XIII: Three Heads of the Hydra: Black, White and Frostbyte

1 0 0
                                    

WOLFSBANE

Pagkadating sa Wild Flower ay tumambay kami sa itaas at naupo sa couch. Nakakapagod ang biyahe ngunit masaya naman. Medyo natakot nga lang si Hemlock kanina kaya napili niyang magtago na muna sa kanyang laruan. Come to think of it, naalala ko yung teddy bear na nasa kuwarto ko, sa kanya rin ito ngunit ito ay purong puti, 'di gaya ng bago na pula at puti.

Hemlock was curled in a ball as he embraced the life-sized teddy bear he won earlier this morning, para siyang isang tuta na nilalasap ang piling ng kanyang ina. Napaka cute, mehehe.

"So, about your friends..." Pagsisimula ko. "Alam ba nila ang address? Klaro na ba lahat?"

Tumango lamang siya. "Naibigay ko sa kanila ang kumpletong address ng café. Ang sabi rin nila ay may suot silang dalawang gintong pin at sila ay nakasuot ng itim at puting mga suit. Tatawagan nila ako kapag nandito na sila."

"Talaga bang 3:00 PM sila dadating?" Tanong bigla ni Castor habang pinapatong ang kanyang libro sa mesa.

"Oo. Eksaktong 3:00 sa orasan sila tatawag. Let's do a bet, mag-alarm kayo nang 3:00 at kapag tumonog na ito ay sabay na tatawag sila. Deal?"

"Nevermind." He touched the bridge of his glasses. "Nasabi mo na rin naman kanina na hindi sila late or maaga. Always on time."

"Ok." Hemlock curled into an even tighter ball, squeezing the life out of his cottony friend if it ever had one.

It's already 2:54 at nag-enjoy muna kami ng isang meal sa rooftop. Truly, we deserve being given 5 stars. Such exquisite ingredients were chosen to bring everyone the perfection  they're looking for.

"Nga pala, Hemlock." Ibinaba ko ang aking tinidor sa maliit na platito nang makasubo ako. "Hindi ka pa nakakagawa ng ice cream tulad ng suggestion mo last week."

He playfully licked his silver teaspoon like a serpent flicking its tongue. "I was waiting for the ingredients."

Napataas ako ng kilay. "Ingredients? Meron naman tayo diyan sa baba, ah?"

"Oh, no, no, no." Humigop muna siya ng kanyang 'black' tea bago itinuloy ang pagsasalita. "The ingredients I'm waiting for came from a high-quality organic farm run by their mom. Therefore, just like yours, their ratings were also very world class in terms of freshness and taste."

I nodded in satisfaction as I sipped my own tea. "Marvelous, Hemlock."

Kasabay ng pagtunog ng alarm (na ako ang nag-set) ay ang pagtunog ng cellphone ni Hemlock. Bago niga sagutin kung sino ang tumatawag, nakita kong Ivir ang pangalan ng caller. Not late nor early, on time. Gaya nga ng sinabi niya.

"Ivor? Oh! How are you? Hmm? So you're waiting outside? Perfect. Wait there." He ended the call and went downstairs. Sumunod kami upang makilala ang kanyang mga kaibigan habang nagpaiwan si Castor. Hindi interesado at piniling magbasa.

Mula sa see-through na glass doors ay nakita kong may dalawang figure na nakatalikod. Ang isa ay naka-puti habang ang isa ay naka-itim. Mas matangkad ang mga ito kaysa kay Hemlock at Bella ngunit mas matangkad parin ako nang kaunti.

Binuksan ni Hemlock ang mga glass door at humarap ang dalawang pigura. Ang isa ay may puting buhok at puting suit habang ang isa naman ay itim ang buhok at itim naman ang suit, magkamukha rin sila. Pareho silang may dalawang pin sa collar ng kanilang mga suot. Isa ay ang ulo ni Medusa habang ang isang pin naman ay ang ulo ng Hydra. Totoo pala ang sinasabi ni Hemlock na may Hydra sa organization na pinagtatrabahuhan namin.

"It's nice to meet the both of you, Ivor and Ebon! Come in, please. Have a seat." He stepped aside and welcomed his friends whom he met for the first time. They returned greetings with a warm smile as well. Mukha namang mabait din sila.

Wild FlowerWhere stories live. Discover now