Chapter 18: Planado

150 2 0
                                    

Chapter 18: Planado

~Leah POV~

                           

"Andito na po tayo, ma'am," sabi ng driver ko pagkabukas niya ng pinto sa side ko.

                        

"Salamat," sagot ko naman.

                      

"Arigatou (thank you)," sabi naman ni Elle na kasunod kong lumabas. "Ne, Leah-chan (Uy, Leah)," sabi niya.

                                 

"Bakit?"

                         

"Watashi wa hontou ni kirei desu, na?" sabi niya sabay ngiti. (Ang ganda ko talaga, noh?)

                 

"Ha?"

                          

"Anata wa busaiku ja nai desu, kedo..." (Hindi ka naman panget, kaso...)

                        

Okay, medyo naiinis na ako. "Pwede ba, Elle, tigilan mo nga ako sa kaka-Japanese mo!"

                           

Eto kasing si Elle, nakahiligang manood ng anime nitong nakaraang linggo. Kaya, ayan. Alien na siya. Ang totoo niyan, naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Marunong din naman kasi akong mag-nihonggo. Kaso, wala lang, nakakainis lang. Alam niyo yung feeling na may kinakausap kayo nang Tagalog tas sasagot sa English? Parang ganun lang din.

                         

"Demo~~" (Pero~~)

                             

"Demo-demo ka diyan! Baka mamaya i-demo ko sa'yo kung gano ako kagaling sa martial arts," inis na sabi ko sa kanya.

                         

"Gomen~~ (Sorry~~)" sabi niya sabay ngiti ng malawak. Napa-buntong hininga na lang ako.

                             

Tumigil kami sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng pinaka pinto. Sabado ngayon at parehas kaming walang pasok ngayon. Ilang araw na rin ang nakaraan mula nung natalo ko si Supreme ng 7 Lords of Chaos. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko para ipahiwatig sa kanila ang balita.

                         

Matapos naman nung laban na iyon ay biglang nawala ang ibang members ng 7LoC sa school ng ilang araw. Minsan, pati yung lower members ng gangs nila ay AWOL. Tapos pa-iba-iba din araw-araw ang mga member na wala. Ang hula namin ay nag-re-research sila. Hinahanap siguro nila kung nasaan ngayon si Heartless Wind.

                          

At least, matapos nun ay mukhang hindi na nga nagti-tipon sa school grounds ang members ng gang ni Supreme. Hindi ko alam kung disbanded na nga, pero we haven't heard from them as gang members since. Siyempre, yun ay ang gang ni Supreme. Ibang usapan sa ibang gangs.

Heartless Wind (Hindi Kita Dapat MAHALIN!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon