KABANATA 4

1 0 0
                                    

Rane’s POV

*RING RING RING*

‘Ang ingay naman sa alarm ko!’ In-off ko ang alarm at tumayo. Kinuha ko yung phone ko at chinarge yun. Pumunta ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nun ay sinuot ko ang uniform ko at tinignan ko ang itsura ko sa full body mirror ko. Oo nga pala, ang uniform naming ay parang sa anime lang, maiksi at blue ang palda habang maputi ang blouse namin at pula na ribbon. Sinuot ko ang medyas kong maputi na hanggang sa hita ko, inayos ko ang buhok ko at inilagay ko sa isang pony tail, nag polbos ako at nag lagay ng maliit na lip tint sa labi at pisnge ko. Kinuha ko ang phone ko na naka-charge at lumabas ako sa kwarto ko. Habang ni-lock ko ang kwarto ko, nakita ko si Rex at Ria na nakauniform din at binati ko sila. “Hi Rex, Ria. Good Morning.” “Hi Ate Jane/Rane, Good Morning din.” Sabi nila na parang inaantok pa. Jane ang tawag ni Ria sakin habang Rane naman ang tawag ni Rex sakin. Inaantok palang sila ah, may plano ako. Habang patungo sila sa hagdan, ginulo ko ang buhok nila at dun nagising na talaga sila. “Ate!” sabi nila na halo sa inis at gulat. “Hahaha! Habulin niyo muna ako.” Sabi ko. Tumakbo ako  sa hagdanat nagslide sa hawakan pababa. Sa wakas na habol nila ako sa ibaba at kiniliti.

Pagkatapos ng laro naming pumunta kami sa hapag-kainan. maya-maya tumayo ako dahil ako yung unang natapos kumain, kaya ako ang unang pumunta sa eskwelahan/paaralan. “Ingat kayo hah, una na ako.” Bilin ko sa kanila. “Sige ate, mahgkita nalang tayo mamaya. Ingat ka din.” Sabi nila habang kumakain. May naalala ako habang palabas sa bahay naming. ‘Teka Valentine’s Day ngayon ah.’

-   CLoBOn HIGH   -

Pagpasok ko sa campus, lahat ng mga estudyante at nakatingin sakin. Ano ba ang problema nila? Teka, ay oo nga, famous pala kami. Oo KAMI. KAMI na sa mga kakabarkada ko at sa mga kapatid ko. Teka may na-notice ako, parang ang lahat ng tao sa paligid ko famous. De bale, hindi ko na iisipin. Hindi pa gaano karami ang mga tao dito silid aralan so parang may maliit akong free time, kaya nag Facebook nalang ako. Dumating ang guro naming sabay sa mga ka-barkada ko. “Oh, bakit kayo na huli, diba mas maaga pa kayo kesa sakin?” tanong ko kay May pero mahina ang boses ko na hindi marinig ng guro namin. “Si Lem kasi nagpahintay, eh andon pala siya sa Maynila. Nakitulog pala siya sa bahay ng mga kamag-anak niya.” Sabi ni May sakin na mahina din ang boses. “Ah kaya pala. Akala ko pa naman na may lakad kayo at hindi niyo sinabi sakin.” Sabi ko na nasasaktan. “Hindi naman kami ganyan sa pinaka matalik naming kaibigan.” Ang comforting naman ni May.

PAGKATAPOS NG KLASE

Sinabi kanina ni Lem sakin na pumunta sa hardin ng paaralan. Ngayon nandito na ako sa hardin, pero wala siya.

Ang Pag-iibigan ng Magkaibigan [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon