Jiro Kriden’s Point of View
Apat na araw na simula ng mangyari ang aksidente. Apat na araw na ring hindi gumigising ang transferee. Nalaman kong Amily Farrel pala ang pangalan nya dahil sinabi sa akin ni Melody.
Nasa labas ako ngayon ng infirmary, balak ko sanang dalawin ulit si Amily.
“Hey Jiro.” Bati sa akin ni Melody. Tumango lamang ako sa kanya.
“Napapansin ko na parang araw-araw ka ng napapabisita dito ah. Ano meron?” tanong ni Melody sa akin.
“Tss, may gusto lang akong sabihin sa kanya. That’s all.” Sabi ko sa kanya. Sa buong Enchanted Academia, tanging si Melody lamang ang nakakakausap sa akin ng ganito. Dahil na rin siguro kilala nya ako at alam nya ang nakaraan ko.
Tahimik naming pinagmamasdan si Amily. Sa loob ng apat na araw ay hindi rin kami masyadong pumapasok sa aming mga klase. Dahil na rin siguro sa babaeng ngayon ay nakahiga at wala pa ring malay.
“Kamusta ka na nga pala?” tanong ni Melody sa akin. Tumango lamang ako sa kanya.
“Uso din salita kasi minsan. Hindi naman masamang magsalita.” Sabi ni Melody.
Naging tahimik kaming dalawa ni Melody at matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng clinic at dumating si Regner.
“Kamusta na sya?” nag-aalalang tanong ni Regner.
“Wala pa ring pagbabago. Still unconscious. Nagtataka na nga ang nurse. Wala namang kahit anong malalang nangyari bukod sa bali ng kamay nya pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising.” Sabi ni Melody. Nang lumapit si Regner sa amin ay nagkusa na akong tumayo at akmang lalakad na sana ng biglang nagsalita si Melody.
“Aalis ka nanaman kung kelan kumpleto tayo ngayon dito?” tanong ni Melody. Naiyukom ko ang aking mga kamao.
“Kahit kailan hindi na tayo magiging kumpleto.” Sabi ko at naglakad na palabas pero bago ko maisara ang pinto ay malinaw na napakinggan ko ang sinabi ni Regner.
“Oo, hindi na magiging kumpleto dahil ikaw mismo ang dahilan kung bakit may nawala.”
Naglakad ako ng naglakad sa buong Academy. Sobrang sirang-sira na ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano iyon muling maayos.
Umakyat ako sa isang puno dito sa Academy. Isa ito sa mga hilig kong tambayan simula ng idinistansya ko ang sarili ko sa mga taong itinuring kong kaibigan. Kahit na tahimik sa parteng ito ng Academy, ramdam ko naman ang kapayapaan. Ramdam ko na walang huhusga ng pagkatao ko dito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpasyang matulog na lamang.
“Jiro.” Dalawang boses ng babae ang gumising sa akin. No. Ito nanamang panaginip na ito.
“Jiro.” Two voices called me again and this time, I tried to open my eyes and saw a figure of two women. My worst nightmare has come again.
“Ikaw ang dahilan ng lahat!!!” boses ng lalaki na alam ko kung kanino mismo nanggaling. Sa aking Ama. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses pero sigurado kong naririto lang yun.
“Sorry…” yun lamang ang nabanggit ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Oo, ang bakla tingnan pero hindi ko na kaya.
Naramdaman kong lumalapit ang dalawang tao sa akin.
“WAG! WAG KAYONG LALAPIT!” sigaw ko at dahilan para magising ako.
Nanaginip nanaman ako. Kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang pait at sakit ng nakaraan ko. The past that keeps on haunting me no matter what.
“Sana ako na lang yung nawala.” Sabi ko habang nakahiga sa puno.
Hindi ko sinadya ang lahat. Hindi ko kagustuhan na mawala ang dalawang mahahalagang tao sa buhay ko. Si Mama at ang unang-unang babaeng minahal ko.
“ARGH!!!” sigaw ko at agad na may lumabas na isang fire ball mula sa katawan ko at tumama ito sa isang ibon na lumilipad.
Agad akong bumaba ng puno at tiningnan ang isang ibon na natusta dahil sa apoy ko.
I sighed.
“Sorry.” Banggit ko sa ibon. Kahit wala na ang ibon, atleast makapag sorry manlang ako.
“Sorry? Sa tingin mo may magagawa pa yang sorry mo na yan? Nakapatay ka na naman ng isang inosenteng buhay.” Biglang nagsalita si Regner sa likod ko. Sigurado akong sya yun.
Galit akong humarap sa kanya.
“Ano? Susuntukin mo ako? Patayin mo na lang din ako! Ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Hindi ba’t dapat ako?” nakangising sabi ni Regner. I stayed silent and then I suddenly felt guilty about everything.
“Pinapapunta ako dito ni Melody. Amily is already awake just so you know.” sabi ni Regner at naglakad na palayo. Agad akong tumakbo papunta sa infirmary at nakitang napapalibutan na ng mga tao si Amily.
Naroroon si Dean Serena kasama ang asawa nyang si Don Diono, Butler Jean, ang mga Professor maliban lamang kay Professor Sullivan at si Melody. Nakabantay naman ang nurse sa isang tabi
“Amily!!! Nakikita mokooo?!” sigaw ni Melody. Tumango lamang si Amily habang nakatingin kay Melody. Dahan-dahan akong lumapit kay Melody at ng makita ako ni Amily sa tabi ni Melody ay agad nanlaki ang mata nito na para bang nakakita ito ng multo.
“Don’t worry Amily, hindi ka sasaktan ni Jiro.” Nakangiting saad ni Melody at medyo kumalma naman si Amily.
“Ano nangyari?” mahinang tanong ni Amily.
“Hindi mo ba naalala iha? Nabagsakan ka ng chandelier. Mabuti nga at gising ka na.” sabi ni Dean Serena. Mukhang pilit nyang inaalala ang mga pangyayari at matapos ng ilang segundo ay muling nagsalita si Amily.
“Yung matanda… Nasaan sya…” bulong man ay mapapakinggan na nag-aalala si Amily.
“Ayos lang sya iha. Ang iyong iniligtas ay ang asawa ko. I am extending my sincerest gratitude. Habang buhay naming tatanawin yun na utang na loob.” Sabi ni Dean Serena na ikinabigla ni Amily. Siguro ay hindi nya alam na asawa ng Dean ang iniligtas nya kaya ganun na lamang ang pagkabigla niya.
Matapos ng halos 30 minutes ay unti-unti ng nawalan ng tao sa loob ng infirmary at kaming dalawa ni Amily sa loob. Lumabas kasi si Melody para kumuha ng pagkain. I can feel that she is a little bit scared of me. Siguro ay dahil na rin sa mga napapanood nya sa akin sa tuwing may sparring at saka dahil na rin siguro noong nasigawan ko sya nung first day.
“Uhm, sorry.” Agad nailabas ng bibig ko ang nais kong sabihin matagal na. Dahan-dahan nya akong tiningnan na para bang nagtataka ito kung bakit ako nagsosorry.
“About the thing on your first day of school…” I almost whispered.
“First day of school? Ano meron nun?” mahina nyang tanong sa akin.
“Hindi mo alala? Ako yung nakabunggo mo nun and nasigawan kita because of that. I’m sorry. Mainitin lang talaga ulo ko.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Mukhang naalala nya kaya naman dahan-dahan syang tumango.
“Yun ba? Wala yun… Sanay na ako sa ganun. Wag mo na isipin yun. Thanks for saying sorry. Ito ang unang beses na may nagsorry sa akin…” nakangiti nyang saad.
Hindi ko alam pero parang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nakangiti sya sa akin. Maybe because I am happy that I am already forgiven. Maya-maya pa ay dumating si Melody na may dalang pagkain kaya nagpaalam na ako sa kanila and I decided to go out and attend my afternoon class.
--
A/N: Guys! Comment kayo if ever ma binabasa nyo. I'll dedicate the next chapter to you. 😘
BINABASA MO ANG
Enchanted Academia: The Sorcerer's Stone ✔️
FantasyEnter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you accept the fate written for you? Date started: April 15, 2018 Date ended: June 03, 2018