Poetry #1

7 1 0
                                    

"Nasasaktan ako kahit na walang tayo"




Hi crush! Ako nga pala yung taong mahal ka, mahal ka kahit may mahal kang iba. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin na hindi ka pwedeng mapasa akin. Kaya kailangan kong tanggapin, tanggapin ang katotohanang ayaw ko sanang malaman dahil alam kong masasaktan lamang ang aking puso't isipan. Una palang kitang nakita nahulog na ang puso ko sayo, sa bawat pag ngiti mo'y ako'y parang natutunaw, sa bawat halakhak ng iyong tawa ang aking ngiti ay umaabot hanggang langit, sa bawat shoot mo ng bola ako'y napapatalon sa saya. pero bakit ganon? Kahit anong gawin ko hindi mo pa rin napapansin na mahal na mahal kita. Isang araw ng mabunggo kita sa classroom ang aking puso'y tumibok ng mabilis at napahinto ito ng sabihin mong "tumingin ka nga sa dinadaanan mo ampanget mo!" Ako'y napatakbo ng mabilis habang umiiyak na parang nakawala sa hawla dahil sa sobrang sakit na sinabi mo. Nakamukmok ako sa isang gilid ng marinig ko na may nagsalita ng "miss okay ka lang ba" huminahon ang aking damdamin ng marinig ko ang mala anghel na boses na iyon. Ako'y biglang tumayo at sinabi ko na "okay lang ako, salamat". Pangalawang araw Nang ako'y lapitan mo sa aking inuupuan ako'y parang mahihimatay dahil hindi makahinga, at bigla mong tinanong "pwede bang gawan mo ako ng project?" Napasagot ako ng madaliang oo! Dahil mahal kita! Tinapos kong gawin ang iyong project maghapon at magdamag, ako'y puyat na puyat na pumasok sa school alas nuwebe ng umaga. Nang makasalubong kita sa hall bigla mong tinanong "asan na yung project ko?" Agad kong inabot sayo ito kahit hindi ka man lang nag pasalamat.


Pangatlong araw na nakita kita may kasama kang iba at ang aking ginawang project na para sayo ay binigay mo lang sa iyong kasintahan na walang kwenta! Ako'y nagpakatanga para sa iisang lalaki na alam kong hindi mapapa sa akin! Ang puso ko'y parang dinudurog na di maipinta ang sakit, tiniis ko lahat iyon kasi alam ko namang walang tayo at crush lang kita.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon