Lem's POV (pov niya sa kabanata 2)
Nandito kami sa labas ng bahay ng crush ko. Oo, crush ko si Rane pero walang nakakaalam dahil nagkagusto din si KJ sa kanya, kaya magparaya nalang ako. Hindi ko rin alam kung sino ang gusto ni Rane, walang ni-isa na nakaalam kung sino ang gusto ni Rane sa barkada namin. Alam ni JJ na gusto ko siya pero hindi siya nagsabi sa iba.
Ilang minuto na kami naghintay sa kanya. Lumabas nalang ang mga kapatid niya, hindi parin nami siya nakita. Lumipas ng limang Segundo may tumawag kay May. “Hello Rane, asan kaba naghihintay na kami sayo. Wag mong sabihin nakalimutan mo?” si Rane? Bakit hindi ako ang tinawag niya? Mas close naman kami ah. “Alam kong papunta kalang sa room mo dahil nandito kami labas ng bahay niyo.” So nakalimutan niya na may lakad kami ngayon, typical Rane. Mahal ko talaga siya. Pagkatapos ng ilang segundo lumabas siya naka itim ang croptop niya at naka shorts. Bakit naka shorts siya, alam niya ba na may mga manyak sa pupuntahan namin.
May’s POV
Nakatingin ako kay Lem, ang gwapo niya talaga. Oo may gusto ako kay Lem, perp gusto niya si Rane. Nalaman ko dahil sa mga pagtingin niya ni Rane, may halong affection at longing kaya nagselos ako kay Rane pero alam kong hindi niya ako tataksilin dahil alam niya gusto ko si Lem.
Madaling mabasa ang mood ni Lem, tingnan mo lang ang mata niya at malaman mon a gaya nang mood niya ngayon, para siyang nabibwisit habang tinignn ang shorts ni Rane at alam ko kung ano ang iniisip niya kung bakit nag shorts si Rane at hindi niya gusto na maraming lalaki ang tumitingin sa kanya. “Tayo na, ano ba kayo. Asan ba tayo lalakad?” tanong niya samin, pero kahit ako hindi alam kung asan kami pupunta.
“Pupunta tayo sa… Amusement Park!” teka bago to ah, normally hindi enjoyable ang pupuntahan namin kapag ang mga boys ang magplano. Alam ko kung ano ang pinaplano nila.“Talaga?” tanong ko sa kanila.
“Oo naman kami pa.” sabi nilang tatlo ng sabay at meron ding pa gwapo effect nila na hindi naman talaga umeeffect samin kahit si Lem hindi talaga umeeffect.
“Alam ko, may pinaplano kayo noh?” sabi ni Rane na kung makamamatay ang tingin patay na talaga silang tatlo. Tinignan nila si Rane at parang na-drop ang smirk nila.
“Wala ah kami pa, hindi naming gawin sa inyo yun.” Wika ni KJ na nagpapa-gwapo pero hindi yan e-effect kasi magbarkada kami.
“Hindi yan e-effect sakin at alam mo yun KJ. At may iba din akong gusto. Back to the topic anong plano niyo?” sabi ni Rane, alam niyo kung ano ang reaction ni KJ, yung mukhang parang na-offend at nasaktan sa sinabi niya, teka may gusto din si KJ sa kanya?
“So, ano ba talaga ang plano niyo?” sabi ni Jade.
“Parang may mangyayari mamaya na hindi namin gugustuhin.” Sabi ko.
“Oo nga!” sabi din ni Har
“Speak up na boys.” Kahit si Tay.
“Sige nah, oo may plano kami pero hindi nakamamatay patakot lang.” sabi ni JJ na sumusurrender na. Sina KJ at Lem ay parang pinapatay nila si JJ sa utak nila dahil sunabi niya ang plano nila.
“Aish, saang Amusement park tayo pupunta?” tanong ni Rane habang tumingin siya sa relo niya. Tinignan ko na din at nakitang 12:40 na pala.
“Sa Flores Amusement Park. Isang oras at limang minuto lang ang oras ng biyahe, at dinala na din ni Lem ang van nila pati narin ang lamborghine ni KJ. Kaya wala na kayong abalahin pa, kami na ang bahala sa inyo.” Sabi ni JJ.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-iibigan ng Magkaibigan [ON HIATUS]
ChickLitSa malayong lugar ng San Alfonso, may isang babae na pinapangarap na sumalo sa kanya ang mahal niya, pero alam mo naman ang buhay may ibang plano, gaya ng plano niya kay Rane. Ito ang kwento na sumasalaysay sa kuwento niya at kuwento na rin sa mga t...