Chapter4: Mr.Serious

31 0 0
                                    

Flower's p.o.v

Pinipigilan ko nalang na tumawa dahil baka sabihin nila na tinatawanan ko pa ang pagtama ng baton kay lance pero ang totoo natatawa ako kay Unggoy!wahaha

"Ah so..sorry talaga"lumapit si unggoy kay lance at may pahawak hawak pa to ng ulo,pusta ko sisigawan ni lance yan.

"Okay lang magpraktis nalang ulit kayo"imbis na matatawa na ako,napanganga ako sa sagot ni lance,hindi talaga siya nagalit?Ang alam ko malakas ang pagtama ng baton sakanya eh,pero bakit siya ganon?Kung sa ibang lalaki siguro nangyari yun,baka makalimutan pa nilang babae ang papatulan nila eh.

"Seriously hi..hindi ka galit?"aba bingi ata tong unggoy na to.

"Lara,wag ka ng makulit,bumalik ka na dun"sumingit naman si ano..si crush KEVIN ,crush lang hindi mahal!Kasi ang gwapo niya at napakabait.Pero anu daw??

"Si..sige"umalis na rin dun si unggoy at bumalik siya sa kaflagmates niya para makipraktis pero tinignan niya ako at inirapan.

"Bhie,"kalabit sa akin red habang dinadampot yung baton.

"Oh?"tipid kong sagot

"Kita mo yung ginawa ni lance?"tinignan ko si red at nakatingin pala kay lance.

"Anu namang ginawa niya?"sabay upo ko muna.

"Hindi siya nagalit kay lara unggoy"lara nga yung name nung unggoy.

"Oo nga bhie eh,he's..different"sumingit naman si purple,mga kabute ba to?tsk.

"Baka naman manhid yan?"sabi ko sabay tingin kay lance,baka wala siyang feelings?haha.

"Grabe ka bhie!Baka marinig ka niyan"binatukan ko si red

"Ang layo niya!"sabi ko sabay tali ng buhok ko.

"Bhie....Lu..lumabas siya"saad ni purple.sinong lumabas si lara the monkey?The hell i care!

"Hala,baka narinig ka niya!"aba isa rin tong si red,sino bang tinutukoy nila?

"Si lance ang tinutukoy namin"napatingin ako sa mga drummers at boom wala siya!

"Bhie,i think you should follow him"follow?Ang o.a naman kung ganun!para lang dun eh!

"Bahala ka bhie,baka sayo pagbuntungan ng galit nun"ang sarap batukan tong mga kulay na to,napakao.a nila!pero baka naman narinig talaga niya?Eh medyo may mic ako eh-_-

"K,hold this"pinahawak ko nalang kay red yung baton ko at lumabas muna para hanapin yung mr.serious na yun,pero saan ko naman siya hahanapin?Eh ang laki laki ng school na to!

Naglalakadlakad ako at iniisip kung saang lupalop ng eskwelahan na to ko siya hahanapin!

Hindi ko na naman tinitignan ang daanan ko kaya...

"Araaay naman!"sigaw ko,2nd time na naman to ah!Bakit ba ang bubulag nila??!

"Sorry"napaangat ko yung ulo ko at tinignan kung sino tong lalakeng nakabunggo na naman sa akin.

(0.0).....

"LANCE?"Napanganga na naman ako dahil,siya na naman,bakit siya lagi?Pareho ba kaming hindi tinitignan yung daanan?

----------------------

(A/N: kinikilig ako kay lance!!eto na may p.o.v na siya!)

LANCE P.O.V

Alam kong masakit yung pagtama ng baton na yun sa akin pero hindi talaga ako pumapatol sa babae,kaya umalis muna ako dun,gusto ko munang magpahangin.

Habang naglalakad ako,hindi ko maiwasang hindi maisip si Flower,iniiwasan ko siya dahil may ayaw ako sakanya-_-

Pero....

Joker,Tripper,LOVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon