Poetry #7

5 0 0
                                    

“ANG DULO”


Sa unti unti kong pagkasira, wala ng natitira
Pati sarili koy limot ko na
Bakit di mo man lang napupuna
Ikaw ang dahilan netong sakit,
Na dinudurog akong paulit ulit
Naalala ko pa ang mga ngiti mo sa tuwing akoy nasisilayan na tila baga’y isa akong pasalubong at ikaw ang batang paslit na sabik dito. Ang mga messages and chat mo na para bang gusto mo akong makausap hanggang sumikat muli ang araw. Ang mga lambing mong kahit na ampalay lalanggamin sa sobrang nakakakilig at nakakakiliti. Ang mga paghawak mo sa kamay na sumisimbolo na “isisigaw ko sa buong mundo, na akin ka’t sayo lang ako”. Sa isang iglap, naghalo na lang lahat.
Dumating yung araw na hindi ko kailanman hiniling at inasam. Iniwan ng walang paalam. Mahal, masakit. Bakit mo to ginawa sakin? Nasan ka na? Hindi ikaw yan, balik ka na.
Mahal, kung kumupas man ang mga larawang tayong dalawa ang tauhan, kung lumipas man ang mga ngiti sa ating mga labi na ang isat isa ang dahilan, kung tumakbo man ang oras na hindi na tayong dalawa ang magkasama, at kung malimutan mo na ang mga pangakong sa bituin ay ating binitawan, nais ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako. Nasaktan mo ako ng husto ngunit sa kabila noon ay mas napasaya mo ako.
Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin, na ang ating walang hanggan ay nagkaroon na ng dulo. Minahal kita, Mahal.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon