Chapter 17: 1

151 2 1
                                    

~Leah POV~

 

Nagsuot ako ng baggy white short sleeved shirt, loose black yoga pants, and black converse rubber shoes. Tinali ko ang buhok ko. Isinuot ko na ang cap ko. Lumapit ako sa dresser at kinuha ang nakapatong don. Shuriken na may heart.

"Heartless Wind..."

Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa kin. Isang babae na naka black fit shorts, long fit black spaghetti top, and black combat boots. Naka-lugay ang kanyang buhok. May suot din siyang black mask that covers half of her face. Si Elle.

"Let's go, Ceaseless Rain," tugon ko.

Tumango si Elle. Naglakad na kami palabas ng secret room ko dito sa school. It's our vacant period, at napag-alaman namin na vacant din si Ricky Cole, isang miyembro ng Lucky 7.

Mali pala, dapat hindi Lucky 7 ang itawag ko sa kanila ngayon. It should be the 7 Lords of Chaos.

Oras na para simulan ang misyon na ibinigay sa akin ni Papa, at magsisimula iyon ngayon.

Nagtago kami sa may mga puno. Buti na lang at mapuno din itong campus. Usually, sa ganitong oras, ay pupunta siya sa library para doon tumambay. Inaabangan namin siya ni Rain (si Elle) sa labas ng library. Seperate building kasi yung library.

"Wind," bulong sa akin ni Rain sabay tango sa kanan. Ayun siya, naglalakad, mag-isa. Kinuha ko yung shuricken, at ibinato iyon.

*Thud*

Sakto, doon iyon tumama sa lupa na nadadaanan pa lang sana niya, directly in front of his feet.

"Supreme, one of the 7 Lords of Chaos," bati ko sa kanya sabay labas sa hiding place ko. Nakayuko lang ako para hindi niya makita yung mata ko pero ako, kita ko siya. Buti na lang din at walang dumadaan ngayon dito.

Napatingin lamang sa akin si Supreme. Hinihintay niya na ako ang unang magsalita.

"I, Heartless Wind of Death Cyclone, hereby challenge you, Supreme of Lords of Chaos," matapos kong sabihin iyon ay hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Sumugod na ako.

Susuntukin ko sana siya sa tiyan pero mabilis siyang nakailag. Umatras siya at humarap muli sa akin. Magsasalita sana siya pero sumugod ako ulit. This time, mas binilisan ko na. I swiped my foot para sipain siya sa legs, pero tumalon siya. Mabilis akong umikot at isinipa ulit yong paa ko sa ulo naman niya. Sapol.

"Sh*t!" napamura siya.

Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na maka-recover at sinuntok ko siya sa tiyan. Nakagalaw siya ng kaonti kaya hindi ganon kalakas ang impact. Malakas siya. Dapat hindi na siya nakagalaw pa matapos ko siyang sipain sa ulo.

Mabilis akong nag-duck nang subukan niya akong suntukin. Mabilis din akong tumalon dahil sisipain niya sana ako nung nag-duck ako. I grabbed his shoulders and fliiped myself over his head. Nag-landing ako sa likod niya at ibinalibag ko siya. Napa-bitaw naman siya sa akin at nag-back flip siya and he landed on his feet.

Kaso, bago pa siya maka-land sa paa niya ay tumakbo na ako papalapit sa kanya at itinapat sa leeg niya ang isang shuriken, tapos sa batok niya ay isa pa.

"H-how--"

"You have been defeated. Either disperse your gang or do not gather at this school again. Do not let your gang disrupt the peace of this school. Natalo ka, kaya dapat mong sundin ang mga kondisyon ko. Honor your loss. Goodbye, Supreme," at tumalikod na ako.

Tumakbo na ako sa mga puno at hinanap ko si Rain.

"Wind," bati niya sa akin.

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya. Nakakunot kasi ang noo niya at para siyang galit na galit, pero agad siyang ngumiti matapos ko siyang tanungin.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Ano, tara na? Alam ko namang nanalo ka, eh. 1 down, 6 to go!" masigla niyang tugon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kapag ganyan siya, ibig sabihin, hindi pa siya ready mag-share. Kailangan ko lang maghintay. Pero, oh well. Tama siya. 1 down, 6 to go.

~~~~~~~~~~~~~

A/N: SORRY KUNG LATE YUNG UPDATE. *bows head in shame* Sorry din dahil hindi magaling sa fight scenes si author. (v_v)7 But I just wanted to get that one out of the way, para maka-usad yung story. Gusto ko din sanang ipakita na hindi nakalimutan nila Leah at Elle yung mission nila. And incase na may nalilito:

Heartless Wind - Leah. "Wind" lang ang tawag ni Elle sa kanya.

Ceaseless Rain - Elle. "Rain" lang ang tawag ni Leah sa kanya.

Supreme - Ricky

Gangster names ang ginamit ko throughout most of the chapter kasi naka-gangster mode sila, eh. Hehe.

Dedicated to Robin Hood's Super Ian. I hope you find your happiness.

Living in Canada Fact:

#(I forgot which. hehe): You need 40 hours of voulunteering to graduate high school. As in 40 talaga. Parang marami, kaso may iba nga na nakaka-1000, eh! Grabeh! Wooh! Haha!

My cousin is born!!! YEHEY!!! He was born last July 14th, 2014. Welcome to the family, Teo!!

\(^_______^)/

Kamusta na nga pala kayo, diyan? Sana okay lang kayo. Huwag lang kalimutan mag-dasal! Glenda was just another obstacle that God gave us to help us be strong. Aja!

"It's more fun in the Philippines"

             -Glenda, Yolanda, and the rest (hehe...nabasa ko lang to sa FB)

Sino na dito nakapanood ng SDTG?? Maganda ba?? Okay ba?? Is it worth watching?? Iniintay ko kasi na ma-release dito, eh. Wooh! Excited!! Haha!

Okay, masyado na atang humaba ang A/N ko. Thanks for reading!! ^____________^

Heartless Wind (Hindi Kita Dapat MAHALIN!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon