Rane’s POV
“Pupunta tayo sa… Amusement Park!” sabi ko na nga--- teka Amusement Park, hindi naman yun nakaktakot ah, alam ko kung ano ang pinaplano nila.
“Talaga?” tanong ni Maganda o, para samin, May.
Oo Maganda, yan kasi ang nickname ni Karen sa school, sakin naman Supladang Ganda o SG, kay Har o Mel- Goodie, kay KJ o Kurt- Player, kay JJ o John- Joker, kay Jade o Jhing- Seryosang Bruja o SB, kay Tay- Brains at kay Lem o Luke naman Leader.
“Oo naman kami pa.” sabi nilang tatlo ng sabay at meron ding pa gwapo effect nila na hindi naman talaga umeeffect samin kahit si Lem hindi talaga umeeffect. Oo gusto ko si Lem, o si Luke Ethans Montefalco, mabait, gwapo, responsable at rumerespeto sa iba.
“Alam ko, may pinaplano kayo noh?” Tingin ko sa kanila na parang nakamamatay. Tinignan nila ako at parang na-drop ang smirk nila.
“Wala ah kami pa, hindi naming gawin sa inyo yun.” Wika ni KJ na nagpapa-gwapo pero hindi yan e-effect kasi hindi ko siya gusto.
“Hindi yan e-effect sakin at alam mo yun KJ. At may iba din akong gusto. Back to the topic anong plano niyo?” alam niyo kung ano ang reaction ni KJ, o si Kurt Jeydon Mendoza, yung mukhang parang na-offend at relieved sa sinabi ko.
“So, ano ba talaga ang plano niyo?” parang nasa side ko ang girls. Go Jade! O Jhing Jade Aguilar.
“Parang may mangyayari mamaya na hindi namin gugustuhin.” Go May! O Karen May Blanco.
“Oo nga!” kahit si Har, Mel Harmony Saavedra, ay lumalaban.
“Speak up na boys.” Girls Salamat kahit ikaw Tay, Lisa Taylor Dwaine, Salamat.
“Sige nah, oo may plano kami pero hindi nakamamatay patakot lang.” JJ, John James Aguilar, ang innocent emo pero laging nagpapatawa akala mo green minded.
“Aish, saang Amusement park tayo pupunta?” tanong ko, 12:40 na kaya.
“Sa Flores Amusement Park. Isang oras at limang minuto lang ang oras ng biyahe, at dinala na din ni Lem ang van nila pati narin ang lamborghine nni KJ. Kaya wala na kayong abalahin pa, kami na ang bahala sa inyo.” Sabi ni JJ, o si John James Aguilar ang kakambal ni Jade.
Ang sumakay kay Lem ay si May, Har, Tay at ako. Kay KJ naman ay sina JJ at Jade. Ako yung nasa passenger seat.
Pagkarating namin ay 1:45 na at meron pang nakatulog, si Har, kaya ginising namin.
Yung hapon na yun pumunta kami sa Amusment Park at sumakay sa iba’t ibang sasakyan. Pagkatapos nun pumunta na din kami sa isang restaurant dahil gutom na daw si JJ kaya ayun.
Ngayon nasa bahay ako, sa kwarto ko, nasa kama kong queen sized. Kung nandito ka sa room ko alam mo kung ano ang favorite color ko, kasi ang wall ko black tsaka may maliit na pink, ang kama ko naman pink ang habol at white ang unan, may pintuan na white na nagtutungo sa bathroom ko na pink lahat, tabi nito meron ding pintuan na black naman color nito kaya ma ibahan mo sila ito naman yung walk-in closet ko na ang daming damit iba’t ibang klase ng outfit at iba’t ibang kulay, ang study table ko naman, pink at black yung lalagyan ng gamit, ang study table ko ay yung parang make-up table na may lights sa gilid at ang laman ng mga box na yun ay mga make-up stuff ko at notebooks para sa school. May flatscreen TV ako at XBox kaya hindi ako ma bo-bored dito atsaka may AC.
Tinignan ko ang phone ko na Oppo, may tatlong phone kasi ako ang isa Oppo F5, ang isa naman SAMSUNG Edge, at ang isa IPhone 10, at nagtext kay Lem.
Ako: Hi Lem. May klase ba bukas?
Lem: Oo meron, hindi ka ba nakinig sa teacher natin nung biyernes?
Ako: Natulog kasi ako. Hehehe.
Lem: Wag mo akong Hehehe-yan dyan alam mong importante ang edukasyon. Matulog kana para hindi kana matulog sa klase at para magising ka ng maaga.
Ako: Oo naman atsaka maaga naman ako kahit hindi sapat ang tulog ko. Night Lemmie.
Lem: Oi wag mo akong tawagin ng ganyan /(‘>_<)/, Night din (•?•).
Pagkatapos nun ay naglog-out ako at natulog habang nag-iisip sa ka-chat ko kanina.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-iibigan ng Magkaibigan [ON HIATUS]
ChickLitSa malayong lugar ng San Alfonso, may isang babae na pinapangarap na sumalo sa kanya ang mahal niya, pero alam mo naman ang buhay may ibang plano, gaya ng plano niya kay Rane. Ito ang kwento na sumasalaysay sa kuwento niya at kuwento na rin sa mga t...