KABANATA 2

3 0 0
                                    

Rane’s POV

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama habang kumakain si Josh. Ilang segundo ang lumipas at sinagot na rin ni mama ang tawag ko.

“Hello?” sagot ni mama.

“Asan kayo ma? Hindi ko kasi natanong kanina.” Tanong ko kay mama. Pagkasabi ko nun ay pumunta sa kaniyang sariling kwarto si Josh.

“Nandito kami sa mansion ng mga Montefalco.” Sagot ni mama sa tanong ko.

“Bakit naman?” Alam kong pupunta naman sila sa ibang lugar kasi ganyan naman palagi pero alam ko, alam namin na mahal talaga kami nila mama at papa.

“Pupunta kami sa U. S., may aasikasuhin lang na mga document, alam mo naman kami ng papa mo, ang bubusy namin para may ma-pagmalaki kayo sa mga kaibigan nyo at para narin sa mga kinabukasan ninyo.” Ang sweet talaga ni mama.

“Oo naman ma, ako pa. Sige ma ingat kayo ni papa mag bihis pa ako, lalakad din kami ng barkada ko.” Sabi ko ni mama.

“Ang mga kapatid mo? Asan sila?” patay hindi pwedeng malaman ni mama, aha alam ko na.

“Ang kambal pupunta ng mall. Si Josh naman ay may lakad din mamaya kasama si Sabrina.” Sabi ko kay mama. Open kasi si Josh at Sabrina at hindi naman nagalit sila mama kaya yun.

“Sige ingat kayo. Aalis na kami, wag kayong magpasayaw. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Babalik kami after 2 months, pagkatapos namin dun sa U. S. doon naman kami sa Tokyo, Japan.” Sabi ni mama, hindi ko pala nasabi, si mama ay murunong ng Japanese, Korean, French, Spanish at Chinese. Si papa naman ang fluent ng Japanese, Chinese, Korean, Spanish, Germanian, French, Europian at Cebuano.

“Sige mama, Te’ amo.” Sabi ko, well excuse me fluent din ako ng Spanish, French, Japanese, at Korean.

“Nado saranghae Rose. Bye.” Sabi ni sabay hung up sakin.

Tinignan ko ang phone ko at nai---

“Ate lalabas na kami. Bye.” Paalam ni Rex sakin sabay labas ng pinto kasama si Ria. Hai yung dalawa na yun, hindi talaga sila nag babago.

“Ako din ate naghihintay na si Sabrina sakin.” Paalam ni Josh sakin habang pinasok niya ang phone niya sa bulsa niya.

“Bye, ingat kayo. At Josh.. Remember to use protection.” Payo ko sakanya, habang namumula siyang nag aayos sa sapatos niya.

“Hindi naman kami ganyan te grabe ka naman. Bye.” Paglabas niya ay na realize ko na ako lang isa ang nasa bahay, dahil ang aming mga katulong ay umuwi hangga’t bukas.

“Ako nanaman ang nag-iisa dito. Hay Forever Alone. Teka parang may nakalimutan ako. Tatawagin ko muna sila May.” Sabi ko sabay dial ng number ng kaibigan kong maganda.

*DIALLING*

“Hello Rane, asan kaba naghihintay na kami sayo. Wag mong sabihin nakalimutan mo?” Teka bakit alam niya.

“Hindi ah palabas na ako.” Pagsisinungaling ko habang papunta ng room ko.

“Alam kong papunta kalang sa room mo dahil nandito kami labas ng bahay niyo.” Shoot, hindi successful ang alibi ko. Kinuha ko ang itim na croptop ko na may naka sulat na ‘Never Gets Old’, puting shorts na may maliit na design na gold, inilagay ko ang buhok ko ng isang messy bun at pumunta sa pintuan at kinuha ang itim at puting Converse ko, at lumabas, and of course ni-lock ko ang pintuan.

Nakita ko ang barkada ko na nakatitig sakin. Pero hindi yung titig na naiinis, yung tipong relieved sila na nakalabas na ako.

“Tayo na, ano ba kayo. Asan ba tayo lalakad?” hindi ko naman talaga alam kung saan kami patungo sila, Luke, John at Kurt, lang ang naka-alam kasi sila lang ang nag smirk habang kaming mga babae ay nag dududa kung saan kami pupunta pero lama naming isang lugar na hindi namin magugustohan dahil sa mga ngiti nila.

“Pupunta tayo sa…”

Ang Pag-iibigan ng Magkaibigan [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon