Chapter 13

3.4K 102 2
                                    

Amily Farrel’s Point of View

“You’ll be fine.” Sabi nung Rafael habang nakatingin sa akin at binigyan ako ng isang reassuring na ngiti.

Nang makalapit sa akin ang Rafael na sinasabi ni Professor Sullivan ay unti-unting lumayo sa akin si Jiro pero nanatili hindi malaki ang distansya namin sa isa’t-isa. Tumingin ako sa kanya at tinanguan nya lamang ako.

Hinawakang unti-unti nung Rafael ang kamay ko at pumikit. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay unti-unting nawala lahat ng enerhiyang bumabalot sa akin kanina.

“Nagpanic ka ba kanina noong nakita mo ang energy mo?” tanong sa akin nung Rafael. Marahan lamang akong tumango. Bigla kong naramdaman ang bigat ng katawan ko. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay sobrang pagod ako?

“Normal lang ang makaramdam ng pagod dahil sobrang dami ng nailabas mong kapangyarihan. Are you okay now?” tanong nung Rafael at tiningnan nya ako. Isang tingin na ngayon ko lamang nakita sa buong buhay ko. Isang tingin ng pag-alala na hindi ko pa nakikita sa iba.

“Opo, okay lang po pero ang bigat po ng pakiramdam ko.” Sagot ko sa kanya.

“Hindi pa ako nagpapakilala ng maayos. Ako nga pala si Rafael Winston. Parang ngayon lamang kita nakita sa academy na ito. Bago ka ba?” tanong nya sa akin at marahan akong tumango.

“Siya si Amily Farrel. Ang batang nagligtas kay Don Diono.” Biglang sabat ni Professor Sullivan.

“Ikaw pala yun. Isa yun sa dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa Enchanted Academia. Nabalitaan ko kasi ang aksidenteng nangyari dito sa loob ng campus at daplis daw matamaan ng malaking chandelier ang aking Ama. Kung hindi dahil sayo, baka patay na si Papa.” Sabi ni Sir Rafael at hinawakan ang aking mga balikat. Ngumiti naman ako.

“Wala po yun Sir Rafael. Salamat din po kasi tinulungan nyo ako kanina.” Sagot ko sa kanya. Umiling naman sya sa akin.

“Tawagin mo na lamang akong Tito Rafael at hindi naman ako lamang ang tumulong na mawala ang enerhiya sa paligid mo. Gustong-gusto mo ng mawala kanina ang nagwawala mong kapangyarihan at dahil sa eagerness mo kaya napadali ang pagpapakalma ko sa kapangyarihan mo.” Sabi ni Sir este Tito Rafael.

“Jiro, samahan mo na muna itong si Amily sa labas. Gusto ko lang makausap ang Professor nyo.” Sabi ni Tito Rafael kaya naman tumango si Jiro at inalalayan akong tumayo at maglakad.

Habang pababa kami ng rooftop ay kapit akbay ako ni Jiro dahil para akong matutumba kung hindi maalalayan.

“Pwedeng wag muna tayo pumunta sa dorm?” tanong ko sa kanya kaya naman tumingin sya sa akin.

“Saan mo balak pumunta?” pabalik na tanong ni Jiro.

“Kahit saan basta refreshing ang paligid saka mahangin.” Sabi ko at tumango naman sya. Inalalayan nya ako maglakad hanggang sa makarating kami sa gilid na parte ng academy.

Meron ditong isang malaking puno, maliit na fountain at mga magagandang bulaklak. Ngayon lamang ako nakarating dito.

Inalalayan ako makaupo ni Jiro sa damuhan at matapos nya akong maiupo ng ayos ay sya naman ang umupo sa tabi ko at sumandal sa puno.

“Jiro?”

“Hmm?” sagot nya sa akin. Tinitigan ko sya at ngayon ay nakapikit sya habang nakasandal sa puno. Tinitigan ko sya ng mabuti at nakita na may ilang gasgas sya kanyang braso at pisngi.

“Salamat at sorry.” Mahina kong sabi dahilan para tingnan nya ako na para bang nagtatanong.

“Para saan?” tanong nya.

“Salamat dun sa kanina. Padalawang beses mo ng ginawa ang pagligtas sa akin. Naikwento sa akin ni Melody na ikaw daw ang nagbuhat sa akin patungo sa infirmary noong nalaglagan ako ng chandelier tapos ngayon naman, kahit pinipigilan ka na kanina ni Professor Sullivan na lumapit sa akin kahit delikado ay pinuntahan mo pa rin ako at niyakap. Salamat.” Pagpapaliwanag ko kung bakit ako nagpasalamat sa kanya.

“Bakit ka naman nagsorry?” tanong nya ulit.

“Dahil sa pagyakap mo sa akin ay nagkaroon ka ng mga gasgas. Nasugatan ka pa tuloy. Pasensya na.” sabi ko at yumuko na.

Jiro Kriden’s Point of View

“Dahil sa pagyakap mo sa akin ay nagkaroon ka ng mga gasgas. Nasugatan ka pa tuloy. Pasensya na.” sagot nya sa akin at dahan-dahang yumuko.

Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Natahimik ang buong paligid namin. Walang nagsasalita sa amin. Tiningnan ko sya na ngayon ay nakatunghay na at nakatingin sa mga makukulay na bulaklak.

“Pwede ba akong magtanong?” bigla nyang salita at hindi man lamang tumitingin sa akin.

“Hindi pa ba pagtatanong yang ginagawa mo? Tss.” Sagot ko sa kanya.

“Lagi ka bang ganito?” tanong nya sa akin at ngayon ay humarap na sya sa akin.

“Ibig kong sabihin ay lagi ka bang ganito? Mag-isa? Walang kaibigan manlang?” dugsong nya sa tinanong nya kanina.

“I have my reasons at wala ka ng karapatan para malaman yun.” Sagot ko sa kanya.

“Nakukulong ka kasi sa sarili mong mundo eh. Alam ko ang pakiramdam na ganyan. Yung wala kang mapagkwentuhan at wala kang mapagsabihan kasi ganyan din ako dati noong nasa amin pa ako. Wala akong malapitan manlang o di kaya naman ay masabihan ng mga hinaing ko sa buhay.” Sabi nya at nakikinig lamang ako sa ikinukwento nya.

“Hindi ako lumaki sa mundong ito. Hindi ko nga alam na nag eexist pala ang ganitong lugar eh. Wala na akong mga magulang. Sabi ng mga nagpalaki sa akin ay namatay daw sa isang aksidente ang mga magulang ko. Yung mga nagpalaki sa akin? Itinuring akong isang katulong. Kahit sa school lagi akong nabubully kaya wala akong napagsasabihan ng kahit ano. Pag uuwi naman ako sa bahay ay lagi na lang akong papagalitan. Iniisip ko nga kung bakit pa ako nabuhay eh. Iniisip ko rin na isa atang maling pagkakamali na nabuhay ang isang Amily Farrel sa mundong to.” Pagkukwento nya sa buhay nya.

“Pero noong dumating si Regner at Melody sa buhay ko, may napagsasabihan na ako. Meron na akong mga naging karamay at kasama sa lahat. Naisip ko na masaya pala magkaroon ng kaibigan.” Sabi nya sa akin.

Muling tumahimik ang paligid namin hanggang sa napagdesisyunan ko na ring magsalita.

“I have friends in the past not until I made a huge mistake. Isang pagkakamali na naging dahilan kung bakit kami nagkawatak-watak.” Unang sabi ko at sa tingin ko naman ay nakikinig sya sa akin.

“Apat kaming magkakaibigan. Ako, si Regner, Melody at si Stephanie.” sabi ko at habang sinasabi ko palang yun, para akong bakla na iiyak pero hindi siguro ay nasasaktan lang talaga ako pag naalala ko yun.

“Stephanie? Sino si Stephanie? Dito rin ba sya pumapasok?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Amily.

Enchanted Academia: The Sorcerer's Stone ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon