"Natatakot ako"
Ngiti. Tawa.
Pagsulyap ng mga mata.
Mga bagay nakakatuwa.
Mga bagay na talaga namang mapapangiti ka
Kapag iyong inaalala.
Sa mga bagay nayan
Na dapat masaya lang
Na dapat kilig lang
Ay may iba akong naramdaman.
Teka lang.
Parang may mali, parang may hadlang.
Bakit may takot akong nararamdaman?
Oo, natatakot ako.
Natatakot ako na hindi na muling masilayan ang yung mga ngiti. Natatakot ako na hindi ka na makasamang tumawa muli.
At natatakot ako na kapag ikay inalala ko,
Mga luha na ang tutulo sa mga mata ko.
Kaya please lang.
Tama na.
Wag na ako.
Wag na ako, na nagmamahal ng totoo.
Wag na ako na ayaw mawala sayo.
Tigilan na natin ang kahibangang ito
Habang maaga pa. Tama na.
Utang na loob, Putulin na natin to.
Dahil ayoko nang dumating pa tayo sa puntong
Mamanhid ng tuluyan ang damdamin
dahil sa wasak na mga puso natin.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryThis is some Spoken Poetry that you can relate on. Enjoy reading ^~^ Started: 04-29-18(4:25pm)