraine? Umalis ka na sa harapan kong baboy ka!" pahabol pa niya.

Tiningnan niya ang name plate sa uniform mo at binanggit ang pangalan mo. Ang tagal mong pinangarap na mangyari yun. At ngayon nga, natupaf na. Pero hindi ka naging masaya dahil sinabi niya yung pangalan mo ng may pandidiri.

Tulala ka parin kaya naman ng maramdaman mong tinulak ka pa ni Taeyang, doon ka na napaiyak. Pinilit mong tumayo tapos tumakbo ka papunta sa malaking garden ng unibersidad niyo.

Nanghihina kang umupo sa bench na naroon. Hinawakan mo yung pisngi mo na sinampal niya. Lalo kang napahagulgol. Masakit sa pisikal, masakit pa sa emosyonal. Nasampal ka na, nainsulto ka pa. Ano pa ba ang mas sasakit doon?

Umiyak ka ng umiyak hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mga mata mo. Umuwi ka na pagkatapos noon at hindi ka na pumasok nung araw na yun.

◇♡♤♧

Ang tagal mo nang nakatayo sa harap ng salamin ng kwarto mo. Hinawakan mo ang malaking bilbil ng tyan mo.

Mukha kang malaking kutson!

You and your IDOL (one-shot stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon