Chapter 11

3.6K 109 6
                                    

Amily Farrel’s Point of View

Simula ng makalabas ako sa school clinic kahapon ay lagi na lamang akong kinukulit ni Melody tungkol sa nangyari noong araw na bumagsak ang chandelier.

Papasok kami ngayon sa aming combat class ng makita ko si Jiro sa di kalayuan. Kakaway sana ako sa kanya pero ibinaling nya ang tingin sa ibang direksyon. Simula noong nagsorry si Jiro sa akin may dalawang araw na ang nakakalipas ay parang hindi nya na ulit ako pinansin kagaya noong mga unang araw ko dito sa school na to.

“Amily!!!” sigaw ni Regner habang kumakaway. Ngumiti naman ako at pumunta sa kanya.

“Look who’s back. The weakling. Usap-usapan ang pagligtas mo sa asawa ng Dean ah. Feeling proud of yourself?” tanong sa akin ni Lyvia na para bang isang malaking achievement ang ginawa ko. Hindi ko na lamang sya pinansin.

“Akala mo naman ang lakas lakas mo na dahil naligtas mo ang buhay ng Dean? All heroes are dead already. Kung siguro hindi ka isinugod ni Jiro sa infirmary ay siguradong patay ka na. Wag kang magmalaki dahil isang chandelier lang, hindi mo manlang naiwasan.” Sabi ni Lyvia at naglakad na ulit palayo.

“Don’t mind her.” Sabi ni Melody. Tumango naman ako.

“Buti naman at nakabalik ka na ulit sa klase. Okay ka na ba talaga?” Bati at tanong ni Regner sa akin habang tinitingnan ang buong katawan ko.

“Yeah. Okay na ako. Wag na kayo mag-alala saka gusto ko ng makabalik agad sa klase para incase na mangyari ulit yun, hindi na ulit ako bumalik sa clinic or infirmary.” Nagbibiro kong sabi kay Regner at Melody.

“Hala, wag ka ng bumalik dun. Napupuyat ako kakabantay sayo.” Sabi ni Melody at tumingin sya sa akin na para bang nastestress. Napatawa naman kaming dalawa ni Regner.

Biglang pumasok si Professor Veronica sa loob ng gym kaya naman natahimik na ang lahat ng estudyante at pumunta na sa kani-kanilang mga pwesto.

“Almost 2 weeks na lamang at monthly assessment nyo na. Are you all guys ready for that?” tanong ni Prof at sumagot naman lahat ng oo ang mga kaklase ko maliban sa akin.

“Well yes you should be. Get a partner for today’s practice and may I excuse Ms. Amily Farrel.” Sabi ni Prof at agad naman akong lumapit sa kanya.

“Follow me.” Sabi nya sa akin kaya naman sumunod ako sa kanya palabas ng gym. Dinala nya ako sa open field na pinagpapractisan ng aming power enhancement.

“Bakit po tayo nandito?” tanong ko sa kanya.

“Transferee ka diba? I heard that Sullivan already gave you special lessons bago mangyari ang aksidente. So I might give you as well. Malaki ang maiitulong nito lalo na at nalalapit na ang monthly assessment.” Sabi ni Professor Veronica.

“Prof, ano po ba ang meron sa monthly assessment at bakit kami pinaghahanda?” tanong ko sa kanya.

“Monthly Assessment. Kumbaga, battle of the fittest for the higher rank. Tuwing monthly assessment, pwedeng magbago ang rank ng isang bata. For example ay ikaw. Isa kang Tyro and pwedeng kang mapapunta sa Advanced Class dipende sa stars na makukuha mo sa Monthly Assessment.” Pagpapaliwanag sa akin ni Professor Veronica. So pwedeng tumaas ang rank kung mataas ang markang makukuha sa assessment na yun?

“So para po syang test Prof?” muli kong tanong sa kanya at tumango lamang sya.

“Itinuturing itong survival game ng lahat because you have to survive on different kinds of situation during the Monthly Assessment. Hindi ko na sasabihin sayo ang patakaran ng assessment dahil malalaman mo din naman yun. So why don’t we start our special lessons right now?” tanong ni Professor Veronica. Tumango naman ako.

Pumwesto ako sa tabi ni Professor Veronica at huminga ng malalim.

“Balance everything Amily!” sigaw ni Professor Veronica sa akin habang tumatakbo ako sa field. Oo, pinapatakbo nya ako sa field habang tinatapunan ako ng kung anu-anong bagay.

Kailangan kong maiwasan lahat ng ibinabato sa akin ni Professor habang tumatakbo.

“Aray…” napaluhod ako ng tumama ang isang bato sa aking paa na kasing laki ng aking kamao.

“FOCUS!” sigaw ni Mam at nagbato naman sya ng isang malaking kahoy habang nakaluhod ako. Muntik na akong tamaan sa mukha kung hindi agad ako nakailag.

Halos magdadalawang oras na ang special lessons ko at sobrang ngalay na ng mga paa ko.

“You can rest for 10 mins.” Sabi ni Prof kaya naman napahiga na ako sa field. 10MINS LANG YUNG IBINIGAY SA AKIN NI PROFESSOR! Gusto ko na umiyak dahil sa pagod.

“Kaya pa?” tanong ni Professor sa akin at umupo sya sa tabi ko.

“Kakayanin po Prof…” bulong ko habang hinihingal. Kaya ko pa nga ba?

“Napansin kong mabilis ang reflexes mo. Para sa kagaya mong Tyro ay baka puro sugat na ang buong katawan ngayon but look at you, you only have a little scratch at your arm.” Sabi ni Prof kaya naman agad akong napatingin sa aking braso.

“HALA!!!” sigaw ko ng makita ang sugat sa braso ko na halos kasing haba ng kalahating ruler. Kailan ko nakuha to?

“Hindi mo ramdam? Saka don’t panic, its just a little scratch.” tanong ni Professor at umiling lamang ako habang pinupunasan ko ang dugo na tumutulo sa sugat. Nang mapunasan ko ay saka ko naramdaman ang hapdi. Napangiwi na lamang ako.

“Little scratch pa ba tawag dito Prof?” nagbibiro kong tanong sa kanya.

“Teka? Sigurado kang hindi mo ramdam? Tara muna sa clinic para malinis yan.” Sabi ni Professor. Hays, babalik nanaman ako dun.

“Hindi po, okay lang po.” Sabi ko at pinunasan na ulit ang dugo.

“Hindi mo pa ba alam ang kapangyarihan na meron ka?” tanong sa akin ni Professor Veronica at umiling lamang ako. Saglit na natahimik si Professor Veronica.

“Kanina ay sa bilis ka lamang nakafocus. Tanging paa mo lang ang binigyan mo ng focus kaya nawalan ka ng focus sa ibang parte ng katawan. Tanging ang nakakaramdam lang kanina sayo ay ang paa mo. Alala mo ba noong natamaan ka ng bato kaya ka napaluhod?” tanong ni Prof kaya naman tumango ako.

“You surrounded yourself with a protective enerygy unconsciously maliban lang sa paa mo. What kind of power is that? Kinakaya mong maglabas ng energy to protect yourself or to make yourself numb during battle para hindi ka masyadong maapektuhan. Amazing… You are an emitter…” bulong ni Professor at wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya.

“Ano pong ibig nyong sabihin dun Prof?” tanong ko sa kanya. WALA AKONG NAGETS! AKO? EMITTER? Ano yun?

Enchanted Academia: The Sorcerer's Stone ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon