Poetry #2

5 1 0
                                    

"Simula,Gitna, at Wakas."

Magumpisa tayo sa Simula
sa Simula noong tayoy di pa magkakilala
noong tayoy ibang tao pa sa isa't isa
yung mga panahon na
di ko alam na may isang Ikaw,
at di mo alam may isang ako.
Sa simula,
noong hindi pa natin alam kung ano ang tadhana
sa simula noong sa pag Ibig ay wala pa tayong ideya.
Sa simula na napaka simple
napaka inosente,
Sa Simula...
Ngayon dumako tayo sa Gitna
Sa gitna kung saan nagumpisa ang nating storya
Sa gitna,kung saan na tayo nag kita
Yung mga panahong nag kasalubong ang nating mga mata.
At sa hindi inaasahang pagkakataon doon ko nakita ang taong magbibigay ng buhay sa napaka simple Kong Simula. Oo,doon tayo nagumpisa..sa Gitna..
nag umpisa tayong maging magkaibgan
hanggang sa tayong naging magka ibigan.
Naging masaya ang ating istorya,
naging makulay at kakaiba.
Laging magkausap,Laging magkasama
na akala mo ay wala ng bukas para magkita.
Sabay na tumatawa,kahit sa simpleng bagay na wala namang Kwenta.
Dito sa gitna kung saan may mga pangakong sabay nating ginawa.
ito na yata ang pinaka magandang yugto sa istorya nating dalawa
ang yugto na napaka tamis,napaka kulay at napaka saya.
na akala moy di na mag wawakas.
Pero akala lang pala.
dahil sa isa isang istorya
ang wakas ay di nawawala.
ang dating tingkad ng kulay ay unti unting kumupas
ang dating tamis ay unti unting tumabang
ang dating saya ang unti unting nawala
Ito na.ito na ang parte na ayaw Kong mangyari.
kung saan ang mga pangako
ay unti unting napako
ang mga alaala ay unti unting naglaho
bakit kailangan pang dumating tayo sa gantong punto?
bakit kailangan pang wakasan ang istoryang ito?
Yung dating akala ko Tuloy Tuloy na
Pero hindi pala.
bakit kailangan pang magkakilala tayo
kung sa huli pala ay magiging ganito.
Masakit tanggapin Pero kailangan
Dahil alam naman natin na lahat may hangganan.
At lahat ng bagay,minsan
ay kailangan ding wakasan.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon