Rafael Winston's Point of View
"Mama, ang balat ng batang si Amily..." bulong ko habang naluluha na nakatingin kay Amily.
"Oo anak. Hindi maiipagkaila na sya ang anak mo... Ang panganay mo na mag mamay ari ng Sorcerer's Stone." sagot naman ni Mama sa akin.
Lumakad kami ngayon ni Mama kasama si Papa pabalik sa Dean's Office. Iniwan na muna namin ang Monthly assessment sa kamay ng mga professors. Tahimik lamang na nakasunod si Papa sa amin ni Mama.
Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Amily noong panahong lumabas ang kapangyarihan nya.
Naiintindihan ko na kung bakit magaan ang loob ko sa batang yun. Kung bakit mabilis na napalapit ang puso ko kay Amily. Yun ay dahil anak namin sya ni Lydia. Ang babaeng tunay na minahal ko.
Flashback 18 years ago
"Mahal, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Lydia. Tinakluban ko ang mga mata ni Lydia dahil balak ko sana na isurpresa sya.
Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakataklob sa mga mata ni Lydia at laking gulat nya ng makita ang paligid na punong-puno ng mga alitaptap at sa gitna noon ay mayroong bangko at lamesa.
"Happy Anniversary Mahal..." bulong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.
"Happy Anniversary. I love you..." bulong nya rin sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag napapasaya mo ang taong mahal mo.
Matapos naming kumain ay pumasok kami sa isang maliit na kubo at doon na nangyari ang lahat.
Makaraan ang isang linggo ay ipinagpaalam ko sya sa kanyang mga magulang na magpapakasal na kami. Pumayag rin naman ang mga magulang nya. Sumunod na pinuntahan namin ay ang Papa at Mama...
"HINDI PWEDE! Rafael! Alam mong mayroon ng babaeng nakatadhana para sayo!" sigaw ni Papa habang kaharap kaming dalawa ni Lydia. Yumuko na lamang si Lydia kaya kinapitan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay.
"Pero Papa. Mahal ko si Lydia." mahinahon kong sagot kay Papa.
"Hindi maari!!! Lumayas ang babaeng yan sa harapan ko bago pa ako may magawang masama!" Sigaw ni Papa sa akin. Para mapaiwas sa gulo ay agad kaming lumabas ni Lydia sa bahay.
Lumipas ang isang linggo na hindi ko na muling nakausap si Lydia. Hindi ako pinalabas ng bahay nina Mama at Papa hanggang sa lumipas ang isang taon ay ikinasal na ako kay Cynthia Winsley kahit na labag naman sa loob ko.
Wala na akong nagawa dahil yun na ang desisyon ni Papa. Kahit si Mama na suportado ako ay walang nagawa.
End of flashback
Matapos ng kasal ko noon ay pumunta ako sa bahay nina Lydia at ang tanging nakita ko na lamang ay abo ng bahay nina Lydia. Ayaw ko mang isipin na si Papa ang may gawa nun pero mukhang sila nga.
Ayon sa mga kapitbahay nina Lydia ay namatay daw ang buong pamilya pero nabalitaan ko rin na may nakaligtas.
Nang makarating kami sa loob ng opisina ay nagsalita si Papa.
"Si Melody ang dapat maging successor ng bato at hindi ang batang yun!" nabigla kami ni Mama sa pagsigaw ni Papa.
"Pa! Anak ko si Amily! Sya ang panganay! Alam nating lahat na ang panganay ang magmamana ng Sorcerer's Stone." sabi ko kay Papa. Nanatiling tahimik si Mama.
"Pero hindi sya ang legal na anak! SI MELODY!" sabi ni Papa.
Hindi na ako nakapag pigil at nagsalita na.
"Sa loob ng maraming taon Pa, sinunod ko ang gusto nyo. Pinakasalan ko si Cynthia, nagkaanak kami at yun at si Melody. Buong buhay ko puro utos nyo ang sinunod ko Pa! Kahit ang babaeng mahal ko nawala sa akin, tapos ngayon, pati ba naman ang anak ko ay ipagkakaila nyo sa akin?!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academia: The Sorcerer's Stone ✔️
FantasyEnter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you accept the fate written for you? Date started: April 15, 2018 Date ended: June 03, 2018