Chapter 6 (Cake)

14 11 0
                                    

  
 
 

Roanne's POV :
 
 
 
  
 
"Kyaaahhhh!!!!! Talaga!? Omo bessy im so happy for you!! Totoo ba talaga lahat nang sinabi mo!?" natutuwang sabi ni nica at hindi makapaniwala.
 
"Wag ka naman masyadong maingay bessy. Tsaka, Oo kaya no. pero mali ang iniisip mo, masungit padin sya sakin. Pero minsan hindi ko alam kung may pagka bipolar ba sya kasi minsan mabait tapos maya maya masungit nanaman sya." nahihiyang sabi ko.
  
   
Nandito kami ngayon ni nica
sa field at pumunta kami
sa malaking puno, na madalas naming pagtambayan sa
university ni nica. Walang
masyadong napunta dito dahil
ma aarte ang ibang mga
students dito sa CU. Kaya
naman maganda ang ambiance
nang lugar dito, dahil wala masyadong tao at sariwa
ang simoy nang hangin.
 
Kinuwento ko sakanya lahat ang
nang yari sa akin kahapon, at
kung ano ang mga naganap
nang makasama ko si jk kagabi.
Oo na! Sabihin nyo assuming nanaman ako? Oo!! Hindi
naman totally kasama dahil
di naman ako pinapansin
masyado, pero atleast may
maganda akong experience na kasama sya at nangyari at
naroroon sya kyaa!!.
 
 
"Ano kaba bessy! Nag iinarte ka pa sa lagay nayan? Eh samantalang yung iba haha!! Itinataya ang kahihiyan nila mapansin lang sila ni jk, at wala silang pakialam kahit mapahiya sila. Samantalang ikaw nag iinarte kapa! Eh ang swerte swerte mo nga kasi walang nakakaalam sa mga ginagawa mo eh, at pagpapahiya nya sayo." natatawang sabi niya.
 
"Hindi naman sa ganun nica. Kaya lang kasi nasasaktan ako pag pinaparamdam niya sakin na hindi naman ako importanteng tao" may hinanakit na sabi ko.
   
 
"Bessy ganun talaga siya wala kanang magagawa pa kung ganun talaga yung ugali niya kasi yun na talaga siya" sabi naman ni nica.
 
"Hindi bessy! Alam ko na tinatago niya lang yung tunay na siya." desididong sabi ko naman.
 

Alam ko na may paraan
pa para lumabas ang tunay na nararamdaman nya, dahil
nakikita ko na sa bawat hindi niya paglabas nang totoong nararamdaman niya, ay lalong nadadagdagan ang sakit na
Bumabalot sa puso niya. kaya pinipilit niya nalang itong
hayaan at kalimutan kung
ano man ang sakit na iyon.

kaya siguro cold guy si jk
dahil sa kalungkutan. Hindi
ako susuko sa pagmamahal
ko sa kanya, dahil alam ko sa
sarili ko, na sa bawat sakit na mararamdaman nya ay
dobleng sakit na mararamdaman
ko, kaya simula ngayon kahit
anong pagtataboy pa man
ang gawin niya sa akin, mas lalo
ko siyang mamahalin.
 
dahil si jk smithens ang dahilan
kung bakit ako sumasaya, kaya
naman ako si roanne saldivar
ang magpaparamdaman ulit
sakanya kung ano ba talaga
ang tunay na nararamdaman at
kung ano ang tunay na kaligayahan.
 

<<< Flashback....
  
 
Nagising ako dahil sa tunog nang phone ko. Pero nung sasagutin kona sana ay biglang nag call ended. Sakto namang nagtext sakin na wala nadaw akong load.. Hayss ganun ba talaga ako kamalas?. Nang makita ko ay saktong 5 na pala nang madaling araw kaya napagpasyahan konalang na bumangon para makapag handa sa pagpasok sa CU. Ano na kayang ginagawa ni jk? Makalabas nanga.
 
Pag baba ko naman sinalubong ako ni manang lilia.
 
 
"Oh iha gising ka na pala? Sabayan mo na si ser jk sa pagkain." sabi ni manang.

"Ganun po ba? Ano po bang oras nagising si jk?"
 
"Mga 4:30 iha, sabi nya nga wag na daw po kayong istorbohin sa pagtulog. Pasensya kana ha hindi ko kasi alam na may pasok karin pala" nahihiyang sabi ni manang.
 
" nako wag po kayong mag alala okay lang po iyon naiintindihan ko, tsaka pwede po bang wag nyo po akong ituring na nakatataas sa inyo wag napo kayong mangopo manang lilia" sabi ko naman sa kanya.

"Nako iha parehas na parehas kayo ni sir jk, dahil ayaw nyang tinatawag ko syang sir.jk nalang daw dahil itinuturing nya daw akong ina dahil ako nadin ang nag alaga sakanya simula nang mamatay ang mga magulang ni sir jk"

  
Nagulat naman ako sa sinabi ni manang.
 
 
"Ho? Wala na po syang mga magulang?" hindi makapaniwalang sabi ko.
 
"Nako! Iha siguradong malalagot ako nito kay jk. Maaari bang wag mo nalang sabihin sakanya ang nalaman mo?" nag aalalang sabi ni manang.
 
"Opo naiintindihan kopo manang." sabi ko naman.
 
"O siya sige aalis nako dahil may gagawin pa ako. Maraming salamat iha napaka bait mo talaga"

"Walang ano man po manang" nakangiting sabi ko sakanya.

 
 
                         ***

 
 
Nandito kami ngayon ni
jk sa sasakyan nya. Pagkatapos
kong malaman na wala na
pala ang parents ni jk parang
hindi ko malaman kung ano
bang sakit na nararamdaman
ko. Alam ko kung gaano kasakit
yun dahil kahit ako hindi ko
kayang mawala sila mom at dad. Nakakalungkot isipin na ganun pala ang pinagdadaanan ni jk.
 
Hininto ni jk ang sasakyan nya malapit sa CU.
 
 
"Get off in my car" he said seriously.
 
"huh?" nagtatakang sabi ko naman.
 
"I do not want them to see us together. especially if you are the girl with me." he says while looking straight.
 
 
Alam kong masakit ang
sinabi niya pero bakit parang
hindi naman ako mahalagang
tao. Naiiyak ako pero
pinipigilan ko ang mga luhang
gusto nang makatakas sa
mata ko. Bumaba na agad ako
at tumalikod muna sa
sasakyan. Hindi ko muna
sinara ang pinto, huminga
muna ako nang malalim at
saka humarap sa kanya.
 
 
"Is that so? By the way thankyou so much for everthing. Siguro kundi dahil sayo wala akong matutuluyan kagabi ang laki nang pasasalamat ko sayo. Alam mo siguro na may feelings ako para sayo, kaya naman kahit anong sabihin mo sakin hindi padin ako susuko sa nararamdaman ko para sayo jk" Then I smiled and closed the door of his car. and turn away.
 
 
Naramdaman ko naman ang pag alis nang sasakyan niya at muling sinilayan ko iyon.
 
 
"I promise you that you will never be alone again and will try to make you happy somehow. You will also learn to love me." I smiled as I looked over his car.
 
 
<<<<<<End of flashback
 
 
Napagpasyahan namin ni nica na mag ikot ikot sa CU pero nakita namin si jk at kien naglalakad sila pero bigla nalang may dalawang babae na lumapit at hinarang silang dalawa, bully sila sa school kaya kilala ko sila. Bukod sa kaartehan lang ang alam puro pagpapaganda lang at pagyayabang lang ang ginagawa. kaya naman napahinto sila jk. Seryosong nakatingin lang si jk sa dalawang babae habang may inaabot na nakabalot.
 

"Ah--hm jk tanggapin mo sana tong cake na binake ko for you pinag hirapan ko talaga yan para sayo sana magustuhan mo please!" lakas loob na sabi nang babae.
 
Alanganin namang tumingin si kien kay jk.
 

"let's go. I have no time for that." walang emosyong sabi ni jk at bigla na silang nag lakad. kaya naman natawa ako.
 
Hahha buti nga sakanya. Akala mo kase kinaganda niya yan. Akala niya ba mapapansin siya ni jk?. Porket maganda siya?. Tss puro make up lang naman sa muka.
  
Pero nagulat ako nung hinabol nya sila jk at hinawakan si jk sa kamay. Argghhhh ang kapal!
 
"Omg bessy ang landi nya ohshizz hinawakan nya pa ang kamay ni jk." gigil na sabi ni nica.
   
 
Kaya napahinto ulit si kien at jk.
 
"Don't touch me. and throw it away. because I'm not getting anything from you, especially for those who like you." at marahas na inalis ang kamay ni sandra at umalis na.
 
 
------------------------------------------------
 
Why so sunget jk my loves?
 
Yay... Tapos na ulit.❤
 
 

&quot;The True Happiness&quot;Where stories live. Discover now