Rane’s POV
*RING RING RING*
‘6:30 na pala.’ Pinindot ko ang alarm clock. ‘Ang ingay naman nito. Salamat at Lingo ngayon.’ Gumising ako at pumunta sa bintana.
“Magandang umaga San Rosa!” pagbati ko sa bayan namin. Pumunta ako sa banyo ko at ginawa ang lahat ng kailangan kong gawin, nagbihis ako at pumunta sa kainan namin.
“Magandang umaga Jane.” Bati sakin ni papa, Jane ang tawag niya sakin, habang naka-basa siya sa newspaper niya. ‘Ano bang nasa iyon na naging interesado si papa? Di bale si papa lang ang makakaalam.’
“Magandang umaga papa.” Bati ko din sa kanya sabay may halik sa pisnge, bait ko kasi.
“Gising kana pala Rose?” Sabi ni mama sa likuran ko at Rose naman ang tawag niya sakin.
“Magandang umaga mama.” Hinalikan ko din siya.
“Oo nga pala, Jane lalabas pala kami.” Sabi ni papa. Hindi niya parin nilalayo ang tingin niya sa newspapaer niya. ‘Ano ba talaga ang binabasa niya?’
“Sige papa.” Sabi ko sabay kain sa niluto ni mama. Oo luto ni mama, meron naman kaming mga yaya pero gusto ni mama na siya ang nagluluto ng pagkain namin at ako naman ang naglilinis at minsan nagluluto dahil gusto ko at para sakin, parang exercise na yun.
“Honey late na tayo. Lalabas na kami anak. Ingat kayo.” Sabi ni mama sabay lagay ng jacket niya at kinuha niya ang kay papa.
“Bye ma. Bye pa” sabi ko. Kumaway sila sa akin at lumabas. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong maglinis. ‘Asan ba yun, akala ko nandito lang yun.’ Pagkatapos ng limang segundo ay nakita ko na sa wakas ang walis at naglinis ako.
PAGKATAPOS NG APA’T NAPUNG MINUTO
‘Salamat sa Diyos natapos ako.’ Pagakatapos kong ilagay ang walis ko ay gumising ang aking dalawang kapatid na sina Rexxie at Rianne.
“Magbihis na kayo at kumain. Lalabas daw kayo ni Shaun at ni Steven.” sabi ko sa kanila.
“Totoo?” tanong ni Rex sakin.
“Oo naman, kelan ba naman ako nagsinungaling sa inyo.” Sabi ko na parang nasaktan.
“Ate naman, hindi naman sa ganon. At Ate, pwedeng hindi mo sabihin kina mama at papa?” pakinabang ni Ria.
“Oo ako pa.” pagsang-ayon ko. Pagkasabi ko nun ay niyakap ko sila.
“Sige ate maligo muna kami at magbihis tsaka kami kakain.” Sabi ni Rex.
“O sige, ako muna ang magluluto ngayon.” Sabi ko.
PAGKATAPOS NG DALAWANG ORAS
“REX! RIA! Handa na ang pagkain!” tawag ko sa kanila.
“Teka lang ate!” sagot nina Rex at Ria. Makalipas ng dalawang segundo lumabas silang dalawa sa kwarto nila, bumaba sa hagdan at pumunta sa kainan. Nakita nilang may itlog, bacon, hotdog, tinapay at kanin sa lamesa. Parang nalalaway sila sa niluto ko.
“Ang sarap naman sa agahan natin ate!” sabi ni Rex.
“Halina’t kumain na kayo.” Sambit ko.
“Ate, napansin ko wala pa sina mama at papa dito sa kainan.” pag sambit naman ni Ria.
“May lakad kasi sila ngayon kaya nagpaalam sila sakin kaninang umaga.” Sabi ko.
“Anong lakad?” pagtanong sa kambal.’ Ang cucute talaga!’.
“Hindi ko rin alam, hindi kasi nila binanggit sakin eh.” Sagot ko.
“Anong oras ba sila babalik?” tanong ni Rex.
“Parang mamayang gabi? hindi ako sigurado.” Sabi ko.
“Kain na tayo.” Pagsambit ni Ria. Pagkasabi ni Ria nun ay kumain kami habang nag-uusap ng mga pambabaeng usapan.
Sa gitna ng aming usapan ay dumating si Josh na magulo ang buhok, nag boxer at walang pang-itaas, halatang bagong gising palang siya.
“Ate Rexxie si Kuya Shaun tumatawag sa cellphone mo, nagriring sa room niyo ni Ate Rianne.” sabi ni Josh.
“Bakit----” hindi natapos ang tanong ni Rex kasi sinagot na ni Josh na parang alam niya na magtatanong si Rex.
“Ang halata naman sa ringtone mo Ate na si Kuya Shaun yon at tinignan ko rin sa loob at nakitang si Kuya Shaun talaga, at Ate.. dalian mo kasi parang kanina palang siya tumatawag sayo.” Bangit ni Josh. ‘Ang talino talaga niya sakin nag mana.’
Pagkarinig ni Rex sa sinabi ni Josh ay kinuha niya ang kamay ni Ria, na kumakain pa, at tumakbo patungo sa kwarto nila.
“Josh halika, kumain kana.” Pag-ani ko.
“Ate Rane may lakad pala kami ni Sabrina mamaya.” Pag paalam ni Josh.
“Sige, ingat kayo mamaya.” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-iibigan ng Magkaibigan [ON HIATUS]
ChickLitSa malayong lugar ng San Alfonso, may isang babae na pinapangarap na sumalo sa kanya ang mahal niya, pero alam mo naman ang buhay may ibang plano, gaya ng plano niya kay Rane. Ito ang kwento na sumasalaysay sa kuwento niya at kuwento na rin sa mga t...