Chapter 17

2.9K 99 2
                                    

Jiro Kriden's Point of View

Nakita ko kung paano suntukin ni Lyvia si Amily. Masyado nyang sineseryoso ang laban kaya duguan na ngayon si Amily. Wala akong magawa kundi tingnan lamang sya.

Sa bawat suntok ni Lyvia, pakiramdam ko ay gusto ko ng umakyat sa sinet-up na stage at ibalik sa kanya lahat ng suntok na ginagawa nya kay Amily.

"Amily!!! Fight!!! Damn it!!!" sigaw ko sa kanya. She heard my shout and looked at me and yet, she managed to smile even she is in pain.

Damn! Don't smile in this kind of time! Hindi ngayon ang panahon para ngumiti ka ng ganyan!

Hinawakan ni Lyvia si Amily sa likod at ihinarap sa kanya. Halos umangat ang paa ni Amily noong iniangat sya ni Lyvia  Damn! Another blow!

Ibinagsak nya na parang laruan lamang si Amily. Lyvia smirked as if she is enjoying the game. Parang hindi na nga laro ang ginagawa nya.

Hindi ko na kinaya.

"Damn! Itigil nyo na Professor Veronica ang laban!" sigaw ko kay Professor.

Tumingin naman ang lahat ng estudyante kay Professor. It looks like they are all waiting for the Professor to agree.

Nagaalala na rin si Professor but she shook her head. Hindi pwedeng itigil ang laban. I clenched my fist. This is too much for Amily. Nasa Tyro class pa lamang si Amily and she just recovered from the accident back then!

I looked at the stopwatch and 10 minutes left at matatapos na ang laban. Please Amily. Just give up.

"Professor. Let's stop the battle. Mukhang hindi na rin kayang lumaban nun." Sabi ni Lyvia sa Professor. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng sabihin yun ni Lyvia.

I looked at Amily who is now lying on the floor. She is a mess right now. Nakita ko kung paano nya muling ipunin ang natitira nyang lakas. Don't tell me...

Biglang tumayo si Amily and everyone gasped including me. No Amily. Tama na...

"Hindi ba parang maaga pa para itigil ang laban?" tanong nya. DAMN AMILY!!!

"Hindi mo na kaya Amily!!! Stop it already!" Melody shouted while looking at Amily. Tama si Melody, hindi nya na kaya.

She managed to smile again and mouthed "Kaya ko pa."

Sumugod si Amily and tried to throw punches at Lyvia. She luckily landed some punches pero nung susuntukin nya na sa mukha si Lyvia, Lyvia blocked it at pinilipit ang kamay ni Amily.

The buzzer started to make noise. Buti naman at tapos na ang laban.

Napaluhod si Amily at nakita ko na lumapit sa kanya si Melody. I was about to stand up pero naunahan na ako ni Regner at inaalalayan nya na ngayon si Amily. Gusto ko syang lapitan pero nandoon si Regner.

I stayed seated hanggang sa tawagin na ni Professor Veronica ang black.

Kalmado akong umakyat sa stage and Regner followed. Regner's expression started to change. Galit ang nakikita ko. Well, I can't blame him. I am the reason why her sister is dead. Hindi ko naman hiniling na mamatay si Stephanie eh.

Almost a minute passed and no one bothered to attack first. We are just throwing deathly glares.

Nagtatanungan na ang nga estudyante kung bakit walang umaatake sa amin.

We both smirked. Its time.

Third Person's Point of View

Matapos ngumisi ng dalawa ay sabay itong sumugod sa isa't isa. Sa sobrang bilis ng bawat kilos nila ay para na lamang itong hangin na humahampas.

Hindi makita ng mga estudyante ang bawat kilos ng dalawa ngunit napapakinggan nila ang mga suntok na binibitawan ng dalawa. Ang problema lamang nila ay hindi nila alam kung sino na ang tinatamaan ng mga suntok.

"First my sister and now, kinakaibigan mo si Amily?! Balak mo rin ba syang patayin?!" nagngingit na bulong ni Regner kay Jiro bago magpakawala ng isang uppercat kay Jiro pero naiwasan agad ni Jiro at nasuntok nya sa sikmura si Regner.

"Iwasan mo si Amily bago ka makapatay ulit.." muling gigil na sabi ni Regner at hahampasin sana si Jiro sa ulo ngunit naiharang agad ni Jiro ang dalawa nyang kamay.

Ang kaninang parang hangin na pakikipaglaban ng dalawa ay unti-unting naging malinaw sa paningin ng lahat dahil sa pagharang ng kamay ni Jiro na naging sanhi upang tumigil ang galaw ng dalawa.

"Wala na ba akong karapatang magkaroon ng kaibigan?!" galit na tanong ni Jiro at tinanggal ang harang ng kamay nya dahilan para tumilapon si Regner sa dulo ng stage ngunit hindi naman sya nalaglag.

Tumayo si Regner at masamang nakatingin kay Jiro.

"OO! WALA KANG KARAPATAN DAHIL IKAW DIN ANG PAPATAY SA KANILA! WALA KANG KARAPATANG MAGMAHAL DAHIL MAKAKASAKIT KA LANG!" sigaw ni Regner. Tumungo si Jiro at naiyukom ang kanyang kamao samantalang si Amily ay biglang napatayo dahil sa sinabi ni Regner.

"Halimaw ka Jiro. Hindi ka manlang ba nakokonsensya sa ginawa mo at nagagawa mo pa ring pumasok ngayon sa paaralang ito? At nagawa mo na ulit makangiti ngayon? Ano? Si Amily naman ang susunod mong papatayin?!" sunod-sunod na sabi ni Regner habang galit na nakatingin kay Jiro.

"Amily. No. Umupo ka dito." sabi ni Melody sa kanyang kaibigan na ngayon ay mukhang lalakad papunta sa stage.

"Walang karapatang sabihin si Regner yun kay Jiro..." bulong na sagot ng dalaga habang nakatingin kay Jiro na ngayon ay tahimik lamang na nakatungo sa itaas ng stage.

"Meron Amily... Sya ang pumatay sa kapatid ni Regner." mahinahon na sabi ni Melody.

"Regner! Makinig ka!" sigaw ni Amily kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Maging si Regner at Jiro na naglalaban sa itaas ay ay napatingin sa kanya.

"Naiintindihan namin ang dahilan kung bakit ganyan ka magsalita. Naiintindihan naming lahat dito kung bakit ganyan na lamang katindi ang galit mo sa dati mong kaibigan na si Jiro pero tao si Jiro. May puso at konsensya! Nasasaktan sya sa lahat ng sinasabi mo sa kanya!" sigaw ni Amily. Walang emosyon lamang na nakatingin si Regner sa kanya na tila ba lahat ng sinasabi ng dalaga ay hindi nya napapakinggan.

"Lumipas ang isang taon, dinala ni Jiro ang lahat ng mag-isa. Pero lumapit ba kayo sa kanya? Diba hindi! Tinanong nya ba kung okay ba sya? Diba hindi! Sa lumipas na isang taon, naging mag isa si Jiro sa laban ng buhay nya... Dinala nya ang sakit dulot ng pagkamatay ng Mama nya at ng kapatid mo na si Stephanie na kahit kailan ay hindi nya sinasadyang magawa... Sino ba naman ang gustong mamatay ang mga taong mahalaga sa kanila? Ang nga taong mahal nila?" halos pabulong na sabi ni Amily.

Unti-unting parang bumalik ang diwa ni Regner.

"Pero sya ang pumatay sa kapatid ko... DAPAT LANG DYAN AY MAMATAY NA RIN!!!" sigaw ni Regner at biglang sumugod kay Jiro at sinikmuraan ito ng malakas.

Napaubo ng dugo si Jiro dahil sa ginawa ni Regner.

"Matutuwa ba si Stephanie na ganito ang nangyari sa inyong dalawa na magkaibigan dati? Hindi... Ramdam ko na walang sinisisi si Stephanie ngayon. Walang may gusto ng nangyari. Siguro kung may pagkakataon pa na mabuhay si Stephanie, ito din ang sasabihin nya. Patawarin nyo na ang isa't isa. Regner, patawarin mo na si Jiro para mawala na ang galit na nanaig sa puso mo at Jiro... Patawarin mo na rin ang sarili mo para makalaya ka na sa madilim na kulungan na ginawa mo para sa sarili mo..." sabi ni Amily at kasabay ng pagsasalita nya ay ang pagtunog ng buzzer hudyat na tapos na ang laban ng dalawa.

Enchanted Academia: The Sorcerer's Stone ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon