Flower's p.o.v
Hindi ko alam kung uupo pa ba ako o ano,shet lang kasi eh!Bakit sila pa??!!
No choice kaya direretso nalang ako sa upuan ko,kaya mo to flower!fighting!
Umupo na ako sa gitna nila,grabe ang tahimik ng mga classmates ko,hinhintay siguro nila yung pagsesermon ko pero shete!paano ko sisimulan?O lets say sisimulan ko ba?
Aish..Hindi na talaga ako sanay,tinignan ko yung dalawa kong katabi aba nakaheadphone sila pareho at nakapikit,magkakilala nga talaga sila.Pero mga tulog ata??
Hindi ko nalang sila gigisingin dahil sino nga ba ako??!!Kung dati pag may natutulog sa classroom ko ah este namin pala eh binubulabog ko!Pero parang hindi ko na ata magagawa pa ata iyon dahil andito yung dalawang to,binabago ba nila ako?!!punyemas!
Pero parang may chance ako ngayon na sermonan yung mga classmates ko dahil feel ko lang ah?feel ko lang talaga ng tulog na tulog yung mga bruhong to-_-
Tatayo na sana ako pero may biglang humawak sa kamay ko..
Si Kevin?Hala!Napasarap nga talaga yung tulog niya!
Unti unti kong tinanggal yung kamay niya sa kamay ko at sa wakas natanggal rin!
Tatayo na ulit sana ako kaso putek..may humawak na naman sa kamay ko!!....
Si Lance naman ngayon!Isa rin to eh napasarap yung tulog!Tatanggalin ko na rin sana kaso mas lalo naman niyang hinihigpitan,nanaginip na ata siya!Pero realtalk,tumataas yung kuryente ng kamay ko!
Pilit ko parin tinantanggal pero ang hirap talaga eh!Baka magising pa pag mas pinilit ko!Pero mas lalo akong nagulat ng sinadal ni...KEVIN yung ulo niya naman sa akin!!
Waaaaaaahhhh!!!!anu bang klaseng taong mga to!!
Kaya ginising ko nalang sila!!!
---
LANCE P.O.V
Inaantok parin ako kaya itutulog ko nalang to,alam ko naman na si flower yung gitna namin ni kevin eh,at parang ganun rin si kevin,pareho nalang namin pinikit at nilagay yung headphones namin para walang makaistorbo,-_Sobrang sarap na talaga ang tulog ko ng may biglang..
"Waaaaahhhh,gumising nga kayooo!!"sigaw ni flower at napatayo siya sa gitna namin,anu ba namang problema ng babaeng to?panira naman ng tulog eh!!aisshh,pero ang ganda niya ngayon,pero f*ck!erase erase!tsk.
--
KEVIN P.O.V
Sinadya ko talagang ipikit ang mga mata ko,at alam ko na rin na si flower ang nasa gitna namin,syempre gusto ko:)pero wag muna ngayon-_-
Hindi ko alam kung bakit ko hinawakan ang kamay niya at sinandal ang ulo ko kay flower,basta ginawa ko na lang yun,pero...
"Waaaaaahhh gumising nga kayoo!"sigaw niya at napatayo pa.Panira rin talaga siya ng moment?tsk.
------
FLOWER'S P.O.V
Ayaw ko na!Ibabalik ko na yung dating ako ngayon!Boss dapat ako!Warfreak dapat!!
Kaya ang ginawa ko pumunta ako sa harapan sa may teachers table ,wala pa naman yung teacher namin eh.
Tinignan ko lang sila lahat ganun na rin silang dalawa,wala akong pakialam kung magalit sila o hindi!Labanan kung labanan!Hindi na ko mahihiya!Dapat makita nila ang tunay na ako!!
"Kayong lahat!!"sigaw ko sabay tingin ng masama sa mga classmates ko.
"Gusto kong kayo lahat ang maglinis ng classroom ng one month!Ganti ko yan sa ginawa niyo kahapon!!ano may angal?!!"sigaw ko.Tinignan ko sila kevin at lance,si kevin gulat,si lance....
As Usual pokerface!!!!
"Si..sige"sagot naman nilang lahat maliban syempre sa dalawa-_-
"Boss flower,kasama ba sina kevin at lance?"tanong naman ni jerome,teka kasama nga ba?Pero syempre dapat oo!
"O..o..oo naman!"utal ko pa,tinignan ko naman silang dLawa si kevin gulat parin si lance...
Nagwalk out-_-
Pero biglang dumating si ma'am lina ang aming filipino teacher at dali dali naman akong pumunta sa kinauupuan ko,terror to men!
Nang nakabati na kami umupo na rin agad kami,tinignan ko si kevin at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya hinarap ko ulit yung discusdion,wala pa si lance,galit ata yun?
"Oh lance?Where have you been?!!"galit na sabi ni mam kay lance matapos siyang nakabalik ulit sa room.
"Sa c.r mam"sagot niya at direretso na ulit siyang pumunta sa upuan niya,sa may tabi ko.
Nagstart na ulit si mam na magdiscuss.
Shete bumabalik na naman ako sa dati eh!Parang nahihiya na naman ako sakanilang dalawa!
"Flower"tinignan ko kung sino yung nagsalita..si kevin the crush?Naku nahawa na ako kila red!!
"Bakit kevin?"eto nalang yung nasabi ko,pero putek habang tinititigan niya ako natutunaw naman ako!
"Pahiram naman ng english notebook mo"sagot niya,swerte niya nangongopya ako lagi sa blackboard pero waaaah hihiramin niya!ay ang o.a-_-
Kinuha ko naman na yung notebook ko sa bag ko at inabot na sakanya.
"Thanks"sabi niya sabay tago ng notebook ko sa bag niya.
"Don't worry ibibigay ko rin bukas,may kokopyahin lang ako"sabi pa niya at bigla pa siyang ngumiti!!
"Okay"at tinignan ko nalang ulit yung blackboard.Baka kasi matunaw pa ako sa titig niya!
Si Lance kaya?Kelan niya ako kakausapin ng maayos?
Yesssss!!bell na!!
Natapos ang buong klase ng napakaawkward na moments!Sabi ko na hindi ako mahihiya pero talagang hindi sumusunod yung puso ko eh!!
Kaya bago ako tuluyang lumabas ng room sinabihan ko si areen na tandaan nila yung sinabi ko kanina,pumayag naman kaya nagsimula na silang maglinis,pag may time tutulungan ko sila:))syempre anghel parin ako noh!!
Lalabas na sana ako pero naalala ko yung dalawa.Nakatayo lang sila sa may harap.
"Hoy maglinis kayong dalawa ah!"hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi,
Lalabas sana ulit ako kesyo,nagsalita bigla si....LANCE
"Stop cleaning!"sigaw niya sa mga classmates ko na naglilinis na,wait sumisigaw din pala siya?
Pero bakit sinunod naman ng mga kaklase ko yung sinabi niya?!!
"Wag na kayong maglilinis ng 1month dahil....si FLOWER na ang bahala kaya you may go now!!"sigaw pa niya,kaya nagsilabasan na yung mga classmates ko.Naiwan akong tulala dito.
"Whaaaatttt!!"lumapit nalang ako sakanila,ngayong tatlo nalang kami.
"Maglilinis ka whether you like it or not"aba anung karapatang sabihan ng ganyan sakin ni lance?
"Whether you like it or not,ayaw ko pa rin!"sigaw ko.
"Fine,sasabihin ko kay principal na hindi ka naglilinis"sabi pa niya,tahimik lang si kevin-_-
"Pamangkin ako ng principal natin"pagmamayabang niya,aba may hangin pala to?!
"Fine!umuwi kana!ako na po ang maglilinis!"padabog akong kinuha yung walis at nagwalis walis nalang,ayaw ko namang palabasin dito sa eskwelahang to ayaw kong magalit sina papa,kaya kahit ayaw ko gagawin ko nalang for the first time-_-shocks!! Naiiyak ako,pero no hindi pwede!
At tuluyan ng umalis sila lance,at naiwan akong naglilinis dito..Ayoko talagang gawin yung mga ganto eh!Hindi ako sanay!hmmpft-_-Pwede na ba akong umiyak?Eh kasi naman eh!
Hindi ko napansing tumulo na ang mga luha ko.Punyemas kasi yang lance na yan eh nang may biglang....
"Tulungan na nga kita"(0.0)
-------abangan
Goodnight!
-exoexo12
$arah:))
BINABASA MO ANG
Joker,Tripper,LOVER?
Teen FictionIstoryang nakakaiba sa lahat ah basta basahin niyo,sabi nga nila DONT JUDGE BY ITS COVER!kaya read niyo nalang,ako nga natatawa ako pag nababasa ko to pero may part na maiiyak na ewan basta nakakaiba tong lovestory na to.:)