Chapter 19: Bonding

138 1 0
                                    

A/N: Hello po! Here's the UD, longer A/U at the bottom. Enjoy! ^-^

                                         

+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~

                                     

~Leah POV~

                                        

Tiningnan ko ng masama si Elle pero nakangisi lang siya sakin. "Planado mo 'to." Hindi iyon tanong. Nakangisi pa rin na tumango siya. Nasapo ko ang aking noo.

                                

"Manong, paki-daan niyo po muna kami sa bahay," sabi ko sa driver.

                                      

"Naku, manong, huwag niyo po pansinin itong si Leah. Diretso lang po," sabi ni Elle.

                                 

Sinunod naman nung driver si Elle. Aaaaarg!!! Tiningnan ko kung may laman bang mapapagtiyagaan ang bag ko. Hindi naman ako nagdadala ng make-up kasi ayaw ko talaga sa make-up. Kaso, ayun nga, kailangan. Yung spare glasses ko nasa isa kong bag, pati yung spare na fake braces ko. May nakita akong elastic band. Agad kong hinati sa dalawa at itinirintas (ni-braid) yung buhok ko, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Kinuha ko rin yung panyo ko at ginawa ko siyang pa-triangle. Tinali ko yung dalwang dulo sa likod ng ulo ko para matakpan yung kalhati ng mukha ko. Okay na siguro yun para pagtakpan kung bakit wala akong brace. Malaki rin ang takip niya sa mukha ko kaya hindi na ganun ka-halata na wala akong pimples. Yung bangs ko ay tinanggal ko sa pagkaka-clip. Mahaba na siya kaya takip na niya yung mata ko.

                                 

"Wow, Leah. Ano ka, snatcher?" sabi ni Elle na tatawa-tawa. Titingnan ko sana si Elle ng masama kaso takip ng bangs ko yung mga mata ko kaya binatukan ko na lang siya.

                                   

"Sana kasi sinabi mo sa'kin para handa ako, hindi yung biglaan," sabi ko naman na naiintindihan pa rin kahit na may takip ako sa bibig.

                                     

"Eh bakit ka pa ba nag ganyan? Leah..." bumuntung-hininga siya, "mapagkakatiwalaan naman sila, eh. Ramdam mo rin 'yon, di ba?" Seryoso niyang tanong.

                                         

"Alam ko, Elle. Ramdam ko rin 'yon. Pero sana, pag sasabihin ko na sa kanila, ako yung magde-desisyon kung kailan o saan," tugon ko naman.

                             

Naging malapit na rin naman kami ni Elle sa kanila nitong mag-iisang buwan na nakalipas. Ramdam ko na mabubuti silang tao at mapagkakatiwalaan sila. Kaso, ayun nga, gusto ko na pag ipapakilala ko na sa kanila ang tunay na ako, gusto ko, in my own terms, hindi yung biglaang ganito.

                                 

Nag-buntung-hininga ulit si Elle. "Oh, ayan," sabay abot ng make-up kit. "May mga 15 minutes pa tayo bago makarating sa kanila, mag make-up ka na. Pero sana, Leah, masabi mo na sa kanila. Kasi, pansin ko na kapag kasama natin sila, you're able to show your emotions more. And I know, you've opened up your heart to them. That's a good thing, Leah. Nang hindi lang ako ang nakakakita ng tunay na ikaw," sabi niya. Hahanga na sana ako, kaso pagkatapos niyang sabihin iyon, nag-pouty lips siya. Haay...

Heartless Wind (Hindi Kita Dapat MAHALIN!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon