Chapter 16: Again and Again

158 2 0
                                    

A/N: Eto na po UD!! Sana po magustuhan niyo!! ^__________^

PS: Dedicated to Miss Akane. I love her works!!! :DD

       

~~~~~~~~~~~~~~

   

~Leah POV~

          

"Mom, dad, this is Leah Santiez. My girlfriend."

          

WHAT THE--??!!

        

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Girlfriend?? Ako?? Girlfriend niya??!! Anong girlfriend??!! Nadedeliryo na ba 'to??!!

       

Pabalik-balik na ang tingin ko sa lalaking katabi ko at sa mga magulang niya. Parang nagsta-staring contest sila. Then...biglang nag-smirk yung tatay niya.

        

Ilang segundo o minuto din na ganun, tahimik silang nagtititigan habang naka-smirk yung tatay niya. Siya naman, seryosong seryoso ang mukha at yung nanay naman niya ay seryoso din ang mukha. Ako naman, parang timang lang na nakatayo dito na hindi alam kung anong gagawin.

        

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako nung kanyang tatay.

          

"Siya ang girlfriend mo? Oh siya, maupo na kayo," sabi nito na naka-smirk pa rin.

           

Pro-protesta na sana ako na hindi ako girlfriend ng lalaking ito nang bigla niya akong hilahin paupo. Wala na rin akong magawa kundi maupo na lang. Seryoso pa rin ang mukha niya, naka-smirk pa rin tatay niya, pero yung nanay naman niya ay naka ngiti na ngayon.

         

"Hello, hija," bati sakin ng nanay niya.

          

"H-hello po, Mrs. Lee," sabi ko na lamang. Nakakahiya naman kung i-i-snub ko siya, diba?

          

"Naku, ano ka ba! Tita na lang ang itawag mo sa akin. Kung gusto mo nga, Mom na lang, eh," sabi ulit niya sakin.

          

"P-po? Naku, ano, amm, nakakahiya naman po. Hindi naman po ako g-girlf--" naputol na naman ang sasabihin ko.

         

"Ma naman. Girlfriend ko pa lang po siya, hindi pa asawa," sabi ng lalaking ito sa nanay niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napatingin din siya sakin at nginitian niya ako. As in yung ngiti na makakapagpalambot ng puso mo. Siguro matutunaw na ako kung hindi ako nakatingin sa mga mata niya. Nakangiti kasi siya, pero yung mga mata niya, parang sinasabi na maki-ride ako sa kanya.

         

At nainis ako dahil don. Ano ba?! Bakit niya ba sinabing girlfriend niya ako?! Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta dito?! BWISIT! Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari! At dun ako mas lalong naiinis!!!!!

          

Kung akala niya na basta ko lang siya susundin, pwes! Nagkakamali siya!!

          

Heartless Wind (Hindi Kita Dapat MAHALIN!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon