"Sayo ang I DO ko"
Sa araw-araw na ika'y nakikita
Tila nangungusap ang iyong mga mata
Ano ba ang iyong nadarama?
Sapagkat ako ay nababahala.
Lumipas ang mga araw
Ika'y muling natanaw
Akala ko ako'y naliligaw
Ikaw pala ay nanliligaw
Hindi ko sukat akalain
Pag-ibig mo'y naramdaman sa akin
Ang puso ko sayo na di namamansin
Ito'y nabihag mo din
Sa bawat oras na ika'y nakikita
Mga ngiti ko ay di maipinta
Ang puso ko'y tuwang-tuwa
Lalo na kapag kasama kita
Bawat minuto na tayo ay magkasama
Mga mata mo'y nakatitig lang sa aking mukha
Nakahawak ng mahigpit sa aking kamay
Habang sinasabing "may forever" dahil ikaw ang magpapatunay
Sa bawat matamis mong I love You
Talaga namang mapapa I Love You Too ako
Pag-iibigan sana'y di maglalaho
Sapagkat ako'y totoo sayo
Ngunit lumipas ang mga araw
Hindi na madalas ang iyong pagdalaw
Anino mo rin ay di ko matanaw
Bakit puso ko'y pangalan mo ang isiniaigaw
Ika'y lumisan ng di man lang nagpaalam
Hindi ko alam kung ano ang kasalanan
Ikaw pala ay may bago ng nililigawan
Paano na ang ating pagmamahalan?
Sana bago ka naghanap ng iba
Nag-usap sana tayo diba?
Kung pag-ibig mo sa akin ay wala na
Hindi naman kita mapipilit diba?
Handa naman akong palayain ka
Kahit gaano kamahal pa kita
Basta sana'y nagsabi ka kung ano ang problema
Marahil ang pagpapaalam mo'y matatanggap ko pa
Para ako'y nakapaghanda at puso'y hindi umaasa
Sapagkat napakasakit na ako na lang pala ang nagmamahal habang ikaw ay may bago ng minamahal
Pag-ibig na naramdaman sayo
O kay sakit ang ipinadanas nito
Na ang dating matamis na I Love You mo
Iba na ang nakikinig nito
Kaya kung ako'y magmamahal ulit
Mga pait at sakit ay hindi na mauulit
Maghinhintay ng lalaki na bubuo ulit
Sa puso kong iyong pinunit
Kaya sana sa lalaking muling magpapatibok ng aking puso
Makakapaghintay ka at tunay ang nararamdaman mo
Sapagkat 'pag sinagot ko sa iyo ang I LOVE YOU TOO
Sa harap ng madaming tao at kay Kristo
Ikaw ang lalaking sasabihan ko ng matamis kong "I DO".
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryThis is some Spoken Poetry that you can relate on. Enjoy reading ^~^ Started: 04-29-18(4:25pm)