chapter 16_worse night

531 15 0
                                    

DENISE (pov)

narinig ko, nakita ko, nakita ko ang lahat ng pangyayari. kung paano tinanggihan ni erica si ivan, kung papaanong sinuyo at magmakaawa ni ivan kay erica. hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga oras na yun. peru isa lang ang pwede kong gawin .

Nakita ko na tumakbo palabas si erica at iniwang luhaan ang bestfriend ko, agad akong tumakbo at hinabol sya. agad ko namang nahawakan ang isang braso nya bago paman sya makasakay ng kotse. galit ako, galit dahil di ko alam ang rason kung bakit nya ginawa yun sa bestfriend ko.

"what was that for? bakit? bakit mo ginawa yun ? ha erica?"
Nanggagalaiti ako sa sobrang pagkainis ko sa babaeng to. Gusto ko syang sabunotan at ilibing ng buhay.

"bitiwan mo nga ako. just let me go."
Anu ba."
Pilit nya parin inaalis ang isang braso nya sa kamay ko. Wala akong pakiaalam kahit masaktan sya. galit ako eh. Galit ako dahil sinaktan nya ang mahal ko.

''alam mo ba kung gaano ka kamahal ni ivan? ha erica? minahal ka nya ng totoo at buong buo. kulang na nga lang hindi na sya umuwi para lang maibigay nya ang atention at oras nya sayo. Peru anong ginawa mo? iniwan mo lang sya. Wala kang kwenta."
sagad na ang inis ko sa babaeng to, kaya nasisigawan ko na sya.

"wala kang alam denise, kaya pwede ba wag ka nalang makialam ? problema namin to. bitaw.!"


nabitawan ko ang isang braso ni erica ng pwersahan nya akong itulak. Amazona din ang babaeng ito. kaasar. Tumama pa yun tagiliran ko sa side mirror ng kotse nya.

"idea? bakit? may alam ka din ba kung gaano nasasaktan si ivan ngayon? sinira mo ang buhay nya erica. Ikaw ang walang alam. Kahit ano pang rason mo, hindi mo na mababago ang lahat, sinaktan mo sya ng sobra.Sobra !

"bakit ? sa tingin mo ba sya lang ang nasasaktan ? tao lang din naman ako denise, may pakiramdam din, peru kahit ano pang gawin ko, hindi ko kayang ipaglaban si ivan, mas mahalaga parin sa akin ang yaman. Alagaan mo nalang sya. Total mahal mo naman sya diba ?

Pak!! di ko na napigilan ang inis ko at nasampal ko na ang makapal na mukha ng babaeng ito. sapo nya ang pisngi at umiyak.

"hanep ka din eh no? may gana ka pang sabihin lahat ng yan? wala kang konsensya erica. Ang tanga.x mo. Tarantada ka. Alam mo ba yun? wala kang kwenta."


"sabihin mo na ang gusto mong sabihin denise. wala na akong pakialam pa. kaya pwede ba, umalis ka jan sa daan kung ayaw mong sagasaan kita."
mabilis na pumasok si erica sa kotse at agad na pinaandar ang makina. Di talaga sya nagbibiro, malapit nya ng maipit ang paa ko kung di ako naka iwas agad.

Impokrita talaga ang babaeng yun. Paano ba sya minahal ni ivan? speaking of ivan, agad akong pumasok sa loob ng restaurant, baka kung ano ng gawin nun.

Nakita kong naka upo si ivan sa sahig habang yakap.x ang sarili. Halos madurog ang puso ko. Nasasaktan din ako dahil alam kung mas doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni ivan. Dahan.x ko syang nilapitan at niyakap.

"best, tahan na. magiging maayos din ang lahat. wala kang kasalanan. Nagawa mo na ang lahat. Wala sayo ang problema, kundi kay erica.

"best bakit? ano pa bang kulang? ano pa ba ang hindi ko naibigay? minahal ko naman sya. Nagsakripisyo din ako. Hindi ko sya iniwan kahit minsan nahihirapan na ako. Ang sakit best. Sobrang sakit."
Napahagolgol ulit ng iyak si ivan. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi ay ang icomfort sya. Kung iniwan man sya ni erica, ako hinding hindi ko iiwan si ivan. kahit alam kung wala akong puwang sa puso nya. Ayos lang, andito lang ako sa tabi nya ano man ang mangyari.


"wala kang pagkukulang best, mali lang talaga ang taong pinili mong mahalin. minsan, kaylangan din nating bumitaw. Malay mo sa pagbitaw mo mahulog ka sa tamang pwesto at masalo ng tamang tao. trust me best, kasi ako hindi kita iiwan. Andito lang ako best."


"alam ko best. Peru pagpasensyahan mo muna ako ngayon. Hindi ako makakatulog sa nangyari. Salamat sa lahat ng effort best, alam ko ikaw nalang ang masasandalan ko ngayon, alam ko ikaw lang yung mas makakaintindi sakin. Aalis muna ako. wag mo akong sundan, pakiusap lang. Gusto kong mapag isa denise."


Mabilis na nakaalis si ivan. Gaya nga ng sinabi nya, hindi ko na sya sinundan dahil alam kung gusto nyang mapag isa, peru alam ko din kung saan sya pwedeng pumunta. Isa lang naman ang naiisip ko. Sa bar, lulunorin ang sarili sa inumin at makikipag away nanaman, di na ako nag dalawang isip pa na tawagan ang isa sa mga tropa nya, si andrew.

---meet ANDREW WONG---

cool guy. Tinuturing na pinaka matanda sa groupo. Tahimik peru wag kalang magkakamaling kalabanin sya dahil di mo magugustuhan ang ganti nya. Genius peru chikSboy. marami ng napa ibig yan peru walang balak magseryuso. Matangkad, maputi, matco.
half korean pure handsome.

"hellow andrew? bungad ko agad sa kabiling linya. Mabuti na lang at nasagot nya agad ang tawag ko.

"denise? ikaw ba to ? himala naman, oh bakit ka napatawag?"
minsan sa isang buwan lang kasi ako mapatawag kay andrew, pag incase of emergency lang, pag may itatanong ako tungkol kay ivan sa kanya lang ako Lumalapit.


"andrew, si ivan, Hanapin mo naman sya ohh, may hindi kasi magandang nangyari eh. please hanapin mo sya, baka kung ano ng gawin non, wala sya sa tamang pag iisip sa ngayon Andrew. baka mapano sya."
halos di ako mapakali, para akong baliw .Kanina pa palakad at pabalik balik ang ginawa ko, di ako mapakali at pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Dyos ko, wag naman po sana.



"just calm down ok? sige hahanapin ko si ivan, ako na ang bahalang mag sabi sa tropa. Tatawagan kita pag nahanap ko na sya .Sige bye, magpahinga ka muna."



Napabuntong hininga nalang ako. Naisipan ko munang umuwi para makapag palit ng damit, di pa pala ako kumain. Hayyy, ivan ano ba kasing nakita mo sa babaeng yun na wala sa akin? kung ako nalang sana yung mahalin mo ehh. siguradong di ka masasaktan.



Tokwa. Epekto naba ito ng gutom? kinakausap ko nanaman yung sarili kong mag isa. maka uwi na nga lang. peru di parin maalis ang kaba sa dibdib ko, sana ayos lang si ivan.



After a minute naka uwi na din ako. di ko na pinansin yung mga tao dito sa bahay, diretso lang ako sa kwarto .kung nalulungkot man ako sa buhay ko ngayon, meron parin palang mas malala pa ang kalungkutan kesa sa akin, ang bestfriend ko.



agad akong napasalampak ng higa, ang daming nangyari ngayong araw na ito .Ang araw na pinaka malungkot, ou mahal ko si ivan peru hindi ko makuha maging masaya dahil wala na sila ni erica .nalulungkot din ako sa tuwing nakikita ko na malungkot si ivan .
sa sobrang kabaitan ko napapabayaan ko na ang sarili ko.




unti.Unti na akong dinadalaw ni antok. Bakit hindi parin tumatawag si andrew? ano na kayang nangyari kay ivan? sana ayos lang sya .







#itutuloy..
Nag loloko yung wattpad.Minsan yung na update ko nawawala..Hayy .
Hope you like it po .

i'm secreatly INLOVE with my BESTFRIEND (denise💏ivan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon